Dahil sa hindi mapakali si Serena agad itong nag tungo sa balkonahe ng kanyang kuwarto. “Hindi kita kayang kalimutan, Elio…” bulong ni Serena, habang nakatingin sa alon na parang sinasalamin ang kaguluhan ng puso niya. Nasa may terrace siya ng lumang rest house ng mga Monteverde—malayo sa ingay ng siyudad at sa presyur ng isang kasalang ayaw niyang ipaglaban. Doon niya piniling tumakas—isang gabing puno ng tanong, ng damdaming pilit pinipigil, at ng isang pangalang hindi niya kayang limutin. “Hindi mo naman kailangang limutin ako, Señorita…” sabay bulong ng pamilyar na tinig sa likod niya. Nilingon niya si Elio. Basang-basa ang buhok nito, tila bagong ligong parang galing sa dagat. Naka-itim ito na sando at pantalon, simpleng ayos ngunit tagos sa dibdib ang presensya. “Anong ginagawa

