Ikatlong Kabanata

1752 Words
Bar "Bakit ba naman kasi hindi mo sinabi anak?" kinakabahang payo ni mama sakin. Ayaw ko ng sabihin sa kanya ang totoong dahilan baka mag-alala pa siya sa kin. Kahit papaano kasi gusto kung magkaroon ng experience na mag-isa. Kauuwi ko lang sa boarding house pagkatapos ng nakakabang pangyayari sa restaurant. Umalis kaagad ako ng huli kung nasulyapan na papunta si Ulysses sa table ni Barry. Ano kayang ginagawa ni Barry doon? "Ma, sasabihin ko naman kay Barry pero hindi muna  ngayon." "Sige, mag-iingat ka diyan anak. Umuwi ka minsan dito ah?" I smiled weakly hearing her sentiments. Gusto ko nang umuwi sa probinsya pero ayokong umuwi na walang dalang kahit ano. Gusto ko pag-uwi ko stable ang lahat para makapamuhay kami ng maayos doon. Gumawa ako ng calligraphy na pangalan ng isang dakilang pintor. I even add a pinch of curve strokes para magmukhang elegante tingnan. Plano ko itong ibigay kay Antonio Luna sa nalalapit na event sa Casa Vonvoyage. Narinig ko kasi dadalo siya. Habang busy ako sa paggawa ng calligraphy. I heard my phone beeped. Kinabahan naman ako baka nalaman na ni Barry na nakipagkita ako kay Ullyses. To my relief, it was an email from an unknown sender. I didn't remember someone na may iemail sakin. @LamiernozUlly: Goodevening, all I can say is practice the basics of shading and color scheme. Is this Mr. Mendez? Too formal when making tips. No humor at all. I rolled my eyes at the type written message. @CanvassCeline: Okay. I stared blankly at the white ceiling. It was all plain white. It has no flavors yet felt. Hindi ko maatim na maalala kung bakit naging artist ako. Noong una sabi ko lang gagawa ako ng mga pangkaraniwang drawing pero hindi ko inakala na umabot ako sa puntong kinalalagyan ko ngayon. I felt a solid bulge in my throat. Gusto ni Papa na maging arkitekto ako pero pinilit ko ang gusto ko. Naging isa akong malaking pasakit kay Papa sapagkat palagi siyang tutol sa kursong Engineering. Palagi niyang sinasabi na ang pagpasok sa ganitong kurso ay isang kamatayan. Nakalibing  na ng tuluyan sa lupa ang buhay mo bilang estudyante dahil haharap ka sa walang katapusang numero at pagkabigo. How about achitecture then? "May backer tayo sa Architecture, Canvass. You can always pass the semesters with flying colors" it was a pang in my heart. He didn't consider my feelings. I just want a real course not a manipulated one. For once, I am untamed even to my family. Art stayed by my side. It brought solace and refuge in my reckless self. I became a rebel kaya dumating sa punto na nalugi ang sugarcane business namin. That was the biggest blow in our family. The Cortes' legitimacy ascended in a swift of era. And that even drown us from what we are right now. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Parang ang sariwa parin lahat ng nangyari noon. Isa sa mga  bangungot na patuloy na humahabol sa akin. "Canvass?" Pinahiran ko ang luhang lumandas sa mukha ko. Inayos ko rin ang posisyon ko at ginawang komportable. "Pasok ka, Mathilde" I let out a heavy sigh. Minsan talaga panira ng moment ang lesbiyanang to. "Jusko, baka kalawangin ang ganda mo rito." natawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya.  Nakaloose jeans at loose t-shirt siya with printed name Playboy. Akala niya naman talaga boy siya. "Okay lang ako dito Mathilde. Atleast, mas payapa at malayo sa lahat." Napailing nalang siya sa buwelta ko. Alam na alam kung naririndi na siya sa katigasan ng ulo ko. Kaya nga tinuturing ko na siyang ate dahil naappreaciate ko yung pag-aalala at pagmamalasakit niya sakin. "Alam mo bar tayo mamaya. My treat." Wala na nga akong choice kaya narito ako ngayon hila hila niya papasok sa isang high end bar. Sumalubong sakin ang ingay ng mga party goers. Nanikip ang dibdib ko sa usok na galing sa loob kaya napatabon ako ng ilong. Hindi ko naman ito first time pero masakit sa ilong yung pinaghalong mga amoy. "Ambaho" natawa nalang siya at pinuwersa akong pumasok. "Normal yang amoy na yan. It fuels the whole club." Yung tinutukoy niya ay yung halong amoy ng vape at wine? Pumuwesto kami sa medyo secluded area ng bar. Nagpaalam muna si Mathilde para magtoilet. I roamed around to see the whole scenario. Napakawild tingnan. Kapansin pansin na nagiging wild na ang lahat dulot ng alak at music na dumadagundong sa paligid. "First time?" napansin ko agad ang pagtaas ng kilay ng lalaki sa akin. "Maybe?" I rested my hand in my thighs to shield myself. I know this very well. "Wanna have some fun over there?" may itinuro siya sa tagong bahagi malapit sa toilet space. Kinabahan naman ako. "No thanks. My boyfriend satisfies me a lot." napangiwi ako sa pagkukunwari ko. Nakita ko ang galit sa mata ng lalaki. Nasaan ka Mathilde? Baka lumandi na naman yon. "Hindi na uso ang patweetums, miss" hinawakan niya pulso ko kaya tinampal ko siya. Pero masyado siyang malakas kaya hindi ako makapumiglas sa kanya. "What's happening here?" a roaring voice thundered at the back. Napatigil na man sa paghila ang lalaki sa akin. Gusto kung umiyak dahil sa kaba na bumabalot sa aking sistema. Napatingin ako kung saan nanggaling ang malalim na boses na iyon. Nanlaki ang mata ko. It was Ullyses and Galligher. Nakita ko ang titig ni Ullyses sa kamay ng lalaki kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makalas ko ang kamay ng lalaki. "Sino kaba?" Nakita ko ang titig niya sa lalaki na para bang papatay ng wala sa oras. Isang pitik lang sasabog ng krimen sa buong lugar. "Back off or ihahampas ko ang wine glass sayo" maangas na sabi ni Ullyses sa kanya. Napatalon sa gulat ang lalaki kung kaya umalis na ng tuluyan. Nakahinga naman ako ng maluwag sa nangyari. That was close! Muntik na akong mabastos ng lasing na yun. "Uy, sorry ngayon lang--" napatigil si Mathilde ng pagsasalita ng napansin ang dalawang lalaki sa unahan ko. Parang bang natauhan siya na lalaki talaga ang gusto niya. "Sino sila?" nagtatanong na singhal niya sakin. Kinurot ko naman ang gilid niya dahil halatang interesado siya. "Uh, tinulungan nila ako sa lasing na lalaki kanina." I saw how Galligher smirked at me while Ullyses just plastered himself a boredom look. "What? E nasaan na yung siraulong yon!" mayabang na lintanya niya at luminga linga sa paligid. "Salamat nga pala" Nagulat ako ng naunang umalis si Ullyses. Si Galligher naman parang naguguluhan pati ako rin naman "Hey man" tawag niya sa crowd. Tumango na lamang si Galligher sa akin at sinundan na siya. "Hoy, babae. Sino yun?" "Mga judges ng art competition" Umupo na kami sa table. Umorder siya ng dalawang glass ng tequila. Napangiwi ako dahil masyadong matapang ang tequila. "Ang ganda ng lahi nila kung ganon. Pakilala kita?" "Kilala ko na sila. No need, Mathilde" I took the shot. Gumuhit ang mainit na sensasiyon sa aking lalamunan. Ayaw kung makarami nito baka malasing at makagawa ako ng kabalastugan dito. "Eh, ako gusto kung makilala. Invite kaya natin dito. " Huli na ang lahat dahil lumakad na siya papunta sa table nina Galligher. Napakamot nalang ako sa ulo. Well, I don't mind. Nakita ko ang pagngisi ni Mathilde sa kalayuan. Good thing is nagpalit siya ng disenting damit. May itsura rin naman siya kaso mas astig pa ata siya sa ibang lalaking kilala ko. Tumunog ang cellphone ko. It was a call from Barry. Nagdalawang isip akong sagutin baka malaman niyang nasa bar ako. "Hello, Barry?" "Where are you, Canvass. Bakit ang ingay jan? Nasa bar ka ba?" sunod sunod na sabi niya. "Ah-hh, oo ininvite ako ni Mathilde. Uuwi rin naman kami maya maya." hinilot ko ang sentido ko. Why do I feel like a child here? Hearing his rants made me shameful na kailangang palagi akong bantayan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? I could have accompany you" naramdaman ko ang pait sa sistema ko. This past few weeks Barry is too overprotective. Umabot na ng ilang metro ang kanyang pag-aalala. Hindi na ito normal. "Sorry, Barry. I need to hang up. Mahina signal dito." Nakita ko ang paglakad ni Mathilde kasama na ang dalawa. Napaayos ako ng upo. "Hindi mo sinabi na may museum pala itong si Galligher." panimula ni Mathilde. Si Ullyses ay nakapangalumbaba lang at parang walang pakielaman. "Yeah, actually I invited Canvass to make an art tribute." nagngising aso si Galligher. "Talaga? Galante na talaga si Canvass" tumawa si Mathilde. Gusto ko nang bigwasan si Mathilde para tumigil na sa mga lintanya niya. I just smiled. Ininom ko na ang ikalawang shot. "Oo nga pala. Kumusta ang pag-uuusap niyo ni Ullyses" napatigil ako sa pag-inom. I cleared my throat. "Okay lang. Sobrang informative ni Ullyses" nakita ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Ullyses. He stare at me with irritation. Napalunok ako. "Talaga? Good to hear." napatawa si Galligher. "Ullyses pala ang pangalan niya" napatango-tango si Mathilde. She shifted her gaze at me with an amused look. "Ano ba ang mga itinuro niya?" "About the basics of shading and color schemes" napataas ang kilay ni Ullyses sa akin. Akala mo hindi ako attentive? I'm way a good listener than you! "Really?" may kinuha si Galligher sa kanyang wallet. Naagaw ng atensiyon ko sa isang bagay. What is that? A condom! Nakatupi ito sa kabilang side. Pero isang papel ang ibinigay niya sa akin. "Ano to?" naguguluhan kung tanong. Binuksan ko iyon at nakita ang contact information ng Museo de Calatravas. Nakapaloob din dito ang bank account na nakapangalan sa akin. Nanlaki ang mata ko. "Enclosed to it are the contact information and bank account named to you. By the way, the art tribute is dated two weeks from now" "Salamat, Galligher." He just smiled at me. Si Mathilde naman ay parang kating-kati ng pumunta sa dance floor. "Bro,what's the news last competition at Supreme Paints?" napatitig ako sa wine glass. Kahit papaano umaasa ako na manalo. Mayroong konting katiting na pag-asa ang pinanghahawakan ko. Kahit anong place nalang. Malaking tulong yung cash prize na mapapanaluhan. "Diba? Sumali ka jan Canvass? For sure, panalo ka na" Mathilde giddily said to us. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa mariing titig ni Ullyses. May dumi ba ako sa mukha? Bakit kung makatitig siya tagos kaluluwa. "Yeah, kaya nga tinatanong ko si Ulysses about the newest updates." Napaayos ng upo si Ulysses. Ininom niya ang Bacardi shot. The way his adam apple move created a rhythm. Nakakawili tingnan ang mga konting detalye niya. "I don't need to say this. But she's not included in the list of winners" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD