CHAPTER 8

1954 Words
  Ngayong araw ang alis ni Maine, hindi na ako sumama pa sa airport dahil lalo lang akong malulungkot na makita siyang umalis. Si Ki-el ay tahimik lang din at mukhang hindi nakikinig sa aming guro.  Nag-bell na, tanda ng breaktime. Dahil wala si Maine, kami lang ni Ki-el ngayon ang magkasama. Halos lahat na ata ng kaklase namin ay nakasundo ni Ki-el, pati si Akira ay animo’y linta na kulang na lang ay ialok ang sarili kay Ki-el. “Sabay na tayo,” aya ni Ki-el sa akin para sabay kaming lumabas. Habang naglalakad, tahimik lang kami hanggang makapuntang parking lot. Dahil isa lang ang pwedeng makapasok doon, sinabi niyang hintayin ko na lang siya sa labas. Ang isip ko pa rin ay na sa ibang mundo nang may humintong isang magarang sasakyan at bumaba ang isang lalaking nakaputing longsleeve, black pants, at naka-leather shoes ang suot. Pagkasarado niya sa pinto ng sasakyan, saktong nagtama ang aming mga mata. Sa ikalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng kakaibang kuryente mula sa pagitan naming dalawa. Pamilyar din ang mata niya, sigurado ako sa bagay na ‘yon. Muli siyang sumakay ng sasakyan at pinaandar ito ng mabilis. Ilang minuto pa ang lumipas noong dumating si Ki-el, kaya hindi ko na sa kaniya naituro pa. Hindi matahimik ang kalooban ko. Ang tagal ko na siyang hinahanap, sigurado akong siya ang lalaking naka-black na hoody, ito yung tumulong sa akin makalayo. “Are you sure?” alangang tanong sa akin ni Ki-el. “Sigurado ako.” Kung siya man talaga ‘yon, sana muli kaming pagtagpuin dahil simula ng gabing ‘yon, hindi na napanatag pa ang kalooban ko. Hindi isang attraction ang nararamdaman ko ngayon kung hindi isang kasagutan ang gusto kong makuha sa kaniya. Ang pagkamatay ni Drake, yung nangyari kay Vincent at Rovick, lahat ba ng ‘yon ay aksidente lang? Aksidente lang din bang makita niya ako at hinatak papalayo? Ano ang tunay niyang pagkatao at ang may pakana sa likod ng mga nangyari?   “ARE you okay?” nag-aalalang tanong ni Ki-el sabay abot ng tray na kaniyang inorder. Tinitigan ko lang ito, wala akong ganang kumain. “Hey, kumain ka na muna.” Nagsimula ko nang galawin ang mga binili niya pero parang dumadaan lang sa bibig ko. Kahit noong na sa sasakyan na kami, wala akong naging kibo hanggang makarating sa eskwelahan. Kadarating lang ni Sir Manalaysay, teacher namin sa CBIS o Computer Based Information System. Ang dami niyang inilabas na visual ng topics. “Do you know that you can be a hacker by the use of imagination?” tanong ni Sir Manalaysay na tumawag ng pansin ko. Walang kahit isa ang nagbalak sumagot. “Yes you can. The concept of what you think can create adventurous things,” dagdag pa niya. “One of the best example is Onel De Guzman, the creator of historical ‘I love you Virus’. Ten million windows were affected. Imagine, he is just a college student. How could we think that Onel is just a simple teenager when he spread this kind of virus within 24 hours?” muli tanong ni Sir Manalaysay ngunit wala pa ring kumikibo. Umupo si Sir sa may desk niya habang sinusuri ang magiging reaksyon namin. “He can be a great hacker because of his ability. He can destroy the operating system, he can make an access in unauthorized section and be a part of monstrous site.” Nag-sink in sa isip ko ang huling sinabi ni Sir Manalaysay, ang monstrous site na pinag-uusapan sa gc. Dahil sa kuryosidad, nagtaas ako ng kamay para kuhanin ang atensiyon ni Sir. “Yes, Ms. Callegos?” tawag niya sa apelyido ko. “Ahm... Sir... Monstrous is a kind of fraternity?” Napangiti naman siya sa akin at muling tumayo. “Yes, but there are two types of Monstrous. The first one is black Monstrous, they are group of hackers, robbery, illegal drugs, theft, and money under the table,” unang paliwanag ni Sir Manalaysay. “Second is the red monstrous, or it must be known as the end. Once you enter in this site, it will be the end of your life,” saad nito. Kung gano’n ay tama si Damon, masyadong delikado kung papasukin ito. May kung anong humahatak sa akin para alamin pa ang ibang detalye sa samahang kanilang binubuo. “Kung iniisip niyo kung bakit walang pagkilos ang gobyerno, iyon ay dahil karamihan sa kanila ay protektado ang monstrous site.” Kasabay ng nakatitindig balahibong paliwanag ni Sir Manalaysay ay ang pagdampi ng hangin sa mga balat ko. “But the most dangerous thing is…” dagdag ni Sir at tumingin sa direksyon ko. “When superior of monstrous protect the person out of the group.” Muli ay nilibot niya ang kaniyang paningin sa iba ko pang kaklase. “In that case, that person need to run away or will die.” “Paano niyo po nalaman ang bagay na ‘yan?” puno ng kuryosidad na tanong ni Akira. “Because of articles. That’s all for today,” paalam ni Sir Manalaysay bago mag-ayos ng gamit at mauna na lumabas. Hindi mapanatag ang kaisipan ko sa kaniyang sinabi. Nasa parking lot na kami ni Ki-el ng bigla ako sa kaniyang nagpaalam na may naiwan lang sa room. Sinabi naman niyang sasamahan niya ako pero agad akong tumanggi. Pagpunta ko sa teacher’s office ay wala si Sir Manalaysay dahil pumuntang library. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahong pumunta doon para hanapin siya. Hindi ako nagkamali, nandito siya at walang emosyon na nakatingin sa direksyon ko. “S-Sir,” tawag ko sa kaniya. “Yes, Ms. Callegos?” muli niyang tanong. “Do you have any idea about monstrous?” Ang hawak niyang libro ay ibinaba niya sa malapit na table at lumapit sa akin. “No. That’s dangerous. Kung may balak kang pag-aralan ito, huwag mo ng ituloy,” babala ni Sir Manalaysay. Hindi na ako kumibo pa, siguro ay tanging basic information lang din ang alam niya. Nagpaalam na ako at dali-daling pumunta sa parking lot. Papalapit na ako noong mapansin kong may kausap si Ki-el na lalaki, kasing tangkaran lang niya bagamat hindi ko makita masyado dahil nakatalikod ito sa akin. Noong makita ako ni Ki-el ay agad siyang kumaway, at ang kausap niya ay sumakay na rin ng sasakyan at nauna nang umalis. “He’s my brother. Ipapakilala sana kita kaya lang ay masyadong busy,” ani ni Ki-el habang nagmamaneho. Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay agad na akong pumasok sa loob para magbukas ng account at makausap si Damon. Nawala ang ngiti sa mga labi ko noong makitang hindi siya online. “Damon, can I ask? I’ll wait for your response.” Tipa ko sa laptop. May narinig akong yabag ng mga paa kaya’t agad ko nang isinarado yung laptop. Siguro ay umuwi na sina Yaya Medy kaya’t masaya akong lumabas para salubungin sila. Walang tao sa ibaba. Inikot ko ang kabuuan ng bahay pero wala talaga. Nakaramdam ako ng takot ngunit bigla kong naalala si Damon, baka siya na naman ito. “Damon?” tawag ko sa pangalan niya ngunit walang sumasagot. “H-Hindi ito magandang biro.” May narinig ako kaluskos na nagmumula sa itaas at parang mayroon din sa kwarto ni Papa. Hindi ko alam kung saan unang pupunta pero mas pinili kong doon sa kwarto muna. Hawak ang isang baseball bat, lakas loob kong pinihit ang doorknob at halos mahulog ang puso ko sa kaba. Walang tao sa loob. Malakas ang pakiramdam ko sa ganitong mga bagay. Dahan-dahan akong umakyat para pumanik ng biglang tumunog ang doorbell mula sa labas. Takbo akong pumunta doon at laking pasasalamat ko na si Damon iyon. “Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. “Y-Yeah. Mabuti napasyal ka, sana nagchat ka man lang,” aniko sabay hampas sa braso niya. “I just want to surprise you,” sagot pa nito. Inaya ko siya sa loob at nagtimpla muna ako ng juice sa kusina habang siya ay na sa sala. Pagbalik ko ay wala si Damon, iniwan ko lang siya kaninang nakaupo dito sa sala. “Ava, makiki-CR lang sana ako,” paalam niya. ibinaba ko na yung tray at hinanap ang kinaroroonan niya.  Ang tagal niya, naisipan ko na sundan at baka sa ibang direksyon ng mansyon napunta. Nagkasalubong kami sa hallway. “Sorry, ang laki ng bahay niyo kaya’t naligaw ako,” nahihiya niyang sabi habang kumakamot pa sa balikat. Hinatak ko na siya papunta ng sala. “Bakit hindi ka na lang sumama ng Australia?” tanong ni Damon dahil nabanggit ko sa kaniyang doon na naninirahan si Kevin at tita Valencia. “Gusto ako ni Papa dito eh,” walang gana ko namang sagot. “Mr. Callegos is a Mayor, isn't it? What is the feeling of being his daughter?” muli niyang tanong. Binitawan ko ang hawak kong chips at napahiga sa sofa. “I don’t know,” maiksi kong sagot at marahang pumikit. Pakiramdam ko anumang oras ay may babagsak na namang mga luha.   “Ahm… Ava, I have to go. May kailangan pa kasi ako asikasuhin,” pagpapaalam niya habang hawak ang phone. Hindi na ako nagtanong pa. Hinatid ko siya sa labas at kumaway hanggang sa malayo ito. Hindi rin nagtagal ay saktong dumating na rin sina Yaya Medy. Nagkasalisihan lang sila, sayang at hindi ko na siya nagawa pang ipakilala. Pumasok na ako sa loob. Sa dami kong ininom na juice, umaandar na ang pantog ko. Nagmano na muna ako kay Yaya Medy bago mag-CR. Pagbukas ko ng pinto, may isang panyo ang naka-agaw sa aking atensiyon. Kulay pula at itim na may disenyong isang anino ngunit hindi ko masyadog maintindihan. Tanging isa lang alam ko, ito ang simbolo ng monstrous site.  Minabuti ko na lang mag-CR bago i-chat si Damon na may naiwan siya. Saktong pag-online niya, binuksan ang mga chat ko. “Naiwan mo,” sabi ko at sinend sa kaniya ang litrato. “Yeah I forgot.” Muli akong nagtipa sa laptop ng reply. “Monstrous sign?” Agad niyang sineen. “Yes. Na-curious lang din ako kaya nagpagawa ako niyan. Keep it, baka akalain nila ay miyembro ka,” sagot nito at may kasamang nakatawang emoji. Inilagay ko na lang ‘yon sa isang box. “By the way, about monstrous. Iyan topic namin kanina,” pag-iiba ko. “Damon alam kong may alam ka. Help me,” Simula pa noong una, palagi ko siyang kinukumbinsi kahit na ayaw niya ang nais kong gawin. Sineen lang niya chat ko. Sinubukan kong tawagan ngunit namamatay lang bigla. “No princess, I can’t. That is dangerous.” Napaismid ako sa naging sagot niya. “Kung ayaw mo, ako na lang.” Hindi ko na binasa pa ang sumunod niyang sinabi. May mga articles tungkol sa monstrous site, may kaunting ideya naman akong nakuha. Habang lumalalim ang gabi, lumalalim na rin ang napupuntahan ko hanggang sa mapasok ang isang site na ngayon ko lang nakita. “Hi, do you want to know more?” isang tanong galing sa screen. Hindi naman siguro delikado ang sumagot, mukhang chatting site lang din. “Yes,” mabilis kong sagot ng biglang nagblack ang buong screen. Pilit kong ginagalaw ngunit ayaw pa rin. Hinintay ko na lang ulit baka sakaling magbukas. “Welcome to Monstrous site.” Isang boses ng lalaki ang nagsalita. Pilit kong ibina-back pero ayaw pa rin. Tila tumigil ang hininga ko noong tinawag niya ang pangalan ko.   “Ava.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD