Chapter 6

2228 Words
Matapos kong maihatid si Papa ay bumalik na ako. Habang pabalik na ako ay napadaan ako sa isang park. Hindi ko alam kung bakit pero, nakaramdam ako nang kakaiba sa lugar. Huminto ako at pinagmasdan ang paligid ng buong park. Kunti lamang ang tao at may ilang bata na naglalaro. Habang may tila mag nobya at nobyo namang magkasama. Bumaba ako sa motor at sumandal dito habang nakatingin pa rin sa paligid. "Ate, nandito lang kami sa park, ipapasiyal ko lang si enzo." Napalingon ako sa likod ko at hindi ko maiwasang mapatitig sa isang babae habang may tulak-tulak na stroller. May baby na nakasakay roon na tila isang taon pa lang. "Oh sige ate, hintayin na lang kita dito," narinig kong sabi nito. Naka-helmet pa ako kaya nagawa ko siyang titigan. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya at iyon ang hindi ko maintindihan. "Oh! Sorry!" sabi niya nang tumama sa akin ang stroller na tulak-tulak niya. "It's okay," tanging tugon ko. "Pasensya na talaga," hinging paumanhin niya. Tumango lang ako at muling sumakay sa motor ko. Bago pa ko pa pinaandar ang motor ay may biglang huminto na kotse sa unahan ko. Mayamaya ay may bumaba na isang eleganteng babae. Hindi ko makita masyado ang mga mata niya dahil nakasuot siya ng sunglass. Ngunit nararamdaman kong tila kilala ko siya, dahil sa kanyang presensya. "Charm!" narinig kong tawag niya. Natigilan ako nang marinig ang pamilyar niyang boses. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya at lalong hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya. Nakangiti siya habang papalapit, hanggang sa lumampas siya sa akin. Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong doon siya lumapit sa babaeng bumangga sa akin kanina. Humalik sa pisngi niya ang babae saka siya tumingin sa batang lalaki na nasa stroller. Kinuha niya ito at hinalikan sa pisngi. "My boy, how are you with tita? Oh, you're so cute," nakangiting sabi niya. Mayamaya ay hinubad niya ang sunglass niya at nilagay sa ulo. Doon natitigan ko siyang mabuti. Hindi ako pweding magkamali sa aking nakikita. Venice! Hindi ko halos maalis sa kanya ang paningin ko. Lalo siyang gumanda ngayon, maging ang katawan niya ay mas naging kurba pa. Nakaramdam ako nang kakaiba habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang bumaling sa akin at nagtatakang tumingin. Umiwas na ako nang tingin at pinaandar ang motor saka umalis. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Ang laki na nang pinagbago niya at lalo siyang gumanda. Inikot ko lang ang motor sa park at huminto sa sa di kalayuan.  Mula rito natatanaw ko silang nag uusap, nang babaeng kaharap niya. Mayamaya ay kinuha na niya ang bata, maging ang stroller at isinakay na nila sa likod nang sasakyan. Napansin kong nagpaalam na siya doon sa babae saka sumakay sa kotse kasama ang bata at naiwan iyong babae. Nang umandar na ang kotse ay pinaandar ko na rin ang motor ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong sundan siya kung saan sila papunta. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko itong gawin na kailangan ko pa siyang sundan. Alam ko naman kung saan siya pupunta at siguradong makakaramdaman lang ako nang galit, kapag nakita ko pa silang magkasama. Ngunit heto ako at nakasunod sa kanya. Ayoko nang umasa pa na babalik siya sa akin. Kaya naman hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Nanatili akong nakasunod sa sasakyan niya at nakikita kong pamilyar na sa akin ang lugar. Sigurado akong patungo ito sa bahay nila ni Alejandro. Ilang beses na akong nakapunta sa bahay ni Alejandro noon kaya alam ko na rin ang daan papunta doon. Mayamaya ay pumasok na sila sa isang compound. Ngunit hindi ako nakapasok dahil na rin hinarang ako nang nakabantay doon.  Kaya hindi na ako tumuloy. Paalis na ako nang may sumunod na sasakyang pumasok. Natigilan pa ako nang makilala ang lalaking nagmamaneho ng sasakyan. Si Alejandro! Mariin akong nakatingin sa kanya. Hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan nito. Naikuyom ko na lang ang kamao ko, habang naalala ang mukha niya. Beep! Natigilan ako nang may bumusina sa likod ko. May isang sasakyan na dahan-dahang tumabi sa akin at binuksan nito ang bintana. Natigilan ako nang makilala kung sino ito. Si Raymond. "Come with me," sabi niya sa akin. Bigla akong nag alangan sa sinabi niya. Tumango lang siya at tumingin sa pinasukang compound ni Alejandro. Napabuntong-hininga ako at tumango. Dahan-dahan siyang lumapit sa nakabantay sa gate at kinausap ito. Tumingin sa akin ang nagbabantay rito at senenyasan akong pumasok. Kaya naman pinaandar ko ang motor ko at sumunod kay Raymond na pumasok sa compound.  Tumango lang sa akin iyong nagbabantay, gumanti rin ako. Nang makapasok na ako ay napansin ko ang kotse ni Raymond na huminto. Tila ba hinihintay akong lumapit, kaya naman lumapit ako sa kanya. "Can we talk later?" sabi niya sa akin. "Okay," ganti ko sa kanya. Tumango siya. "Hihintayin kita dito," sabi niya at isinara na ang bintana ng kotse niya. Bumusina siya kaya naman tumango ako at muling pinaandar ang motor ko patungo sa pupuntahan ko. Tinahak ko ang pamilyar na daan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Biglang uminit ang pakiramdam ko, biglang bumalik ang dating galit ko habang papunta ako doon. Mayamaya ay inihinto ko ang motor sa di kalayuan. Sakto rin na mula rito ay nakikita ko ang malawak na bakuran, sa likod ng mansion ni Alejandro. Muli akong natigilan nang makita si Venice habang may kargang bata. Umupo siya sa isang silya at uminom ng juice na nakahanda doon. Mayamaya ay may sumunod sa kanila at nakita ko si Alejandro. Napatingin sa kanya si Venice at nakita ko ang ngiti na sa akin niya lang ibinigay noon. Lumapit sa kanya si Alejandro at hinalikan sa pisngi saka niyakap. Kinuha naman ni Alejandro ang bata at masaya itong hinalikan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nanumbalik ang galit at sakit na pinaramdaman nila sa akin. Niloko at pinagkaisahan nila akong dalawa. Nagawa niya akong ipakulong para makuha sa akin si Venice. Samantalang si Venice naman ay walang pakialam sa akin matapos akong makulong. Hindi ko nga alam kong alam ba niyang nakulong ako o ano nang nangyari sa akin. Hindi ko nga alam kung kasama nga ba siya sa pagplano para makulong ako. Para lang maging malaya na silang dalawa. "Ito pala ang gusto niyong mangyari? Tsk!" sambit ko sa sarili. Pinaandar ko ang motor habang may nabuong plano sa isip ko. Ngayong nakita kong masaya kayo, tingnan natin kung magiging masaya pa kayo sa mga sumunod na araw.            "Nakita mo sila?" tanong sa akin ni Raymond habang nakatingin sa akin. Nandito kami sa isang coffee shop at nag uusap. Ngunit kanina pa kami dito pero walang nagsalita. Hindi na siya nakapaghintay at siya na ang unang nagsalita. "They are happy," tanging sabi ko habang umiinom ng kape. Napansin kong mahina siyang natawa. "After five years na hindi mo sila nakita, iyan lang ang masasabi mo?" napapailing niyang sabi na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano nga ba ang masasabi ko ngayong nakita ko na sila. Masaya sila, iyon ang nakikita ko. Samantalang ako, galit at sakit ang nararamdaman ko. "Gusto mo ba silang balikan?" biglang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nasa mukha niya na seryoso siya sa sinabi niya. "Gusto ko," sabi ko at umiwas nang tingin sa kanya. "Gusto ko pero anong laban ko sa isang tulad niya? Nagawa nga niya akong ipakulong di ba? Kaya hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag binalikan ko sila," sabi ko at napatitig na lang sa kape na nasa harapan ko. Masyadong mayaman at maraming kapit si Alejandro. Kaya siguradong mahihirapan akong maghigante laban sa kanya. Pinuno pa ito nang isang sindikato dati, ewan ko lang ngayon kong isang pinuno pa rin siya. "You can use me and I can use you," biglang sabi niya. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya. Binaba niya ang hawak niya at nakangising tumingin sa akin. Hindi ko alam pero parang alam ko na kung ano ang pinupunto niya. Oonga pala, magkalaban silang dalawa lalo na sa negosyo. Malaki ang galit ni Alejandro sa kanya dahil sa pangingialam ni Raymond dito noon. "Maari tayong magtulungan laban sa kanya," seryosong sabi ni Raymond sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nabuhayan ako sa sinabi niya. "Alam mo, matagal ko na ring gustong buwagin ang sindikato niya. Mas lalong lumala nang mawala ka. Hindi alam ni Venice ang  tungkol sa sindikato, kaya wala siyang ka alam-alam sa bagay na iyan," muling sabi ni Raymond. Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano buong pagkatao ni Raymond pero masasabi kong, mapagkakatiwalaan siya. Isa pa, tama siya. Maari kaming magtulungan para mapabagsak si Alejandro at para makagante ako sa kanya. Magagamit niya ako at magagamit ko siya. Parehong tao lang ang ninanais naming pabagsakin at iyon ay si Alejandro; ang taong sumira ng buhay ko. "Sige, papayag ako sa gusto mo. Gamitin mo ko kung saan mo gusto. Basta ang gusto ko lang ay makapaghigante kay Alejandro," seryosong sabi ko. Napangiti siya dahil sa sinabi ko. Tumango-tango siya. "Mabuti kong ganoon, dahil matagal ko na talagang gustong sabihin iyon saiyo. Ayoko lang naman na pangunahan at madaliin ka. Ako na ang bahala sa mga kakailanganin mo. Ngunit may kailangan ka munang pag aralan, kaya bukas hapon pumunta ka  sa bahay ko at ipapaliwanag ko lahat saiyo. Sa ngayon ay may aasikasuhin muna ako," sabi niya saka tumayo. "Nasa calling card ko ang address ng bahay ko, pumunta ka lang doon," sabi niya at nakipagkamay sa akin. Naglakad na siya palabas ng coffee shop at sumakay na sa kotse niya. Tumango muna siya sa akin at bago tuluyang umalis. Napabuntong-hininga ako at mabilis na inubos ang iniinum ko. Akmang tatayo na ako nang may biglang umupo sa upuan kung saan nakaupo si Raymond. Napatingin ako dito at bahagyang natigilan. Seryosong mukha ni Alexa ang nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko alam na nandito rin pala siya. "Sino ang lalaking iyon?" seryoso niyang tanong. Hindi ako nakasagot at bahagyang umiwas ng tingin sa kanya. "Kuya, sino ba siya?" muling tanong niya. Napabuntong-hininga ako at seryosong tumingin sa kanya. "Alexa, hindi mo na kailangan pang mangialam. Hayaan mo na ako," tanging sabi ko sa kanya. Napairap siya sa akin. "Kuya, hindi na ako bata at alam ko na kung saan patungo ang usapan niyong iyon," mariing sabi niya kaya natigilan ako. Narinig ka niya ang usapan namin? "Akala ko ba wala kang gagawin? Eh bakit narinig kong matutulungan kayo ng lalaking iyon?" naiintriga niyang sabi. Nasapo ko ang aking noo. Hindi ko lubos akalaing sa talino nang kapatid ko, pati ito ay malalaman niya. "Alexa, pwedi ba hayaan mo na lang ako," tanging sabi ko sa kanya. Umiling siya. "Sige, hahayaan kita pero sabihin mo muna kung sino ang lalaking iyon. Para naman magkaroon ako nang dahilan upang pagkatiwalaan siya," seryosong sabi niya. "Fine. He is Raymond Acosta. He was the one who help me. Siya ang umasikaso ng kaso ko, kaya napalaya agad ako. Kaya may utang na loob ako sa kanya at handa akong magpagamit sa kanya. Dahil iisa lang naman ang gusto naming pabagsakin, kundi si Alejandro," pag amin ko sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Nagtataka naman ako sa paraan nang pagkakatingin niya sa akin. "Bakit?" nagtataka kong sabi. "R-Raymond Acosta?" wala sa sariling sabi niya. Wala rin sa sariling napatango ako. "Oh my god! Siya iyong kausap mo? Hindi ko man lang nakilala tsk! Sabagay naka sunglasses kasi siya pero seryoso kuya! Magkakilala pala kayo? Marami akong magazine niya sa kwarto ko! Oh my god!" nagugulat niyang sabi. Kulang na nga lang ay tumalon siya sa tuwa. "May gusto ka sa kanya?" walang gana kong sabi. Ngumiti siya sa akin at bahagyang umiling-iling. "Well, its not like that. Humahanga lang naman ako sa kanya. Alam ko namang hindi rin ako mapapansin ng taong iyon. Isa pa, sa gwapo ay yaman niya? Natural kasing katulad niya rin ang magugustuhan niya," nakangiting sabi niya. Nang aasar akong tumingin sa kanya at bahagya pa siyang umiwas nang tingin sa akin. "Kahit na pwedi kitang ipakilala sa kanya, hindi mo pa rin siya magugustuhan?" pang aasar ko. Gulat naman siyang tumingin sa akin at bahagya akong inirapan. "Duh! Matutuwa ako kapag pinakilala mo ako sa kanya. Magugustuhan ko siya tulad nang sabi mo, pero hindi ako kailanman maiinlove sa katulad niya. I know my worth, kuya. Alam ko kung hanggang saan lang ako at ilulugar ko ang sarili ko. Humahanga ako sa katulad niya pero hindi katulad nang iba na mababaliw sa kanya para lang mapansin," seryosong sabi niya. Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko aakalaing ganito na magsalita ang isang ito. "Bakit parang may pinanghuhugutan ka sa mga sinasabi mo?" natatawa kong sabi sa kanya. Napabuntong-hininga siya at seryosong nakatingin sa akin. "Ayoko lang kasi na matulad saiyo, kuya," sabi niya at bahagyang iniwas ang tingin. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. 'Ayaw niyang matulad sa akin?' wala sa sariling sambit ko. Anong ibig niyang sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD