Ibinagsak ko ang katana at galit na umalis sa kwarto. Tinabig ko pa ang balikat ni Arkin paglagpas ko rito. Mga bwisit! Hindi ko alam kung paano at saan ko papalipasin ang galit o kaguluhan ng loob mula sa mga nalaman ko ngayon. Pero ang alam ko lamang ay kailangan kong kumpirmahin kay Padre Feruvio ang mga sinabi ni Don Cartusio. “Binibining Aradelle, oras na ho nang pagpapalit ng gasa ng iyong sugat,” sabi nitong babae na tinawag na Lucia ni Don Cartusio. Sinalubong ako nito kasama ang anim pa ring mga kababaehang kasama nito sa pag-iintindi sa akin kanina. Sumunod na lamang ako rito at nagtungo sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Napansin ko ang malaking orasan sa daan patungo sa kwarto at magtatanghali na rin pala. Matagal na pala kaming nag-uusap. “Binibini, medyo masak

