VI. Under His Wings

3340 Words
"Dad, saan mo po ba ako dadalhin at kailangan pang nakatakip ang kamay mo mga mata ko?" tanong ni Johnny habang dinadala siya ni Derrick sa kung daan. Nakatakip nga ang mga kamay ni Derrick sa mga mata ni Johnny dahilan para wala itong makita kundi kadiliman. Dinig niyang humalakhak ang malalim na boses ng lalaki sa likod niya. "It's a surprise, love. Just wait a while. I'm sure you'll like it." Dama ni Derrick na kumunot ang noo ni Johnny sa ilalim ng mga daliri niya. "Dad naman e! Laki-laki ko na eh, love pa rin tawag mo sa akin?" "Even though you grow to a hundred years old, you will forever remain my dear baby Johnny." Paglalambing ni Derrick, ngunit sa likod ng mga ngiti niya ay nakakubli ang lungkot. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang na maliit lang si Johnny na sunod ng sunod sa likod niya ay panay tawag ng "daddy" at hindi nakakatulog kapag hindi nakahiga sa dibdib niya, ngayon ay isa na siyang binatang nag-aasam ng kaunting kalayaan at ayaw nang magpalambing. "Si Dad ang corny." Ramdam ni Derrick sa ilalim ng mga palad niyang kumunot ang noo ng binata sa ilalim ng mga palad niyang nakatakip pa rin sa mga mata ni Johnny. "Hey, what I'm saying is true." "Kasi naman, bakit kasi may patakip pa ng mata sa akin, eh. Sabihin mo na lang kasi Dad. Gagawa pa ako ng project sa science, eh." Pag-iiba ni Johnny ng usapan. Napabuntunghininga na lang si Derrick. "Opo. Ito na nga po. May ipapakita lang si Daddy sa iyo." Dahan-dahang dinala ni Derrick si Johnny papunta sa isang kuwarto, nakaalalay dahil nga nakapikit ang mga mata nito. Pagdating nila sa harap ng pinto ay tinanggal na niya ang mga kamay niya sa mukha ni Johnny pero inutusan niyang pumikit pa rin si Johnny. Nang mapasok na nilang dalawa ang kuwartong iyon ay pinayagan na ni Derrick si Johnny na buksan ang mga mata nito. "Okay, sweetheart, you can open your eyes now." Pagkamulat ni Johnny ay nakita niya ang isang maaliwalas at magandang kuwarto, asul ang mga dingding nito, may malaking bintanang may kulay asul rin na kurtina. May isang single bed na may malambot na kutsong mukhang mamahalin, at doon ay nakaupo ang malaking teddy bear na regalo ni Derrick sa kaniyang noong ika-siyam niyang kaarawan. Isang ngisi ang lumitaw sa mga labi ni Johnny at humarap siya kay Derrick. "Ah, kaya pala ayaw niyo akong pumunta rito nitong mga nakaraang araw, ah! Ito po pala surprise niyo." Ngumiti si Derrick ng maliit sabay tabi kay Johnny. "Well, I just thought of giving you your own room already. Since you're already a teenager, and I know teens like you need some space for yourselves, then there—I present you your personal space. Para hindi mo na rin inaagaw ang pwesto ko sa kama." Tumawa pa si Derrick. Ginabayan ni Derrick si Johnny papasok sa kwarto na wala pang masyadong gamit bukod sa kama at mga bookshelf at cabinet. Linibot ni Johnny ang kaniyang mga mata sa kwarto. Tunay ngang maganda ito at maaliwalas. Saktong nakatapat ang bintana sa sinag ng araw na nagpaliwanag pa sa kuwarto. Minimal design lang ang kuwarto, walang masyadong design bukod sa mga kurtina at ang stylish na study area. Nagliwanag ang mga mata ni Johnny nang makita ang ganda ng kuwarto. "Thank you!" tuwang-tuwang niyakap ni Johnny si Derrick, kitang-kita ang ngiti nito sa kaniyang mukha. Binalot rin ni Derrick ang mga braso nito sa katawan ni Johnny at yinakap ito pabalik. "Ang ganda!" "Glad you liked it," ani Derrick at niyakap din pabalik si Johnny ng mahigpit. Sa tangkad niya ay hindi na maabot ng mga paa ni Johnny ang sahig. "I just want to give you everything I could give you as your father." "Alright. Let's get you settled in." Binaba na ni Derrick si Johnny at tinulungang ilipat ang mga gamit ni Johnny mula sa kuwarto niya papunta sa bagong kuwarto ni Johnny. Inasikaso muna ni Derrick ang mga mabibigat na bagay gaya ng mga kahon ng mga libro at mga tropeo ni Johnny. Inayos nila ang mga libro, litrato, tropeo, at iba pang gamit sa mga bookshelves. Rinig sa bagong silid ang ingay ng kanilang mga biruan at tawanan habang nag-aayos ng mga gamit, nand'yan pa iyung minsan kikindatan ni Derrick si Johnny na kinatawa ng binatilyo. Matapos ang ilang minuto ay naayos na nila ang kuwarto. Lumiwanag nga sa kuwarto na iyon dahil sakto lang na nakatapat and sinag ng araw sa bintana, dahilan para mas lalo pang umaliwalas ang silid. Parang batang hindi matanggal ang ngiti ni Johnny habang pinagmamasdan ang bagong kuwarto, si Derrick ay gayon din habang pinagmamasdan ang ngiti ni Johnny. Medyo pawisan na rin ang mga damit nila dahil sa pawis mula sa pag-aayos nito. "Knew it'll suit your taste." Si Derrick na ang naunang nagsalita. Laking tuwa ni Johnny nang magkaroon ng bagong kuwarto, minsan kasi ay sa kusina lang siya nag-aaral kasi masyadong madaming gamit si Derrick sa mesa niya roon sa kuwarto, ngayon ay may sarili na siyang espasyo. Matapos mag-ayos ng mga gamit ay nagpahinga muna sila at naupo sa kama. Tinignan ni Derrick ang bagong kuwarto ng kaniyang anak, maganda at maayos. Labis naman siyang nasiyahan dito. Katabi niya si Johnny na hindi maitago ang saya sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang kaniyang bagong kwarto. "Ayos ba, Johnny?" Tumango lang si Johnny, hindi pa matanggal ang mga ngiti sa kaniyang labi. "Ang ganda po." "Glad you like it." He heaved a contented sigh. "Pero kung may gusto ka pang ipadagdag, just tell me. I'll make your room the best!" "Okay na po ako rito, Dad." Lumingon at tumingin si Johnny sa mga mata ng kaniyang ama. "Maraming salamat po." "All for my baby," kinindatan pa ni Derrick si Johnny. "Oh, may isa pa pala akong surprise sa iyo." Tumayo si Derrick at kinuha ang bag nito sa kuwarto niya, hindi pa rin matanggal ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ilang sandali pa ay bumalik siya kay Johnny at binigay ang isang bagong phone kay Johnny. "Here, I bought you a phone." "Wow! Thank you, Dad!" ani Johnny nang matanggap ang cellphone mula kay Derrick. Hindi matanggal ang mgs ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang repleksyon niya sa screen ng nakapatay pang gadget. "Kaya kita binigyan ng phone para sa pag-aaral mo't para ma-contact mo ako kapag may kailangan ka, o para namessage kita when emergencies," paliwanag ni Derrick. "Opo." "Ang not by watching what you shouldn't watch. Alam kong alam mo na ang ibig kong sabihin," ani Derrick sa seryosong boses, "babawiin ko iyan." "Hindi ako nanonood niyon!" depensa naman ni Johnny na biglang pinamulahan ng mga pisngi. Derrick chuckled. "I'm just saying," sabi niya nang may pilyong ngiti. "Alam ko namang good boy ka, eh. Okay, I'll leave you here. I'm gonna do my paperworks." Tumayo na si Derrick at hinawi ang buhok nito saka naggawi sa kaniyang kuwarto. "Sige po, Dad. Thank you po ulit." Ngumiti si Johnny ng kay tamis kay Derrick "Welcome, John." Derrick's voice fade as he walk into his room para gawin ang mga paperworks niya. Naiwan naman si Johnny sa kaniyang bagong kuwarto. Iniikot niya ang kaniyang mga mata sa paligid, kinakabisa ang mga bagong detalye sa kaniyang kwarto: malambot na kama, magagandang mga gamit, ang maaliwalas na sikat ng araw mula sa bintana. Napangiti si Johnny sa kaniyang mga nakikita. Sa wakas ay may sarili na siyang espasyo para magkaroon ng oras para sa sarili. Habang nasa kabilang kuwarto pa si Derrick ay bumalik na si Johnny sa paggawa ng mga takdang araling naiwan niya kanina nang tawagin siya ni Derrick. Nagdaan ang mga oras at nanatili ang dalawa sa kani-kanilang mga kuwarto, abala sa kani-kanilang mga gawain, si Derrick nagtatrabaho habang si Johnny naman ay tinutuloy na ang mga gawain at proyekto niya. Walang ibang maririnig sa tahimik na bahay kundi ang tunog ng nagkakaluskusang mga papel at ang paggupit ng mga karton hanggang sa lumubog ang araw. ~•~ "Dad, pakipasa po ng ulam." "Sure." Ngumiti si Derrick at pansamantalang binaba ang kaniyang mga kurbiyertos para masandukan si Johnny. Unti-unti niyang nilalagyan ng gulay ang pinggan ni Johnny hanggang sa tumanggi na ang binata. "Here you go." "Thank you po," tugon ni Johnny matapos siyang sandukan. "Welcome, baby," tugon ni Derrick. Binaba na ni Derrick ang mangkok sa mesa at muling pinagpatuloy ang pagkain. Pinagmasdan ni Derrick ang kaniyang anak habang inuubos nito ang ulam niya sa kaniyang pinggan. Malaki na nga ang pinagbago ni Johnny mula noon. Malaki na ang tinangkad at mas lalong lumalabas ang mga features nito, nagbibinata na, kumbaga. "Dad, bakit po kayo nakatingin sa akin?" pagtataka ni Johnny nang mapansin ang mga ipinupukaw na titig ni Derrick sa kaniya. Derrick smiled deflectively nang mahuli siya ni Johnny, his eyes sparkling with pride. "Wala lang. Malaki ka na nga, anak," ani Derrick, may konting lungkot na sumisirit sa kaniyang mga mata. Ngumiti lang si Johnny habang nakatingin sa mga mata ni Derrick. Hindi niya alam kung gaano katagal na sila nagkakatitigan nang putulin na iyon ni Johnny. "Si Dad, nagdadrama bigla." Humagikhik si Derrick. "I ain't," he deflected too quickly, expertly hiding the ache in his chest. Takot siya sigurong lumaki pa si Johnny at hindi na niya ito makakasama ng ganito. "Pero, always remember that I'll always be here for you," pag-iiba niya, habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Napatingin si Johnny sa mga magaganda at mapupungay na mata ni Derrick, tila ba naaakit sa rikit ng mga ito. Kita niya roon ang samu't saring emosyong hindi maitago ngunit hindi maipaliwanag ng mga salita. "Si Dad pinapakilig na naman ako," Johnny said too honestly na maski siya ay nagulat sa mga nasabi niya. Tumawa rin si Derrick sa mga nasabi ni Johnny. "I knew all your weak spots eversince you're eight." Patuloy ang dalawa sa pagkain habang pinagkukuwentuhan ang kung anu-anong mga bagay tungkol sa hinaharap. Buong sayang pinakikinggan ni Derrick ang anak habang kinukwento niya ang mga pangarap nito sa hinaharap. Gusto niya raw balang araw ay mapatayuan ng sariling bahay ang kaniyang ina balang araw. Binibiro rin ni Derrick si Johnny na huwag muna manligaw at kunwa'y sinuyo pa na sa kaniya muna siya. Nangako naman at sinuguro ni Johnny na pagbubutihin niya sa pag-aaral para makatapos. Iyon din kasi ang pangako niya sa kaniyang ina noon—na mag-aaral siyang mabuti para mabigyan ng magandang buhay ang magulang. "Kaya mag-aral ka ng mabuti, anak. Kapag nakatapos ka, pwede mo nang gawin whatever you want to do—chase dreams, have your own life, found someone you reach your dreams with—you're free," ani Derrick, "pero hindi mo naman kailangang magmadali. You still have a lot of time got yourself kaya enjoyin mo lang." Ngumiti si Johnny sa kaniyang ama. Marami nga siyang pangarap na gustong abutin pagtapos niya na nabubuo sa kaniyang isip, kasama ang makasama muli ang nanay niya. "Ano bang gusto mong marating sa buhay, anak? What are your dreams, by the way?' Sandaling napatigil at napaisip si Johnny sa tanong ni Derrick. Ang daming bagay agad ang pumasok sa isip niya—kasama na roon ang muling makasama ang nanay niyang ai Gina. "Hindi ko pa po sigurado, eh. Ang dami ko pong gustong gawin," Johnny answered honestly with a smile. Johnny's smile warmed Derrick's heart and caused him to smile as well. With wyes full of hope and pride, he looked into Johnny's with admiration and said "That's okay, love. Marami ka pa namang time to think of it. Just enjoy your youth and don't get stressed too much about your future. Alam kong kaya mo iyan." "Salamat po, Dad, lagi niyo po ako sinusuportahan sa lahat. Blessing ka po talaga sa akin." "You're more a blessing to mine, son. Nilagyan mo ng liwanag ang madilim kong mundo dati." Mas napangiti pa lalo si Johnny dahil sa sinabi niya. Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan habang pinagsasaluhan ang hapunan. Matapos kumain ay tulungan muli sila sa paglilinis. Si Johnny ang nakatoka sa pagliligpit ng mesa habang si Derrick ang tagahugas. Matapos ang kanilang mga gawain ay umakyat na sila sa taas para matulog. Nasa mga pintuan na nila sila saka bumaling si Derrick sa gawi ng kuwarto ni Johnny. Isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang labi nang lingunin niya muli si Johnny na papasok na rin sa kaniyang kuwarto. "Good night, Johnny," bati niya sa malunanay niyang tinig. Lumingon si Johnny at nakita ang kakaibang ningning sa mga mata nito. Ngumiti rin siya sa kaniyang ama, napangiti sa ganda ng ngiti niya. "Good night, Dad," balik niya. Pumasok na rin ang dalawa sa kani-kanilang mga kuwarto ~•~ Kinabukasan ay maagang pumasok si Johnny para sa isang group practice ng isang play. Matapos kumain ay nagpaalam na siya kay Derrick na maagang aalis. "Sabay na kita, John. Saan ba iyung meeting place niyo?" alok ni Derrick pagkatapos nilang magligpit. "Hindi na po, Dad. May kikitain din po ako, eh," pagtanggi ni Johnny. Ngumisi si Derrick. "Hmm, sino? Seems like you're doing things behind my back, young man?" "Dad, groupmates ko lang po sa performance," kunot noong ani Johnny, "ang oa mo, Dad." Nanlaki ang mga mata ni Derrick sa sagot ni Johnny. "Oh, who taught my sweet baby to talk back to me that way?" "Dad naman!" "Just kidding." Ngumiti si Derrick. Lumapit siya kay Johnny para taniman ng halik ang noo nito at yakapin. "Ingat ka sa daan mo, ha?" "Opo, Dad." Yumakap din si Johnny kay Derrick. Mahigpit na yakap din ang sinukli ni Derrick sa kaniya. "Sige na po. Mauuna na po ako," paalam ni Johnny sala lumabas na ng pinto. "Sige, John. Take care. Did you bring your water?" sigaw na pabahol ni Derrick, "may baon ka bang lunch?" "Opo!" Napangiti na lang si Derrick. Binata na nga si Johnny. Parang kahapon lang noong magkasama pa silang nanonood ng Tom and Jerry habang nakaupo ang maliit pang si Johnny sa kaniyang kandungan sa sala. "Hay, hindi ka na nga baby, love," nabulong na lang ni Derrick sa sarili nang may ngiti. Ang bilis talagang lumaki ng mga bata ngayon. Pagdating sa lugar na pagtatagpuan nila ay agad na binati si Johnny ng mga kaibigan niya. Ang bestfriend naman niyang si Theodore ay biglang sumampa sa likod niya, mabuti na lang at malapit si Johnny sa isang puno at dito at naitukod niya ang mga kamay niya. "Isa pang uulitin mo ito kokotongan kita sa panga!" banta ni Johnny nang makaharap na si Theodore. "Ang harsh mo naman sa akin. Kumain ka kasi ng marami nang hindi ka nanghihina!" banter naman ni Theodore. "Ewan ko sa iyo!" Nakanguso at magkasalubong pa ang mga kilay ni Johnny habang lumalakad palayo sa kaibigan papunta sa grupo nila. "Loko 'tong si Rivero inaasawa na si Hale," biro pa ni Jake, saka ngumisi kay Theodore, "may ipapakain ka na ba sa mga anak niyo?" "Isa ka pang pabigat ka!" pinandilatan din siya ni Johnny. "Asawa ka diyan! Siraulo." Nanlaki ang mga mata ni Jake nang biglang murahin siya ni Johnny. Hindi niya ito inaasahan magsungit ng ganito lalo na't mabait na kaibigan si Johnny. Tawanan ang umingay sa pagitan ng dalawang magkaibigan na nagpainis na naman kay Johnny. Kumunot muli ang noo niya habang palayong naglalakad papunta sa iba pa nilang kagrupo. "Hi, Johnny," bati ng mga kagrupo nila pagdating ni Johnny sa kumpol. "Hi, Roces, Jenny," bati niya sa iba pa nilang kagrupo't kaibigan. Nagsimula na silang maghanda Prinactice na nila ang sayaw nila ngunit si Theodore ay nakaupo pa rin sa silyang inupuan niya pagdating nilang dalawa. "Hoy, sumali ka na rito!" sita ni Johnny, "tapos kapag hindi ka sinali na naman ni Roces sa listahan magagalit ka na naman?" "Bakit? Ginagawa ko naman ang parte ko sa mga groupings natin, 'di ba?" "Talaga ba, Rivero?" talak ng leader nila habang kinukuha nito ang kaniyang tumbler. "Sumbong kita kay ser, eh." "Ayan, ginalit mo na." Inirapan ni Johnny ang kaibigan habang naglalakad pabalik sa pwesto. "Memorize ko naman na iyung steps, eh," pagmamaktol ni Theodore pagtayo niya para sumali. Ayaw din naman niyang bumagsak ang grades niya. Mga ilang minuto pa silang nag-practice at dumating na ang oras ng pasukan. Matapos maglinis ay pumasok na sila sa paaralan. Doon ay pinag-igihan niya ang pag-aaral at paggawa ng mga takda. Dala-dala ang kaniyang mga papeles ay agad siyang nagpunta sa UP para mag-apply ng trabaho bilang propesor. Naisip niya kasing mag-apply na bilang lumalaki na rin naman ang mga gastusin nila sa bahay, at marami na silang pangangailangan. Hindi na sumasapat ang kita niya sa pagpipinta at balak na rin niyang pag-ipunan ang pangkolehiyo ni Johnny. Malamig na buga ng aircon ang agad na bumungad kay Derrick pagpasok niya sa opisina ng Dean. Buti nakita niya sa internet na may hiring doon kaya dito na niya napili mag-apply bilang malapit iyon sa eskuwelahan ni Johnny. Sa gayon ay mababantayan niya pa rin ang anak. Pagpasok doon ay agad niyang binati ang nagtanong siya sa school staffs kung may vacant pa na position sa university. Agad naman sinabihan ng staff na sa loob na lang magtanong. Matapos magpasalamat at agad niyang diniretso ang mga directions na sinabi ng staff at nahanap nga niya ang opisina ng HR officer. "Good morning," bati ni Derrick bago pa man siya makapasok mismo. Agad na kinalabit ng malamig na hangin mula sa air conditioning ang kaniyang mga daliri iilang pulgada lamang ang buka ng pinto. "Good morning, or noon rather," kasinglamig ng hangin ang tono ng kaniyang tinig, "you must be Mr. Derrick Hale?" Ngumiti at tumango ni Derrick pagpasok. "Yes, I am," magalang niyang saad habang dahan-dahan niyang sinara ang pintuan sa likod niya. Iginiya ng Dean ang lalaki sa isang silya sa harap niya at inanyayahang umupo at sumunod naman si Derrick. Nang makaupo na ay agad niyang nilapag ang mga credentials niya sa mesa ng Dean na agad din naman itong kinuha at rineview ang mga ito. Napatingin siya sa paligid habang hinihintay na matapos ang punong-guro sa pagbabasa. Puros mga frame ng samu't saring mga certificates at portrait niya ang porselanang mgs dingding ng silid. Naka-display rin ang iba't-ibang uri ng mga maliliit na skulto ng mga tao, o mas partikular mga diyos at diyosa mulang iba't-ibang mitolohiya na napinta na rin niya minsan. Mukhang mahilig ang Dean mangolekta ng mga ganito. Matapos ang ilang minuto ay binaba na ng Dean ang folder sa mesa kaya nakuha muli niya ang atensyon ni Derrick. Napabalikwas naman ang lalaki mula sa pag-d-daydream at napatingin muli sa kaniya. "It's seems that you had no experience with handling students other than "Yes, Mr. El Mundo, I'd like to acknowledge that my teaching experience is limited to leading art workshops for children in my former art club. Although I don't have prior experience teaching at the university level, I'm eager to learn skills and hone my passion for art to make a positive impact on students. I'm seeing forward to be a part of the university's faculty and contributing to the academic growth and artistic development of young minds." Nagpatuloy pa ang interview hanggang sa matapos ito. "Okay, Mr. Hale, we'll just call you in the following days to update you with the status of your application. Please wait for a message from us regarding your application. You may take your leave now Mr. Hale," walang ekspresyon na tugon ng Dean sa kaniya. Kabado man ay pinasalamatan pa rin ni Derrick ang Dean bago umalis sa opisina ito. Sa daan pauwi ay halong kaba at saya ang nadarama niya. Sa daan pauwi ay napadaan siya sa isang donut store kaya bumili ito ng isang box na may anim na chocolate donuts, paborito kasi ni Johnny ang chocolate. Dala ang isang malaking ngiti at magandang balita, madaling umuwi si Derrick, sabik na muling makita ang taong pinakamamahal niya sunod sa mga magulang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD