Matamlay na nilinis ni Nikki ang kabayo na si Lemery tuwing sumasagi kasi sa alaala niya kung paano siya pakitunguhan ni Don fakundo. At kung paano siya nito kausapin na parang isang anak ay hindi mawala sa kanyang alaala ang mabuti nitong puso para sakanilang magina. Para sakanya masakit parin ang pagkawala nito gayong isang taon narin ang lumipas simula ng mamaalam ito.
Bigla naman siyang tinawag ng kanyang ina kaya naman napukaw ang kanyang atensyon "Nikki anak halika ka muna dito, At may sasabihin kami ni Donya Esmeralda sayo" Wika ng kanyang ina. Napakunot noo naman niyang iniwanan muna ang kabayong si Lemery at tinungo ang kinaroroonan ng kanyang ina at ni Donya Esmeralda.
"Ma' ano po ba iyon? bakit po kayong dalawa pa ni Donya Esmeralda?" Takang takang tanong niya sa dalawang ginang. Bigla ay tumikhim ang Donya at nagsalita "Mama Esmeralda na ang itawag mo sa aking iha'' Nakangiting sagot nito sa tanong niya. Kaya naman namilog ang kanyang mata na takang taka dahil bakit mama ang ipinatatawag nito sakanya
"Hi-hindi ko po kayo maintindihan? Mama at Do-donya Esmeralda, Ano po bang sinasabi ninyo?" tanong niya sa dalawang ginang. ''Napagusapan kasi namin anak na ipagkasundo kayo ng anak ni Donya Esmeralda at ito din ang huling habilin ni Don Fakundo'' Paliwanag ng kanyang Ina.Bigla naman nanlambot ang kanyang dalawang tuhod sa naging paliwanag ng dalawang ginang.
''Ma! Donya Esmeralda pero bata pa po ako, At isa pa nagaaral pa po ako?" Tanong niya sa dalawang ginang na nakangiting nakaharap sakanya. ''Iha huwag kang magalala ako na ang bahala sa kolehiyo mo huwag mo ng problemahin iyon" sagot ng Donya. "Pe-pero po hindi ko pa po nakikila ang anak ninyo at isa po payag din po ba siya?" tanong ni Nikki kay Donya Esmeralda. ''Huwag kang magalala iha, napagusapan na namin ni Jonathan ang tungkol dito''
Tila may bumikig sa lalamunan ni Nikki ng marinig ang pangalan ni Jonathan para kasing biglang nilamutak ang kanyang sikmura ng marinig palang ang pangalang Jonathan. ''iha mamayang Dinner sabay sabay tayong kakain ng maipakilala ko kayo sa Isa't isa" Walang pagtutol at agad nalang tumango si Nikki at pagkuwa'y nagpaalam muna sa dalawang ginang na may kukunin lang sa bahay at agad na akong kumaway habang papalayo.
Habang naglalakad papunta sa bahay ng bestfriend na si Patrick madaming bagay at tanong ang pumapasok sa isipan ni Nikki. Kung ano nalang ang mangyayari sa kanila ng anak nila Donya Esmeralda, Kung hindi magkasundo. Pinilig-pilig ni Nikki ang kanyang ulo habang naglalakad at bigla ay biglang may bumato na kung ano sa kanyang likuran.
Ngingiti-ngiting tumatawang ang kaibigan niyang si Patrick naroon pala ito sa tindahan ni aleng myrna kasama ang iba pa nitong kaibigan na umiinom ng softdrinks at nagkukuwentuhan. '' Patrick naman ano na naman ang trip mo at kung makabato ka diyan wagas'' Inis na wika ni Nikki sa kaibigan. Bigla ay narinig ni Nikki na pinipituhan siya ng iba nitong mga kabarkada at agad naman sinaway ni Patrick.
kahit naman kasi binubully sya ng kaibigan ay inaalala at inaalagaan parin ang dignidad niya bilang babae. At ayaw nito na binubully siya ng iba at binabastos ganoon kasarap maging bestfriend itong si Patrick. Kaya naman ito ang takbuhan niya tuwing may nangaalaska sa kanyang iba, at agad naman itong rumeresbak ng hindi niya namamalayan. Magugulat nalang siya at humihingi nalang ng tawad ang nambully at nakagawa sakanya ng di maganda.
''Saan ba ang punta mo at parang hibang ka diyan na naglalakad" Tanong nito sakanya. "Patrick pwede ba tayong magusap?" wika niya dito ''Mukang may problema ang maganda kong bestfriend ko ah" Sagot nito sakanya habang nakangiti. Bigla naman sumeryoso ang mukha ni Nikki nang maalala nanaman niya ang napagusapan nilang magina at ni Donya Esmeralda.
Bigla inagaw ni Nikki ang hawak ni Patrick na softdrinks at pagkuwa'y dali daling ininom. Naging palagay narin kasi ang loob ni Nikki sa kaibigan. Kaya kahit nainuman na ng binata ay iniinom parin niya ganoon kapalagay ang loob niya dito.
''Patrick" seryoso niyang wika habang iniinom ang softdrinks "Ano ba kasi yon Nikki? tanong ni Patrick sakanya. ''Pat! magaasawa na ko" Mabilis niyang wika dito. Nang tignan niya ang muka ni Patrick ay parang naestatwa ito sa narinig ''Huy Pat! natulala ka diyan sabi ko magaasawa na ko!" Wika niya muli sa kaibigan.
Ngunit hindi ata nag sisink in sa utak ni Patrick kaya tinapik tapik ito ni Nikki ngunit bigla nalang itong natawa. ''Ano bang sinasabi mo diyan? huwag ka nga magbiro ng ganyan" Nagaalangan nito sagot sakanya. "Totoo yun Pat! miski ako hindi rin makapaniwala" Muli ay sagot niya sa kaibigan. "Huh? Paano nangyare yun? Sino ba namang timang ang gusto kang mapangasawa?" Biro nito sakanya at bigla inagaw ang iniinom niyang softdrinks at ito naman ang uminom.
"Anak ni Donya Esmeralda ang gustong ipagkasundo saken patrick nakakagulat diba?" wika niya sa kaibigan. ''Bakit pumayag ka ba? Ni, hindi mo nga kilala yung tipaklong na yun Niks,Tapos magpapasakal ka doon? huwag kang pumayag Nikki! bata pa tayo diba? madami pa tayong pangarap pupunta pa tayong Spain db?" Sunod sunod na sagot nito sa kanya.
Nakangiti naman niyang sinagot ang binata ''Bakit pwede naman tayo magpuntang Spain kahit may asawa na ko ah wala naman magbabago sa pagkakaibigan natin db? ikaw at ako mag bestfriend parin tayo till death do us part" Mahabang paliwanag ni Nikki sa kaibigan. At pagkuwa'y nakipag fist bump sa kaibigan, Ngunit hindi tinugon ni Patrick ang pakikipag fist bump niya dito.
Bigla ay napataas ang kilay niya sa binata. ''Huwag mong sabihin na iiwasan mo na ko dahil magaasawa na ko?" tanong niya dito ngunit hindi naman ito sumasagot tila labis niya ata itong pinagalala at ayaw niya iyon mangyare kaya bigla niya itong inakbayan at kinurot kurot sa pisngi.
"Huy! bestfriend galit ka ba? huwag ka naman magtampo hindi naman kita iiwasan at palagi parin tayong maguusap at magkukulitan walang magbabago Pomise!!" At muli nga itong tumingin at kinurot ang kanyang pisngi at bigla napabuntong hininga at pagkuwa'y nagpaalam na sa kanya.
"Niks may gagawin pala ako nasira kasi yung motor ni Papa may pinapabili kasi siyang pyesa punta muna akong bayan" Paalam ng kaibigan at bigla ay kumalas ito mula sa pagkakaakbay niya, at wala na siyang nagawa at tumango nalang siya. "Uy Pat!! text text tayo huh o kaya chat tayo" Sigaw niya dito habang papalayo ang binata nag thumps up nalang ito at humarap sakanya.
Hindi alam ni Nikki ang gagawin ng sumapit na ang hapunan na hihintay niya. Dahil ito na ang gabing makikilala niya ang tipaklong na ipinagkakasundo sakanya ng kanyang mama at ni Donya esmeralda. ''Nikki iha" tawag sakanya ng Donya ang magiging soon to be byenan niya kapag nagkataon napapakamot nalang siya sa kilay at pagkuwa'y lumapit.
"Ano po iyon Donya Esmeralda" Tanong niya sa ginang "Iha halika dito" Wika muli ng ginang at may inabot na paper bag na may lamang mga bestida. Nakangiwi niya itong inabot "Para saan po ito Donya esme?'' Tanong niya sa ginang "Ops iha don't call me Donya fyi iha magiging Mama mo narin ako" nakangiti nitong sagot sa kanya.
"A-ano po kasi naiilang parin po ako'' Naiilang na sagot niya muli sa ginang "Its ok iha, Sige na at mamili ka na ng susuotin mong damit diyan, for sure lahat yan magkakasya sayo, Put a little make up and come to us, Nasa dinning area na ang anak ko at naghihintay saiyo" At pinapunta na siya nito sa tinutuluyan nilang guest room na mag ina. Kapag kasi nag oovernight sila sa mansyon at hindi sila pinauuwi ng mag asawang Don at Donya doon sila namamalagi sa silid na iyon.
kahit labag sa kanyang kalooban isinuot niya ang napiling bestida at naglagay ng kaunting powder sa kanyang mukha at nag lipgloss ng bahagya. Buti nalang at naiwan sa guest room ang maliit na pouch na ng kanyang ina at may lamang ilang gamit na pampaganda.
Dali dali ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba sa dining area at dahan dahan naglakad palapit sa dalawang ginang at sa binata. Bigla ay kinabahan siyang makita ang anak ng Donya na tila hindi alam ang gagawin buti nalang at nandoon narin ang kanyang ina at nang makita siyang papalapit ay bigla siyang tinawag.
''Nikki bilisan mo na diyan at lalamig itong pagkain kanina pa ito nakahain" wika ng kanyang mama na tila naiinis dahil sa naging paglakad niya ng mabagal. "Opo Ma' bibilisan na" Sagot niya sa ina kaya naman dali-dali ay agad siyang umupo. Hindi nagtagal at bigla tumikhim ang binata at bigla ay humarap sakanya. Nang tangkang ilalahad nito ang kamay sa kanya ay gulat na gulat itong napatayo at sabay pa silang nabigkas ang kanya kanyang pangalan.
''Jo-jonathan?"Gulat na gulat niyang tanong sa binata. " So It's you Nikki? Nakangiting wika ni Jonathan na agad namang ikinamangha ng dalawang ginang. "Do you know each other iho?" tanong ng Donya sa kanilang dalawa. Bigla naman sa pagpalahaw ng tawa ang binata "Yeah, we know each other si-since" wika nito habang nagiisip.
''Opo mama ka-klas'' hindi pa man natatapos ni Nikki ang sasabihin ay agad naman nitong tinakpan ang kanyang bibig at dali-dali inakbayan si Nikki. At muli ito nalang ang sumagot ng tanong ng dalawang ginang. "Ma! Tita, we know each other dahil nagkita na kmi dati somewhere in the mall, Sa bayan, akala ko po kasi nawawala siya noon kaya binigyan ko po siya ng pera at tinuro yung direksyon pauwi" Nakangising wika ng binata.
kaya wala nang nagawa pa si Nikki at sumang ayon na lang kahit masama ang loob. At pagkuwa'y umupo na ang dalaga kung saan katabi niya ang mayabang na tipaklong.
Natapos ang kanilang first dinner ng gabing iyon na walang tigil sa kakasipa si Nikki kay Jonathan at panay kurot ang inabot ng binata. Kapag may naikukuwentong itong hindi maganda tungkol sa istoryang ginawa nito sa pagkakakilanlan nilang dalawa sa mall.
''Jonathan iho, I am really glad na magkakilala na pala kayo nitong si Nikki, Baka nga you destined for each other" Panunukso ng Ina ng binata sa kanilang dalawa. Ngunit kakamot kamot nalang sa kilay si nikki na ngingisi ngising pilit.
"Iha Sana magkakilala pa kayong mabuti nitong anak ko, Para narin maging maayos ang pagsasama ninyo kapag naging magasawa na kayo. I want you to stay here tonight iha, Para naman magbonding kayo ni Jonathan" Wika ng nakangiting ginang kay Nikki.
Matagal bago mapagisipan ni Nikki ang isasagot sa Donya, Kaya namn bigla ay pinandilatan siya ng mata ng kanyang Mama. ''Ah,eh o-opo wala pong problema" sagot niya sa Donya ."Well thats good to hear iha maiwan na namin kayoni Jonathan dito,At iinom lang kami ng Mama mo ng tsaa sa hardin, Okay enjoy the night sa inyong dalawa" Paalam ng nakangiting ginang at pagkuwa'y nagpaalam narin sa kanila pati ang kanyang Mama margarita.