“Magandang gabi, Aradelle,” bati ni Padre Feruvio mula sa likuran ko. “May litrato dito, sino ito?” tanong ko agad paglapit nito sa akin. Ngumiti ito marahang naupo sa tapat ko, “Siya si Dolores.” “Dolores?” Pinaulit-ulit ko sa aking isipan ang pangalan na Dolores at doon napagtanto na ito ang nasa pinakaunang listahan doon sa mga minaltrato ng huwad na pari sa Pagasco. “Naaalala ko siya, isa itong babaeng ito sa mga listahan ng mga ginawan ng masama ng huwad na pari sa Pagasco, nasa unahan siya. Kilala mo ba ito?” “Naniniwala ka bang maliban sa sinumpaan naming tungkulin at paglilingkod, na mamahalin at pangangalagaan namin ang aming pananampalataya, hindi rin namin maiwasan na magmahal ng pasekreto?” Ah alam ko na kung kanino nagmana si Arkin. Pero sino nga bang makakapili ng pa

