Napako ang tingin ko kay Arkin na hindi manlang ako inabalang lingunin. Sa dami ng mga pinagdaanan ko hindi ko akalain na ito ang papatay sa akin. Ang marinig na ikakasal si Arkin, at kay Lori pa talaga. Parang mawawalan ako ng malay, pati ang mga tuhod ko parang bibigay ano mang segundo sa aking kinatatayuan. Iyon ba ang ibig sabihin ng mga tingin nito noong naglaban kami? “Oh Aradelle, parang nabingi ka na ata. Sabi ni Daddy umupo ka na raw? Anong hinihintay mo? Ipag-higit ka pa ni Arkin ng upuan?” mayabang na saad ni Lori. Mabilis kong ibinaling ang tingin rito. Tingin na kung pwedeng makamatay ay naabo na ito sa kinauupuan. Ngumisi na lamang ako at kitang-kita ang pagkagulat ni Lori. Huminga ako ng malalim at hinigit ang upuan para umupo, “Alam mo hindi naman ako mahinang bab

