V. Nurtured

4048 Words
Isang umaga ay nagpunta si Derrick sa isang private school dala-dala ang mga credentials ni Johnny upang i-enroll ito. Iniwan muna ni Derrick si Johnny sa Atelier at pinabantayan sandali sa mga kaibigan nito. Wala kasing tao sa kanilang bahay bukod sa kanilang dalawa lamang kaya lagi nitong isinasama sa mga lakad niya, bukod ngayon dahil gusto niyang masorpresa ito. "Good morning," bati ni Derrick pagpasok sa guidance office ng school. "Good morning. How may I help you?" bati ng secretary sa kaniya ng nakangiti. "I just want to enroll my son on second grade. Here are his credentials." Binigay niya ang envelope sa secretary na agad din namang kinuha. Ibinigay niya naman ang mga papeles sa mga magpoproseso nito. Pagkatapos pag-aralan ang mga iyon ay tinanggap na nila ang bata sa eskuwelahan. "Oh, thank you so much, Miss." Masayang bumalik si Derrick sa Atelier para ipahayag ang magandang balita. Bumili siya ng pagkain para i-celebrate ang pagkakatanggap ng anak sa school—pizza at chocolate donuts na paborito ni Johnny. Sa Atelier, habang wala pa si Derrick ay masayang nagbobonding sina Johnny at ang ibang mga pintor doon. Palibhasa'y oras ng pahinga kaya inaliw nila muna ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa mga iba pang mga anak ng mga pintor na sinama roon. Malaki ang ngiti ni Amanda habang gumagawa ng mga clay structures kasama ang mga bata, kasama si Johnny. Tila naging kindergarten ang Atelier na puno ng mga naglalarong bata at mga pintor na kasama nila. Bakasyon kasi ng mga bata mula sa eskuwelahan kaya libre silang nandito. "Good news!" nagulat ang lahat nang biglang sumulpot si Derrick sa pintuan, nakangiti at nagsisigaw. Pati si Amanda at ang mga bata ay napalingon sa kinaroroonan ng lalaki. "Daddy!" tuwang sabi ni Johnny nang makita si Derrick. Tumayo ito agad ay tumakbo papunta sa ama. Kunot noo siyang pinagtinginan ng mga kasamahan niya, nagtataka sa biglang kilos niya. "Nanyari sa iyo, tol?" takhang tanong ni Alfred nang makita ang nagtatatalong kaibigan. Mabilis na sinalubong ni Derrick si Johnny at binuhat niya ito sa kaniyang mga bisig. Hinalikan niya ito sa pisngi ng mariin sa galak na nagpatawa naman sa bata dahil nakikiliti siya sa maninipis bigote ni Derrick. "I miss you, love," bulong ni Derrick kay Johnny. "Grabe, parang kani-kanina mo lang iniwan dito si Johnny rito, ha? Makahalik akala mo sampung buwang hindi magkita," usisa ni Honey habang gumagawa rin ng clay statue. "Anyare, Kuya?" Napuno ang pwesto nila ng tawanan habang nagbibiruan, si Johnny ay buhat pa rin ni Derrick. "Hoy, Derrick! Anong nangyari sa iyo? Sobrang saya mo naman siguro?" tanong rin ni Amanda. "Wala lang. Magsisimula lang naman itong bulilit na ito mag-aral muli," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni Johnny. Napalitan ang pagkatataka ng mga kaibigan niya ng kasiyahan sa ibinalita ni Derrick. "Wow!" Nagpalakpakan ang mga pintor na nakarinig ng ibinalita ni Derrick, masaya para sa batang naging parang anak na rin nilang lahat. "You're going to school, love," ulit niya kay Johnny. Ngumiti lang ang bata. "Good luck, be! Galingan mo, ha!" sabi ng mga pintor doon sa Atelier. Napangiti rin si Johnny sa ibinalita ng kaniyang ama. Niyakap niya ito sa leeg, masayang masaya at sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niyang makapag-aral. Ibinaba muli ni Derrick si Johnny at bumalik na sa kanilang pwesto upang makapagpahinga sandali mula sa biyahe. "Galingan mo sa school, Johnny, ha?" Isang ngiti ang isinagot ni Johnny sa kaniyang ama at hinaplos ni Derrick ang buhok nito. Binigyan siya ni Derrick ng isang chocolate donut na binili nito kanina at binahaginan rin ang ibang mga bata na nandoon. Matapos ang munting selebrasyon ay bumalik na ang lahat sa kanilang mga gawain. Naupo muli si Johnny sa tabi ni Derrick at pinanood ang pagpinta niya ng mga imahe sa canvass nang may ngiti. ~•~ Mabilis na nagdaan ang mga araw at ngayon ay maagang umalis sina Derrick at Johnny. Lulan ng kotse ay binagtas nila ang kalsada papunta sa bagong eskuwelahan ni Johnny. Mga ilang linggo na rin ang nagdaan matapos ang simula ng klase, at talagang ginagalingan ni Johnny sa eskuwelahan na labis na ikinatuwa ni Derrick. "Oh, Johnny. Galingan mo sa school para sa amin ni Nanay mo," bilin ni Derrick sa bata. "Opo, Daddy," ngiti ni Johnny, ang mga maliliit na mga mata nito'y nakatitig sa ama. " 'Yan ang baby ko!" pagmamalaki ni Derrick, "be good at school at laging makinig kay teacher. Promise kapag ginalingan mo, lagi kang may pasalubong sa akin." Nagdaan ang isang buwan matapos magsimula si Johnny sa elementarya. Palagi siyang napupuri ng mga guro nito dahil sa angking talino at kabaitan. Masipag mag-aral si Johnny kaya katulad nga ng ipinangako ni Derrick ay dinadalhan niya ito ng pasalubong sa tuwing susunduin niya ito galing school. Hindi pumapayag si Derrick na wala siyang maibibigay, kahit isang pirasong mansanas o kahit anong tinapay ay laging may dala siya, paminsan-minsan din ay dinadalhan niya ito ng tsokolate. Habang nasa daan ay pinapakanta ni Derrick si Johnny ng mga nursery rhymes, tapos ay magtuturo siya ng mga bagay at itatanong kay Johnny kung anong hugis o kulay o kung ilan iyon. "Daddy! Tuta, oh!" tuwang sambit niya nang may madaanan silang pet shop. "Andami!" "Wow! Can you tell Daddy their color?" "May isang brown, isang white, dalawang black..." Tumawa si Derrick sa saya. "Wow! You're right, smart guy," puri ni Derrick. Patuloy na pinagmasdan ni Johnny ang mga tuta habang hindi pa umaandar ang sasakyan. Hindi matanggal ang ngiti sa kaniyang mga labi at ang mga mata niya sa mga tuta. Maya-maya pa'y nagpatuloy na ang daloy ng trapiko. Sa pag andar ng kotse ay nakasunod pa rin ang kaniyang paningin sa mga tutang naglalaro. "Sorry love, we can't have a puppy," ani Derrick nang mahinuha ang gustong itanong ni Johnny. Nadurog naman ang puso niya nang umupong bagsak ang balikat ng bata nang sabihin niya iyon. "Johnny, huwag mo namang sumimangot. Nalulungkot din si daddy, eh." Tumango lang si Johnny. Kahit kailan ay hindi pinilit ni Johnny ang gusto niya, kadalasan naman kasi ay pinagbibigyan siya ni Derrick, lalo na't maliliit lang ang mga hiling niya tulad ng candy o laruan. Lagi rin pinapaunawa ni Derrick na hindi sa lahat ng bagay ay makukuha niya ang gusto niya. Naiintindihan naman iyon ni Johnny, sadyang nahinayangan siya dahil sa hindi pumayag si Derrick na magkaroon sila ng alaga. "Baby, alam mo namang parehas tayong busy. Kung kukuha pa tayo ng puppy ay hindi na natin iyon maalagaan. You know dapat inaalagaan ang mga pets, hindi ba?" Tumango lang si Johnny. Mabuti ay hindi iyakin ang bata, masunurin pa at mabait. Pero hindi pa rin maitago ang lungkot sa mga mata niya. "Sorry if daddy needs to say no sometimes. Para din sa ikabubuti mo ang mga sinasabi ko. Okay, after school, I'll take you to anywhere you want," pambabawi ni Derrick. Dahil sa sinabing iyon ni Derrick ay nanumbalik ang ngiti sa labi ni Johnny na nagpatunaw din sa puso ng lalaki. "Bati na tayo, baby, ah?" Tumango muli ng tahimik si Johnny. Napatawa rin si Derrick. Tinanong-tanong ni Derrick si Johnny kung ano ang gusto niya. Mabuti nakuha muli niya si Johnny nang dalhin niya ito sa paborito nilang tindahan ng chocolate donuts. Matapos mamili ay namasyal pa sila sa isang kalapit na park habang kinakain ang mga nabili nila. Mabilis na lumipas ang mga araw para sa dalawa. Nanatiling mahusay si Johnny sa pag-aaral na ikinatuwa ni Derrick. Binabalita rin niya ang mga achievements ng bata sa ina nito sa tuwing namamasyal silang tatlo. Dalawang buwan na ang lumipas mula noong ampunin ni Derrick si Johnny. Sa loob ng panahong iyon ay walang araw na hindi masaya. Lalo pang napapamahal ang dalawa sa isa't isa, at maging hanggang pagtulog ay magkatabi. Hindi kailanman pinabayaan ni Derrick si Johnny, lahat ng atensyon at pagmamahal ay ibinuhos niya sa bata. Sa pag-aalaga niya rito ay hindi niya namamalayang nawawalan na siya ng gana at oras sa mga bagay na dating umaalipin sa kaniya noon. Isang espesyal na araw ay bago sunduin ni Derrick si Johnny ay nagdaan muna ito sa isang toy store para bilhan si Johnny ng regalo. Ika-siyam na kaarawan na kasi ngayon ng bata at gusto niya itong sorpresahin. Matapos makapamili ay dumiretso na siya sa school ni Johnny para sunduin ito't uwian na rin naman. Sa parking area ay naghintay siya ng konti hanggang sa makita niyang nagsisilabasan na ang mga estudyante. "Daddy!" dinig ni Derrick na sigaw na nagpangiti sa kaniya. Saka niya nakita si Johnny na tumatakbo palapit sa kotse. "Hi, birthday boy!" masayang bati ni Derrick paglapit ni Johnny sa kaniya. Hinalikan niya si Johnny sa pisngi saka ginabayan pagpasok sa kotse. "Wow, ang laki!" ang lapad ng ngiti niya pagkakita ng malaking teddy bear sa loob ng kotse. Agad niya itong sinugod sa loob at niyakap sa sobrang tuwa. "You like it, baby?" tanong ni Derrick habang ina-adjust ang kaniyang shades para makita si Johnny sa salamin. Nakakulay abong polo siya ngayon na ang mga manggas ay nakarolyo hanggang sa siko nito, kaya nakalabas ang kaniyang maskuladong forearms. Hindi matanggal ni Johnny ang tingin niya sa teddy bear, maging ang ngiti niya sa labi ay hindi matanggal. "Opo, Daddy. Thank you." Hinagkan niya ang stuffed toy ng mahigpit. "Ang laking bear!" "Don't thank me yet. Hindi pa tapos ang araw mo. Magde-date pa tayo, anak." Inilahad niya ang kaniyang kamay at inabot ang pisngi ni Johnny at hinaplos ito. Dumiretso na sila sa mall at doon ay dinala muna ni Derrick sa isang restaurant si Johnny para mananghalian. Medyo mamahalin din ang restaurant at sosyal ang mga pagkain. Sophisticated din ang ambiance at mukhang pang-date ang atmosphere. Nang makahanap ng pwesto ay inalalayan ni Derrick ang anak sa pag-upo at sinabihang manatiling tahimik. Umorder na si Derrick ng mga pagkain nila—para kay kaniya ay roasted chicken with vegetables at isang glass ng red wine, at bruschetta naman para kay Johnny. Tahimik ngunit masaya silang kumain, hindi alintana ang mga matang nakatingin sa naka-uniform na bata. Tinuruan ni Derrick kung paano kumain ng maayos ang anak na agad namang nitong nakuha. Matapos kumain ay namasyal pa sila at naglaro ng arcades hanggang sa matapos ang araw at umuwi na sila pagkatapos kumain pa ng ice cream. Naging masaya ang unang taon na magkasama sina Derrick at Johnny bilang mag-ama. Bawat araw na lumipas ay parang isang panaginip na nagkatotoo. Bawat gabi ay naglalaro sila sa kuwarto hanggang sa mapagod at makatulog sa yakap ng isa't isa. Sa umaga'y ang eskuwelahan at trabaho lang ang nakakapaghiwalay sa kaniya. Laging tinuturuan ni Derrick sa mga assignments si Johnny, kapalit ng mga yakap at halik nito na nakakapagpataba sa kaniyang puso. Dumating na ang buwan ng Disyembre at bakasyon na ni Johnny mula sa eskuwelahan. Bakasyon na rin sa university kaya nagplano si Derrick na dalhin ai Johnny aa Hawaii para doon ipagdiwang ang pasko. Umaga ng unang araw ng bakasyon ay tinawag ni Derrick si Johnny sa kuwarto nila. "Daddy?" lumapit si Johnny sa ama. Kita ni Johnny ang mga naka-empake nilang mga gamit at mga nakabalot na mga regalong maayos na nakasalansan sa mga suitcase nito. "Ay, nandiyan ka na pala. Halika rito at nang makapahanda na tayo." Matapos bilinan ng iba pang mga bagay na kailangan malaman ni Johnny ay sabay na naligo amg dalawa at nagbihis. Pagkatapos mag-almusal ay saka na sila nagtungo ng airport lulan ng kotse ni Derrick. Habang nasa biyahe ay ipinaliwanag ni Derrick kay Johnny ang mga plano niya ngayong pasko. Nalungkot naman sandali si Johnny nang mapag-alaman niyang hindi niya muna makikita ang kaniyang ina ng matagal na panahon. "Don't worry," sabi ni Derrick nang makita ang lungkot sa mga mata nito. Alam niya agad kung bakit nalulungkot si Johnny. "After Christmas, uuwi din tayo agad. Tapos kayo naman ni nanay mo ang magce-celebrate ng Christmas. Siyempre, kasama ako." Nagliwanag kaagad ang mga mata ni Johnny sa sinabi ni Derrick. "Talaga po?" "Yes, baby. Daddy promise you." Nanumbalik muli ang ngiti sa mga labi ni Johnny at natuwa rin si Derrick. Matapos ng ilang oras ay nakababa na rin ang mag-ama sa Hawaii. Paglabas ng airport ay agad na nagrent si Derrick ng kotse na maghahatid sa kanila sa lugar nina Jane. "Derrick?" salubong ni Jane sa kaniyang kapatid. "Jane," binukas ni Derrick ang kaniyang mga bisig upang tanggapin ang ate niya sa mga yakap nito. "It's so nice to see you again after ages!" niyakap at hinalikan ni Jane ang kapatid niya sa pisngi, "I've missed you, my little brother." "So do I," sagot ni Derrick. "There had been a lot of changes since then, especially this place." Minasid ni Derrick ang bahay nilang nagbago na ng itsura. Cottage style pa rin ito ngunit pinarenovate na at ginawang modernized ang disenyo. "So, where is the surprise you've been talking about these past weeks?" interesanteng tanong ni Jane sa kapatid. Ilang linggo na rin kasi siya sinasabihan ni Derrick tungkol sa "surprise" niya daw. Isang malaking ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Derrick. "Well, Sis, I'm just excited to introduce someone special to you, guys." Isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Jane. "Finally! After some ages, you finally have someone to share your love with." Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Derrick. "I'm sure you'll love him too." Naguluhan si Jane pagkarinig ng salitang "him" mula sa kapatid. Binigyan muna ni Derrick ng isang ngiti at naweirdohan si Jane roon. Bumalik si Derrick sa kaniyang kotse at doon ay kinuha niya si Johnny at dinala sa bahay, hawak ang kamay. Sandaling naguluhan si Jane ng makita ang batang dala ni Derrick. "I would like to introduce our new family member." Hinawakan niya si Johnny sa kamay ay iprinesenta kay Jane. "This is Johnny, my adopted son." "You've had me caught off guard there," ngiti ni Jane. "I thought you'll introduce a boyfriend to us." "Wait, are you assuming that I am gay?" kumunot ang noo ni Derrick. "Well, as I said, you caught me off guard," natatawa niyang sabi. Bumalik at lalo pang lumaki ang ngiti ni Jane nang ipakita ni Derrick ang bata, ngunit dahil sa mahiyain siya ay nagtago ito at umakap sa binti ng ama. "Anak, ayos lang. Si Auntie Jane mo iyan. Mag-hi ka sa kaniya, baby." Hinawi ni Derrick ang buhok nito pagkatapos ay kinuha ang kamay para mapapunta sa harap. Palibhasa'y half Filipino ang pamilya ni Derrick ay marunong pa ring magtagalog ng konti ang buong pamilya nito. Yumuko si Jane at inabot ang mga palad nito sa bata. "Hello there, little charmer," bati ni Jane. Palibhasa'y mahiyaing bata si Johnny ay hindi nito nilapitan si Jane, bagkus ay nagtago pa ito sa likod ni Derrick. "Baby, it's okay. Si Auntie Jane mo iyan." Nanatili lamang si Johnny sa likod ni Derrick, nagtatago mula sa estranghero. "He's just shy," nilingon ni Derrick si Jane na ngayon ay nakangiti pa rin. "It's okay, Derrick," she smiled as she guide the two inside. "Come in. And, welcome to the Hale Family, Johnny." "Thanks, Jane. Tara na, baby," ani Derrick at kinuha ang kamay ni Johnny para sundan ang ate papasok sa kaniyang bahay. Simple ngunit maganda ang bahay ni Jane. May mga palamuting gawa sa shells at bamboo ang pader, kasama ang mga litrato ng kanilang pamilya. "Boys, your Uncle Derrick's here with his son," sabi ni Jane sa mga anak niyang sina Michael at Ethan. Agad na binati ng dalawa ang mag-ama sandali saka bumalik sa kaniya-kaniyang mga pinagkakaabalahan. Si Derrick naman ay sumama kay Jane nang mapaupo si Johnny sa sala kasama ang dalawa sa kusina para kumuha ng maiinom. Doon ay kinuwento ni Derrick kay Jane ang mga nangyari noong nakalipas na buwan, tungkol sa pagkakahiwalay nila ng nobya hanggang sa dumating si Johnny sa buhay niya. "I never thought Johnny had to go through that horrible situation," hindi makapaniwala si Jane sa sinapit ni Johnny base sa kwento ni Derrick. Nanlaki naman ang mga mata ni Jane sa isiniwalat ni Derrick. "That isn't right! They should be reporting that to the authorities." "I also said the same to Gina, Johnny's mother, but she refused my offer, afraid that it might affect Johnny or cause some troubles along the way, which I understand. Well, I can't force her if she don't want to sue her husband. I just hope her safety." Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap habang pinapanood ang maliit na batang nakikipag-usap naman sa mga pinsan nito. Si Michael ang panganay na anak ni Jane, at sumunod naman si Ethan. Malaki man ang agwat ng tatlo ay mabilis naman silang nagkasundo, ngunit naging mas malapit si Johnny kay Michael dahil lagi itong ipinagtatanggol kay Ethan sa tuwing nag-aasaran sila. "You really had that certain charm that makes everyone like you in an instant," sabi ni Ethan sa kuya nito na ngayo'y yinayakap ni Johnny. "You just have a distasteful behavior that pisses everyone off. It's like a special talent of yours," balik ni Michael kay Ethan, tinitignan siya ng masama. "Why are you always harsh on me, bro?" Michael smirked slyly, "I ain't, just telling the truth, bud. Only I and Mom can endure your insensitive antics." "Don't mind this alien, Johnny," sabi naman ni Michael kay Johnny. "How are you so close that instantly?" takhang tanong ni Ethan sa kuya nito. "As you said, I have a charm that instantly attracts everyone towards me." Ngisi ni Michael saka tinuon ang atensyon kay Johnny. Mula naman sa hapag ay pinagmamasdan nina Derrick at Jane ang tatlo. Nakangiti lang ang matatanda habang pinapanood na mag-usap ang magpinsan. "It seems like the three learned to get along well too quick," nakangitin banggit ni Jane habang nakatingin kay Derrick. Ngumiti rin si Derrick. "Kaya nga Ate, nakakatuwa." "If Dad and Mom were still here, they would be happy to meet Johnny too," malungkot na saad ni Jane habang pinagmasdan nila ang tatlo, sabay tingin kay Derrick. "Yeah," isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Derrick, "if the plane crash hadn't happened." Naging tahimik ang dalawa habang nananariwa ang mga nakalipas. Totoo ngang kahit matagal na nang mangyari iyon ay masakit pa rin sa dalawa ang pagkawala ng maaga ng kanolang mga magulang. Inikot ni Derrick ang kaniyang wine glass at uminom mula rito, ang mapait nitong lasa'y kasingpait ng mga nakaraan. "Let's just look at the brighter side, Derrick—you now have Johnny by your side." "You're right, Jane," ngiti niya, nakatitig sa anak. "He's like a gem I found in my darkest of days. My little light." "And to Michael, definitely. Look how he and Johnny became instantly comfortable with each other." "Johnny does have something special in him that makes everyone love him the instance they meet him." Matapos ng usapang iyong ay naghanda na ang dalawa para ipagdiwang ang pasko, ang tatlo'y nasa sala pa rin at nagbibiruan. Matapos ang lahat ng paghahanda ay pinagdiwang nila ang pasko ng masaya. Nagsalo sila sa pagkain at nagpalitan ng regalo. Since ngayon pa lang nakilala nina Jane si Johnny ay nagpa-order na lang siya ng anumang gusto ni Johnny, siyempre sa pahintulot ni Derrick. "Thank you, Auntie Jane," magiliw na saad ng maliit na bata habang yakap-yakap ang mga laruan at librong bigay niya. Yumakap rin si Jane ng mahigpit sa bata. "You're welcome, sweetheart." "Tiba-tiba ang baby ko, ah!" ani Derrick habang nakatanaw kay Johnny. Tumingin siya kay Jane na tila kinukwestiyon ang dami ng inorder niya para sa bata. "Envying Johnny?" biro ni Jane sa kapatid niya. Tumawa lamang si Derrick. "You practically spoiled him, Jane." "That's what aunties do. Don't worry, I'll also have something for you," kinindatan niya ang kapatid niya. Natapos ang araw ng pasko na puno ng saya sa bahay ng mga Hale. Pagdating ng oras ng hapunan ay muli nilang pinagsaluhan ang isang masaganang hapag. Nang mabusog ay nanood muna sila ng movie hanggang antukin na silang lahat. Isa-isa nang nagsiakyatan ang mga tao at nagtungo sa mga kuwarto nila para matulog. Sina Johnny at Derrick naman ay nagtungo na sa visitor's bedroom nagpahinga. Doon ay excited na tinulungan ni Derrick si Johnny na mag-unwrap ng mga regalong natanggap niya. "Wow, dami ng toys mo, Johnny, oh! Wow, robots!" ani Derrick habang tinutulungan si Johnny magbukas ng mga laruan. Tumatawa lang si Johnny sa saya habang naglalaro. Nakipaglaro rin si Derrick sa kaniya at kunwa'y lumilipad ang mga robots. Nang mapagod ang mag-ama ay nagligpit na sila at naglinis saka nahiga sa kama. Gaya ng nakasanayan ay humiga si Johnny sa dibdib ni Derrick na nakasando lang. "Sana nandito si Nanay," biglang sabi ni Johnny. Nalungkot din si Derrick nang makita ang saya na maparam sa mga mata ng bata. Hinaplos niya ang malambot na buhok nito. "Di ba nagpromise si Daddy na magchri-Christmas din tayo kasama ni Nanay Gina mo? After this, uuwi ulit tayo sa Manila, then, we'll celebrate Christmas again, kasama na si Nanay." "Promise po?" nagliwanag ang mga mata ni Johnny. Ngumiti rin si Derrick. "I promise. Sige na, sleep na, anak, and tomorrow we'll be flying back to Manila. Sasakay ulit tayo ng airplane." Pagkasabi niyon ay hinalikan muli ni Derrick si Johnny sa noo saka niyakap. Sa ganoong posisyon ay nakatulog na ang mag-ama. –Kinabukasan– "We need to be on our way, Jane. You know how hard it is to catch a flight this season." "Aww, can you please stay a little more longer?" nagpout pa si Jane. "I'm afraid we can't," Derrick said with an apologetic look, "I still had some business to attend to back in Manila, and I promised Johnny to celebrate Christmas with his mother after this." "Oh, I see. So you still have contact with his mother?" "Hmm," tumango si Derrick. "That's nice, actually. Atleast Johnny's able to spend some time with his mom," ani Jane, "but...the downside is, it'll be until another Christmas that I'll see you, and Johnny, again." ngumuso siya na parang nagtatampong bata. Napangiti si Derrick. "Yeah," bahagyang napayuko si Derrick. "But, this ain't the last time we'll be together like this again. There's always next time." "Yup. There's always next time. And until then, I'll be missing you, and my new nephew. Ah, he got my heart at first glance." Derrick chuckled. "Don't be so sad. It's not as if you'll never see us again. There'll be more Christmas to come, and now, Johnny's here to make each a bit more special." Ngumiti si Jane. "It seems that destiny had brought you to each other then." "More than that, he had saved me before I—before I drown in loneliness in Manila." Tumango si Jane at hindi na inintriga pa si Derrick. "Oh, fine," tinignan niya an mga maleta ni Derrick saka ngumiti. "I don't want to hold you up for too long." "Thanks, Jane." Humalik si Derrick sa pisngi ni Jane saka tinawag si Johnny. "Baby, aalis na tayo. Magpaalam ka na kay Auntie Jane." Agad namang lumapit ang bata sa kanila at niyakap muna si Jane. Yumakap din ng mahigpit ang ate ni Derrick sa bata saka humalik sa pisngi nito. "Bye Auntie." "Bye, Johnny. Promise I'll bake more chocolate and honey cookies for you next time." Yumakap pa si Jane kay Johnny bago ito pakawalan at tumayo. Saka niya tinignan si Derrick saka ngumiti rito. "Bye, little brother. 'Til next time." "'Til next time," yumakap din si Derrick sa ate niya. Hinatid ng pamilya ni Jane sina Derrick at Johnny sa pintuan. Pinanood nila ang pagsakay nila sa taxi hanggang mawala na sila sa kaniyang paningin. Kumaway pa si Johnny gamit ang dalawa niyang kamay na nagpangiti kay Jane, na panay rin ang ngiti sa kanila. Lumipas ang mga taon at nanatiling masaya ang pagsasama ng dalawang mag-ama. Pinalaki ni Derrick si Johnny ng buong sikap at minahal ng walang katumbas. Kapalit naman ng kaniyang binuhos na pagmamahal sa bata ay abot-abot ding pagmamahal at saya ang dinulot sa kaniya nito. Walang araw na naging malungkot sa bahay at buhay nilang dalawa, laging puno ng saya at pagmamahal ang tahanan ni Derrick sa araw-araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD