Pain
Tila nagkabuhol buhol ang utak ko. Para akong nabagsakan ng malaking bagay na nagpahinto saking huminga. I eyed him with disgust and pain.
He could just say an indirect statement. Masakit ito sa part ko. Pero mas okay nga naman na malaman ko para less expectation.
Tumahimik lahat at napayuko ako. The same feeling is choking me when my first artwork was wrecked by my elementary classmates.
"Dude, you could have done it in an implicit way." nakita ko ang pilit na ngiti ni Galligher. Nararamdaman ko ang awa at panghihinayang sa kanya.
"You forced me to say it. Then, I'm giving my full honesty." mas lalong nalugmok ako sa upuan. Kahit papaano umaasa ako na nagbibiro siya. Pero kitang kita na totoo yung mga sinabi niya.
Nanlabo ang mga mata ko. Marami na akong naranasan na pagkatalo. Pero masakit parin kapag pinabalik-balik mong iisipin.
"Tama na. Mauna na kami." seryosong tono ni Mathilde. Tiningnan ko siya at nakita ko ang galit sa mata niya. Naawa rin siya?
Hinila niya ako para tumayo. Pinigilan ko ang emosiyon na gusto ng kumawala sa mukha ko.
"Thank you for your time. Aalis na kami"
"Uh, o-okay" mahinang sabat ni Galligher.
Si Ullyses ay nakatungo lang at mukhang may malalim na iniisip. Gusto kung tampalin ang sarili ko bakit ko siya pinagaaksayahan ng titig.
Nagpatianod ako sa hila ni Mathilde. Marami siyang nabanggang mga tao pero wala siyang pakielaman.
"Tangina" puros mura ang naririnig ko galing sa mga tao. Mathilde even forcefully pushed some of the party goers para makaalis kami sa bar.
Nilulunod ako ng sakit ng panibagong pagkabigo. Baka tama si Papa? If I just pursue Architecture siguro malaki ang mararating ko. Maraming koneksiyon si Papa kaya maaring hindi ako mawawalan ng puwang sa ganoong industriya.
Nakarating kami sa boarding house ng tahimik ngunit ang pag-iisip ko ay sobrang gulo. I don't want Mathilde to know what's the deeper reason why I took Ullyses' words seriously. Kung sa ibang tao madali lang ito pero salungat talaga ako sa iba.
"Okay ka lang?"
"Oo naman. Ganon talaga sa isang kompetisiyon. Mahirap talagang tanggapin ang pagkabigo pero lalaho rin ito." I calmed myself.
"Thank you, Mathilde." hinagkan ko siya ng mahigpit. She's the only person who stayed by me.
"Basta. You can always approach me. Huwag mong lunurin ang sarili mo sa dagat ng problema." tumango ako sa kanya.
"Minsan kailangan mo ng bagay na magpapaalala sayo ng totoong depinisyon ng buhay. Bumili ka ng salbabida para makatulong na lumutang at makaahon ka." gusto ko mang matawa pero may substance ang sinabi niya. It's true!
Kinaumagahan, itinuon ko ang atensiyon ko sa pag-eensayo. The least thing I can do is to alter the situation.
Kanina nakatanggap ako ng text message mula kay Barry pero hindi ko pa nabubuksan.
Barry:
We have a meet up for the upcoming event at Casa Vonvoyage. Please just see me in Havens Resort. I'm sorry I can't drive you. I have an urgent meeting.
Medyo maaga akong nakarating sa Havens Resort. Barry said it was owned by an Art tycoon.
Ang labas pa lang alam mo na na artist ang may-ari. The intricate designs are boastful as it showcase a research based art. It was like in the country of Greece in a modern way with furnished Corinthian designed walls around the corners.
Mayroong mga pamilyar na itsura ang nakikita ko. Maraming bumati sa akin pero mas marami ang hindi nakakakilala sakin. Umupo ako sa medyo likod na part ng social hall.
Barry:
Are you in there? I'm sorry you're alone there. I'm on my way.
Ako:
It's okay, Barry. Have a safe driving.
Dumating si Barry pagkatapos ng ilang minuto.
"Are you having fun here?"
"Yeah, I like the place" he just nod at me. Marami siyang sinabi sa akin about his meeting last week. Ang naalala ko ay yung meeting niya noong nagkita kami ni Ullyses.
Umalis muna siya para sagutin ang tawag. Kinagat ko ang kuko ko. It's unhygienic pero mannerism ko na ito noong bata pa ako. Nalasahan ko na nga ang cuticles sa bibig ko.
"Pwee!" malakas kung buga at patagong pinahiran ito ng tissue. Hinalungkat ko sa bag ang maliit kung salamin. Baka kasi kumalat sa ngipin ko ang cuticle na kulay blue.
Kainis!
Hindi ko namalayan na nandiyan na pala si Barry. Kaagaran kung ibinaba ang salamin at pinagpatuloy ang pagpahid ng tissue.
"I'm sorry, Canvass. I need to settle something. Ibinilin nalang kita kay Mr. Ullyses."
Parang gusto kung lunukin ang kamay ko pagkasabi niya noon. Alam ba ni Barry ang ginagawa niya? He's making me more annoyed and uncomfortable. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa likod niya si Ullyses.
"You're a bit stiff. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Barry sa akin.
"W-wala. Nilalamig lang ako. Malapit kasi ako sa aircon." nilibot ni Barry ang tingin niya at nakitang wala namang malapit na aircon. Napasapo ako sa noo.
"You sure?" it sounded doubtful. I only nod to him. Hindi ko na gusto madagdagan pa ang kapalpakan ko ngayong araw.
Nahagip ng mata ko ang kakaibang titig ni Ullyses. I saw a sudden change of emotion na parang natatawa pero bumalik agad ito sa dati.
"Okay" bumaling si Barry kay Ullyses at may sinabi.
"Bye for now, Canvass." I smiled at him. Umalis na siya pero nanatili ang nakatayong si Ullyses sa unahan. Is he in a stop dance?
"Take a sit sir. Walang kamay iyang upuan para paupuin ka." kalmadong sabi ko. I don't know why my blood is boiling in an extreme temperature.
"Are you mocking me?" naiinis na singhal niya at umupo. His menacing eyes is dangerous. I pretended to act cool and relaxed by his presence.
"Hindi po sir."
"Then why did you said that s**t" binalingan ko siya ng atensiyon. Those words he generated are clear and with conviction. Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Basta, naiinis ako.
"Kasi yun ang naisip ko." His brow furrowed perfectly. Huli na talaga ito, nakakawili ang mga maliliit na detalye niya.
"Is this about what I said last night at the bar?" napalakas ata ang pagkasabi niya kaya napatingin ang ilang tao sa kabilang mga tables. I sighed.
Natahimik ako. It seems that it turned out that I'm deeply affected with the results. No, it shouldn't be that way. Baka sabihin niya na childish at incompetent ako!
"Well, I have my period." I softly said without humor. It's a lie. Nagulat naman siya sa sinabi ko. Sana, gumana.
" I was born to be a failure. So, don't worry I'm used to it." I told him boldly. He watched me intently. Napaiwas naman ako ng tingin.
A defeaning silence blanketed our table. He seems disturbed and untouchable in his position. I took that chance to curse him in my mind for reminding the happenings last night.
Busy at my thoughts, I saw his eyes darted at me. Hindi ako nakapalag sa titig niya.
"Uh, ano bang gaganapin dito." pagsisimula ko ng topiko. He sighed heavily.
"There will be an announcement."
I nodded to him. His answers are really implicit. Parating kulang kulang sa details.
"Okay."
The stage was well-designed by vibrant hues and creative foreign figures. It's like all of the evident details in this place was based in the culture of Greece. A great effort was done by putting a real-life metropolis in the center of social hall.
Nawili ako sa speaker na nagsalita sa magarbong stage. He showcased a distinct kind of artist with humor and wit. He explained how art could manifest the everyday living and dark side of the world. Napatawa ako ng malakas dahil nag-iwan siya ng isang nakakatawang joke.
Nagulat ako ng binalingan ako ng masamang tingin ni Ullyses. Ang ingay ko na ata?
"I'm sorry." paghihingi ko ng paumanhin sa kanya. After all, he's a well respected person in this industry.
"What's your plan for the art tribute?" natigil ako sa pakikinig sa speaker. Sumimsim ako ng drinks na nakahain sa table.
"Not that mentally ready. But I keep on practicing" he nodded in a manly disposition.
"Is that my drinks?" naguguluhan ko namang tiningnan siya.
"What?" hindi ko parin gets ang sinasabi niya. Ilang segundo pa ang lumipas nang narealize ko na hindi akin yung ininom ko.
Napalunok ako ng malalim.
"Uhh, papalitan ko nalang ito." nahihiya na talaga ako sa ginagawa ko. This is not even my composed self. I'm very cautious with my actions not until this day comes. I always let my mind ruled my activities to arrive at a fruitful outcomes and criticisms.
"No need."
I blink twice to see his reaction. Hindi siya galit?
"Samahan mo ako. May ipapakita ako sayo" naduling ako sa sinabi niya. What? Mabilis na naghari ang ibat-ibang imahinasyon sa utak ko.
"Ano--" napatigil ako sa pag-aalburuto ng naulinigan ko ang mga kuryosong tingin ng ibang tao. Naririnig ko rin ang mga bulung-bulungan sa gilid ko.
"I said join me. Barry ordered me to show something for you. "napipilitang sabi niya. "It's not even my responsibility to follow orders from anyone." mahinang bulong niya pero hindi ko maintindihan.
"Ah-h, okay." kalmadong sabi ko. I'm curious right now.
"Follow me. And don't even think green thoughts" nagulat naman ako sa sinabi niya. As if!