INT. SCHOOL HALLWAY — UMAGA
Maagang-maaga pa lang ay dumating na si Jack sa school. Wala pa masyadong tao, at ang mga hakbang niya ay umaalingawngaw sa tahimik na corridor. Hindi man niya aminin sa sarili ang tunay na dahilan, pero nasa ilalim ng lahat ay ang isang malabong pag-asa—ang makita si Larissa, kahit isang saglit lang. Kahit isang silip mula sa malayo. Kahit ang amoy ng pabango niya sa hangin o ang tunog ng mga heels niya na parang musika sa kanyang pandinig na unti-unting nakakagiliwan ng katawan niya.
Pero sa pag-ikot niya sa main building, wala.
Wala sa hallway malapit sa faculty lounge.
Wala sa may second-floor office window kung saan madalas itong tumambad.
Walang pabangong mamahalin at malinis na dumadaan.
Walang tunog ng heels na para bang nagsusulat ng awtoridad sa sahig.
At doon, sa kawalan, nagsimulang mamuo sa kanyang dibdib ang isang mabigat na kutob, isang bumabagabag na tanong na paulit-ulit sa isipan:
JACK (V.O.)
“Is she… avoiding me? After everything she said? After ‘There is something’… ngayon, wala na?”
Ang puso niya, na kanina pa lang tumitibok nang mabilis sa pag-asa, ay biglang naramdamang mas mabigat, parang may umupong lamig sa loob ng dibdib niya.
---
INT. MAIN OFFICE – SAME TIME
Si Larissa ay nakatayo sa harap ng malaking salamin sa kanyang opisina, hindi para mag-ayos, kundi para hanapin ang sarili sa repleksiyon. Inaayos niya ang isang strand ng buhok na hindi naman sira. Hinihimas-himas ang tela ng kanyang blazer. Ginagawa ang lahat ng maliliit na bagay para maikubli ang totoo: na hindi siya mapakali.
LARISSA (to herself)
(Mahigpit, parang panalangin)
“Hindi pwede. Hindi dapat. Kahit anong naramdaman mo kahapon, kahit gaano ka totoo… tapusin mo na, Larissa. Kalimutan mo na.”
Pero habang sinasabi niya iyon sa sarili, napansin niya sa salamin kung paano namula ang mga pisngi niya—isang maliit, natural na reaksyon ng katawan na nagsasabing may nararamdaman siyang hindi kayang supilin ng utak. Isang liwanag sa mga mata na hindi niya maipaliwanag kahit kanino.
Tinapik niya ang sariling pisngi, parang pinapagalitan.
LARISSA
“Get a grip,Larissa. For heaven’s sake, behave.”
Biglang tumunog ang pinto sa labas. Pumasok ang kanyang assistant, si Ms. Torres, na may dalang mga folder at isang maliit na sticky note.
ASSISTANT:
“Ma’am,good morning. May memo po galing faculty regarding the intramurals. Also…”
(Huminto saglit,tiningnan ang note)
“…may nagtatanong po kanina kung nandito na kayo.”
Nag-freeze ang dugo ni Larissa. Alam na niya kung sino, bago pa man sabihin.
LARISSA:
(Trying to sound casual)
“Sino?Student?”
ASSISTANT:
“Opo.‘Yung bagong transferee—si Jack Samson. Parang may gusto po ata siyang ikonsulta.”
Mabilis niyang inayos ang blazer, itinago ang anumang reaksyon sa mukha. Pero ang kanyang mga daliri ay nanginginig nang bahagya.
LARISSA:
“Tell him I’m in a meeting all morning.Kahit… kahit hindi pa nagsisimula ‘yung una. Saka na lang siya pumunta kapag may schedule.”
Tumango ang assistant at lumabas. Nang mag-isa na siya muli, huminga siya nang malalim.
At doon, sa gitna ng katahimikan ng opisina, inamin niya sa sarili:
She is avoiding him.
Active,deliberate, at kahit hindi niya aminin—takot na takot siyang makita ang mga matang iyon.
---
INT. LIBRARY — LUNCH BREAK
Si Jack ay nakaupo sa isang secluded na table sa library, nakabukas ang kanyang Chemistry book, pero ang mga salita at formula ay parang hieroglyphics na walang saysay. Hindi siya mapakali. Ang bawat pag-ingay ng upuan, bawat yapak, ay nagpapalingon sa kanya, umaasang siya na iyon. Pero hindi.
Habang nakayuko siya, parang nababasa niya ang parehong paragraph nang paulit-ulit nang may lumapit sa kanyang table.
Si Prof. Adrian Reyes, ang history teacher. Kilala siyang matalas at observant. At higit sa lahat—malapit na malapit kay Principal Miller.
PROF. REYES:
“Jack,tama ba? The new transferee.”
JACK:
(Napaangat ng tingin,bahagyang kinabahan)
“Yes po,sir.”
Umupo si Prof. Reyes sa tapat niya nang walang paalam. Tahimik. Ang mga mata nito ay tila sumusuri, naghahanap ng mga c***k sa kanyang pagkatao.
PROF. REYES:
“Kanina ka pa dito…pero ang tingin mo ay nasa malayo. May problema ba? Something… or someone… bothering you?”
Napatingin si Jack nang diretso—at doon niya nakita ang isang tingin na parang nakabasa na ng lihim niya bago pa man niya ito masabi.
JACK:
“Wala po,sir. Nag-a-adjust pa lang po siguro. New environment.”
PROF. REYES:
(Ngumiti,isang knowing, almost warning smile)
“This is a good school,Jack. Maraming opportunities. But be careful with who you get close to. Lalo na sa mga… figure of authority.”
(Hinabol ng tingin ang paligid ng library)
“This school—it has eyes everywhere.And people talk.”
Tumayo ang professor at umalis nang walang dagdag na paliwanag, para bang nag-iwan ng isang babala na nakabitin sa hangin.
Napalunok si Jack. Ang pakiramdam ay parang may nanlamig na kamay ang humawak sa batok niya.
JACK (V.O.)
“He knows something… or he sensed something. Parang may radar siya para sa ganitong klaseng lihim.”
---
INT. ADMIN HALL — LATE AFTERNOON
Papauwi na sana si Jack nang tumigil siya sa dulo ng hallway. Nakita niya si Larissa sa malayo, malapit sa faculty parking exit. Kausap nito si Prof. Reyes. At may paraan ng pagtayo ni Prof. Reyes—malapit, nakalingon, ang atensyon ay nakatuon lang kay Larissa—na hindi pangkaraniwan. Hindi romantic, pero proteksiyon. Parang isang mentor, isang guardian, na nakabantay.
At pagkatapos, parang may naramdaman si Larissa. Dahan-dahang lumingon.
Isang segundo lang.
Isang saglit na pagtatagpo ng mga mata.
At sa sandaling iyon, nagbago ang hangin sa buong hallway.
Sa loob ng isang sulyap, napuno ng:
Pag-iwas
Pagsisisi
Pangungulila
Takot
At isang kagustuhang hindi dapat umiral
Agad-agad, tinalikuran ni Larissa si Jack. Parang may sinundan na script sa isang pelikula, mabilis at determinado. Parang may tinatakbuhan—o pinatutunayan sa sarili na kaya niyang takasan.
JACK (mababa ang bulong, para sa sarili):
“You’re really avoiding me…Talagang pinili mong lumayo.”
Ang sakit. Simple lang, pero parang tinutusok ang dibdib niya.
---
INT. PRINCIPAL’S OFFICE — EVENING
Si Larissa ay mag-isang nakaupo sa loob ng kanyang opisina, ang mga papeles para sa susunod na araw ay nakakalat sa harapan niya. Pero wala siyang nababasa. Wala siyang naiintindihan. Pabalik-balik ang daliri niya sa ibabaw ng desk, nagdodrowing ng invisible patterns, habang ang isipan niya ay nasa isang lalaking hindi niya dapat iniisip.
Larissa (V.O.)
“This boy… Jack… you don’t even know him. Dalawang beses pa lang kayo nag-uusap. Bakit parang may koneksyon? Bakit niya tinitignan ka ng ganoon? At bakit… bakit nagiging buhay ka kapag nariyan siya?”
Nahawakan niya ang dibdib niya—hindi dahil sa romantikong eksena, kundi dahil sa gulantang na emosyonal na koneksyon na parang kuryenteng dumadaloy sa kanyang sistema.
LARISSA:
(Sa sarili,halos humihingal)
“This is dangerous…This is how it starts.”
Tumayo siya. Naglakad papunta sa bintana. Tiningnan ang mga ilaw ng lungsod sa labas, ang mga sasakyang parang mga anino. Lumalim ang hinga niya, sinusubukang palayain ang bigat.
LARISSA (V.O.)
“If I see him again… I have to set boundaries. Clear, solid, professional ones. Sabihin ko na hindi na dapat maulit ang kahapon.”
(pause,at ang susunod na thought ay lumabas nang mahina)
“But why does the thought of seeing him… make my heart race like this?”
At doon, sa tahimik na opisina, sa pagitan ng paghinga at pag-aalinlangan…
TOK! TOK! TOK!
May kumatok.
Hindi siya prepared. Hindi siya handa. Wala siyang script.
At sa isang iglap, bumilis nang bumilis ang t***k ng puso niya. Parang may drum sa loob ng dibdib niya.
Dahan-dahan, parang nakatihaya sa apoy, humawak siya sa doorknob.
Marahan,puno ng pagdududa.
Binuksan ang pinto.
At nandoon si—
JACK.
Nakatayo mag-isa. Mukhang seryoso, determinado, at tahimik. At ang mga mata niya—ang mga matang hindi niya malimutan—ay parang nagtatago ng isang damdamin na hindi na kayang ikubli, isang bagay na handa nang lumabas.
Pareho silang hindi nakapagsalita. Ang titig lang nila ang nag-uusap sa makulimlim na bahagi ng paaralang iyon.
JACK
" Ma'am...Larissa I'm sorry kung naabala kita but I just want to tell you na lubhang importante sa akin...puwede ba tayong mag usap sandali? " pero bago pa man umayaw si Larissa ay parang mahika na nakalusot si Jack sa kanyang harapan at agad na nakapasok sa loob.
Walang nagawa si Larissa kundi harapin ang binata at sa muli niyang paghawak sa door knob ay..."
CLICK