"Daddy, saan po tayo pupunta?" tanong ni Johnny kay Derrick na inaayos ang seatbelt niya.
"You've been asking the same question three times this morning, love," isang ngiti ang pinakita ni Derrick, "pupunta tayo sa work ni Daddy, sa art studio. We'll make a lot of paintings there."
Nanlaki rin naman sa saya ang ngiti ng bata at parang nagniningning pa ang mga mata nang sabihin iyon ni Derrick. "Pupunta po tayo ulit kay Tita Amanda?"
"You love her so much already, don't you?" hagikhik ni Derrick. Tumango lang si Johnny.
"Pero mas love ko po ikaw."
Napangiti si Derrick sa sinabi ni Johnny. "Of course, I'm your one and only daddy, and you're my only baby."
Matapos maiayos amg seatbelt ng bata, naupo na si Derrick sa driver's seat. Sinundan ng mga mata ni Johnny ang bawat galaw ng ama hanggang sa makasakay na ito sa kotse.
"Paintings! Paintings!" paulit-ulit na cheer ni Johnny habang nagdadrive si Derrick.
Napatawa na lang si Derrick sa kasiglahan ng bata. 'Cute kid,' bulong niya sa sarili. Binilinan niya rin si Johnny na magbehave pagdating nila doon sa Atelier.
"Opo, Daddy!" masayang sagot ni Johnny.
Isang ngiti ang lumitaw sa labi ni Derrick at hinawi niya ang buhok nito. "Ang bait talaga ng baby ko."
Pinaandar na ni Derrick ang kotse at tinungo ang art institute kung saan siya makikipagkita sa mga kasamahan niya sa art club. Buong biyahe ay panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga gagawing artwork ni Derrick para sa mga customer nila, mga project, at mga alaala niya noong nagsisimula pa lang siya magpinta. Tahimik lang na nakikinig si Johnny sa bawat kwento ni Derrick, nakikitawa sa mga biro nito, at panay din ang puri niya sa mga gawa nito.
Mga ilang araw na rin ang nakalipas mula noong ampunin ni Derrick si Johnny. Sa loob ng mga araw ay lalong napalapit si Johnny kay Derrick. Hindi na nahihiya siya rito, at palagi na itong nakikipag-usap sa kaniya. Komportable na rin siya sa presensya ni Derrick at gustong palaging nakadikit o nakikita siya. Si Derrick din ay napamahal na rin sa bata kaya naman ay todo alaga siya rito. Palagi niyang sinisiguro na palaging busog si Johnny ng mga masusustansiyang pagkain. Siya rin ang nagpapaligo at nagbibihis sa bata. Maging sa pakikipaglaro at pagbabantay sa bata ay wala siyang mintis. Halos hindi sila naghihiwalay sa buong araw sa araw-araw, kahit sa art studio nila ay dinadala pa rin niya ito para mabantayan ito, at para hindi rin mabagot sa bahay kakahintay sa kaniya.
Magkatabi rin sila ng matulog sa kama ni Derrick. Hindi kasi sanay si Johnny na matulog mag-isa. Noong mga araw nga na kailangan ni Derrick ng oras sa sarili niya ay binigyan niya ito ng sariling kuwarto, ngunit dahil palaging takot si Johnny mag-isa ay lagi siyang nakikitulog sa kaniyang kwarto, dahilan para hindi na siya makanood ng p*rn, ngunit inisip na lang niya na mabuti na rin iyon. Blessing in disguise, ika nga nila. Napuno ni Johnny ang espasyo sa kaniyang puso hanggang sa mawalan ng espasyo ang kamunduhan dito.
Makaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa Atelier—isang maliit na art studio na rinerentahan nilang mga pintor. Pagpasok ng pinto ay agad silang nakipagpalitan ng bati sa mga kasamahan niya sa art club.
"Good morning, Ricky," bati ni Amanda.
"Good morning too, Amanda," bati ni Derrick pabalik.
"Tita Amanda!" umalingawngaw ang masiglang boses ni Johnny habang tumatakbo palapit kay Amanda. Pinakawalan niya ni Derrick ang bata at hinayaang lumapit sa kaibigan.
"Baby Johnny!" laking tuwa ni Amanda nang lumitaw si Johnny mula sa likod ni Derrick. Agad siyang tumayo mula sa upuan niya at lumuhod para mayakap ang bata. "Namiss din kita, be."
Yumakap din si Johnny kay Amanda. Mag-iisang linggo mahigit na rin naman na dinadala siya ni Derrick rito kaya kilala at napalapit na rin sila sa isa't isa.
"He misses you too, Amanda. Kanina pa siya tanong ng tanong sa kotse kung dito nga ba kami pupunta."
"Aw, love talaga ako ng baby boy ko," yumakap muli siya sa bata. "Love mo ako, baby, hindi ba?"
"Hey, he's mine," biro ni Derrick at tinawag si Johnny. "You're just Daddy's baby, right, Johnny?"
"Daddy." Tumakbo naman si Johnny pabalik kay Derrick at niyakap ang binti nito.
"See, Amanda?" ngiti ni Derrick habang hinahaplos ang buhok ni Johnny.
"Hala, grabe naman ang daddy ng batang ito! Possessive pala."
"He's my treasure."
Matapos ang maikling kamustahan ay iniwan muna ni Derrick si Johnny kay Amanda habang inaayos at sinet-up na niya ang kaniyang easel at canvass at nagsimulang magsketch. Nakiusap si Derrick ng isang upuan sa isang kasamahan niya at dito pinaupo si Johnny. Sakto lang naman ang taas ng upuan para makita ng bata ang ginagawa ng ama.
"Sit here, love," utos ni Derrick at agad namang tumakbo si Johnny papunta sa kanya at naupo sa upuan.
Nanatili lamang si Johnny na nakaupo't tahimik sa tabi ni Derrick, pinapanood ang bawat kumpas ng kamay at paintbrush niya. Kita ni Derrick ang bagong ningning sa mga mata nito habang pinapanood siya ni Johnny.
"Pwede po nakasakay iyung tao sa elephant?"
"That's a good idea," puri naman ni Derrick kay Johnny, "sige, maglalagay tayo ng nakasakay na tao sa elephant."
Kumumpas muli ang kamay ni Derrick sa canvas upang iguhit nga ang idea ni Johnny. Tuwang-tuwa naman ang batang nang mapagbigyan ang kaniyang hiling. Sinundan ng kaniyang mata ang brush ni Derrick hanggang sa mabuo ang imahe.
"Oo nga, ano? Mas gumanda ang itsura. Thanks for the idea, Johnny."
Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ni Derrick doon sa Atelier, panay ang bati at kaway sa bata kapag napapadaan banda kay Derrick. Buong giliw ding ngumingiti si Johnny pabalik sa kanila na ikinatutuwa naman nila.
Matapos ang isang buong araw sa Atelier ay nagpaalam na si Derrick sa mga kasamahang nitong nagpaiwan roon. Araw-araw na halos kung dalhin ni Derrick si Johnny roon, bukod kasi sa wala nga itong kasama sa bahay ay masaya rin naman ang bata sa pakikipagkaibigan sa mga nandoon, na tuwang-tuwa rin sa kaniya kahit may pagkamahiyain.
Marami pang mga araw na katulad nito ang sumunod sa buhay ng mag-ama. Masaya si Johnny sa tuwing dinadala siya ni Derrick sa Atelier upang makipagkita sa mga kaibigan ng kaniyang ama, tapos gagawa ng mga paintings. Sa pagtatapos ng araw ay madalas diretso uwi lamang sila ng bahay, tapos magkasamang maghahanda ng hapunan at kakain, manonood ng tv o maglalaro hanggang mapagod.
Tinuruan din ni Derrick si Johnny magbasa at magsulat. Dahil hindi alam ni Johnny ang kaniyang apelyido ay ang apelyido na lang ni Derrick na Hale ang idinurugtong niya sa pangalan niya. Tinuruan niya rin ito magbilang, mag-identify ng mga kulay at hugis, at marami pang mga bagay na kailangang malaman at matutunan ng isang bata.
Tuwing nagpipinta o gumuguhit naman si Derrick ay lagi ring nandoon si Johnny sa tabi niya't tahimik na nanonood. Manghang-mangha naman ang bata sa mga obra ni Derrick. Walang masidlan ang kaniyang saya habang pinagmamasdan ang mga pininta ng lalaki na karaniwa'y kalikasan o mga hayop ang subjects na tila nagkakaroon ng buhay sa bawat kumpas ng kamay ni Derrick.
"Daddy, ang ganda po nila!" puri ni Johnny sa ama habang pinapakita niya ang iba pa niyang obra.
"Thank you, John. Mabuti naman at nagustuhan mo ang mga gawa ko, anak. Ito na kasi ang hilig ko mula pa noong highschool ako. Ito na rin ang naging trabaho ko mula pa noong college pa ako." kwento niya sa bata.
Nagpatuloy pa na magtingin ang paslit sa mga paintings ni Derrick. Tuwang-tuwa naman siyang pinagmamasdan ng ama habang nililibot ang buong gallery ni Derrick na para bang isa itong museo. Hindi akalain ni Derrick na makakaranas siya ng ganitong saya sa buhay niya, para bang pakiramdam niya ay kompleto na siya.
Ang mga sumunod na araw ay lumipas ng kay bilis. Ang bahay ni Derrick na dati ay nakakabingi sa katahimikan ay nagkaroon ng kulay at sigla sa pagdating ng isang munting liwanag sa buhay niya—si Johnny.
~•~
Isang hapon at nagdesisyon si Derrick na ipasyal si Johnny sa labas sandali. Sabagay ay hindi masyadong mainit ay namasyal silang dalawa bilang pampalipas oras. Sakto rin ay kailangan din niyang mamili ng mga canvass sa malapit na mall. Binilhan niya ito ng mga coloring books at crayons.
Habang namimili ay bigla naman niyang naalala na huling linggo na pala ng Mayo ngayon, at malapit na ang pasukan. Binilhan din niya ito ng mga bagong gamit tulad ng sapatos at bag na may design na Superman. May mga notebook at lapis naman siya sa bahay na hindi na niya ginagamit kaya hindi na siya bumili pa. Binilhan niya na lamang ito ng dalawang pad paper kasabay ng iba pang gamit.
Pagkatapos bumili ay pinaglaro muna ni Derrick si Johnny sa arcade at ang mga tickets na napanalunan nila ay pinagpalit ni Derrick sa isang teddy bear na labis na ikinatuwa ng paslit.
"This one's for you." Inabot niya ang manika kay Johnny na agad namang tinanggap at ikinatuwa ng bata.
"Salamat po, Daddy," sabi ng bata, medyo nahihiya pa rin kay Derrick.
Hinawi naman ni Derrick ang buhok ng anak. "You're welcome, baby."
Hinawakan ni Derrick si Johnny sa kamay nito at dinala sa isang restaurant para kumain sandali bago umuwi.
Alas singko na nang matapos silang magmall at makabalik sa kotse. Habang naglalakad pabalik doon ay nakakita si Derrick ng isang ampunan na pamilyar sa kaniya. Marahil ay isa ito sa mga natulungan nila noon. Naisipan naman niya na dalawin itong muli kaya sumakay ito sa kotse at nagdrive papunta doon. Pagkapark nito doon ay sinabihan naman niya ang bata na manatili lang sa loob ng kotse.
Pagkalabas ng kotse ay agad na narehistro ang establishimento sa kaniyang alaala. Binasa niya ang pangalan ng establisimyento at naalala niya na isa nga ito sa matulungan noon.
Naglakad siya papasok sa ampunan at nagulat naman siya nang salubungin siya ng isa sa mga tagapangasiwa nito at binati ng buong sigla.
"Sir Derrick?" dinig niya mula sa paligid. Paglingon niya ay nakita niya ang isang payat na lalaki na may magandang ngiti na papalapit sa kaniya.
"Ay, magandang hapon po sa inyo," magiliw na bati niya sa lalaki na staff ng ampunan. Hindi na kataka-takang kilala siya nito marahil isa ito sa nakausap niya noong mga staff ng amga ampunang dinadalaw niya. "Napadaan lang ako rito. Kakagaling lang kasi namin sa mall ng anak ko kanina."
"Oh? May anak na pala kayo, ser."
"Yup," tango ni Derrick, "actually, biglaan nga eh. I never seen myself being a father overnight, but that child came into my way like he was heaven sent."
Masaya pa silang nag-usap at nagkamustahan. Habang sila ay nagtatawanan ay may isang babae na sa tantiya niya ay nasa tatlumpung taong gulang na pumasok sa ampunan.
Hindi nila ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-uusap. Sandali pa ay nagulat silang dalawa nang bigla itong nagsalita at base sa tono ay labis itong nag-aalala.
"Bakit nawawala ang anak ko? Ano'ng nangyari?" usisa niya sa attendant na nandoon, halata sa mukha ang pag-aalala. "Kaya ko nga binigay sa inyo ang anak mo ay para maalagaan niyo siya ng mabuti! Tapos malalaman ko lang na nawawala siya?"
Agad na nabahala ang mga staff ng ampunan kaya agad nilang nilapitan at pinakalma ang babae. Binigyan niya ito ng tubig at pinaupo muna ito sa isang mahabang upuan.
"Kumalma lang po muna kayo, mam. Noong nakaraang mga linggo po kasi ay may mga tumakas na bata. Ewan ko nga rin kung paano nakatakas ang mga iyon, eh may mga nightshift guards naman po kami. Pero po naman kayong mag-alala. Pangako po namin na mahahanap po namin siya sa lalong madaling panahon."
"Aba'y bakit namang tatakas iyon? Imposible naman iyon dahil siya'y isang napakabait na bata."
Patuloy pa rin ang mga tanong ng ginang sa staff ng adoption center. Punong-puno ng pag-aalala ang ginang habang pinapakalma ng staff. Agad naman natukoy ni Derrick ang hinahanap na bata ng ginang sapagkat binanggit nito ang ngalan ni Johnny. Marahan itong lumapit sa lumuluhang babae at pinatahan niya ito ngayon.
"Uhm, excuse me po. Si Juanito Consolacion po ba iyong anak niyo?"
Nagulat naman ang ginang sa mga narinig niya mula sa lalaki. "O-oho, ser. Anak ko nga ho siya."
Tinignan niya muli ang litrato ng nawawalang bata. "Iyon po ba siya?" tumango naman ang ginang.
Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ni Derrick nang makilala at makumpirma niyang ito nga ang batang kasama niya ngayon. "Kasama ko po siya ngayon. Huwag po kayong mag-alala at ligtas po siya." pangako ng lalaki sa ginang.
Nagulat at natuwa naman ang ginang sa sinabi ni Derrick. Agad na napangiti ito at hinawakan ang kamay nito na hindi naman tinutulan ng lalaki.
"T-talaga po?!" gulat at sabay na sabi ng ginang at ng staff ng ampunan. At tumango lang si Derrick. "Salamat sa Diyos kung ganoon nga," para naman itong nabunutan ng tinik sa sinabi ng lalak, ang kaniyang hinagpis ay napalitan ng tuwa.
Nagpakilala silang dalawa sa isa't isa. Patuloy pa silang nag-usap hanggang masabi ni Gina ang dahilan kung bakit niya napagdesisyunang ipaampon ang anak. Nakwento niya ang pagiging marahas nga ng asawa nito, na pati ang bata ay sinsaktan na din. Naawa naman ang lalaki at nagpresentang tumulong para mapakulong ang asawa nito ngunit tumanggi siya sapagka't ayaw na niyang magkagulo pa.
"Maraming salamat po pero hindi na po iyon kailangan. Ang inaalala ko lang ngayon ay ang anak ko. Sana po ay maalagaan niyo po siya ng maayos at ligtas. Iyon lamang ang hiling ko sa iyo," siwalat ni Gina sa kaniya na nagpabigat sa kaniyang kalooban.
Agad na naawa at namangha si Derrick sa pagiging selfless ng ina. Ngumiti na lang ito at binigyan ng isang pangako ang ginang. "Sigurado po kayo? Baka balikan ho kayo ni Johnny ng asawa niyo kung nagkataon?"
Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Gina. "Johnny. Juanito sana ang ipapangalan ko sa kaniya kaso itong lola niya ay nasanay nang Johnny ang ipalayaw sa kaniya, kaya nasanay na rin akong iyon ang itawag sa kaniya."
"Ah, ganoon pala. Magandang pangalan."
"Tungkol naman sa asawa ko, mula nang umalis na ako sa amin ay wala na rin akong balita sa kaniya. Ayaw ko na rin namang idemanda siya para nang wala nang masyadong gulo. Mukha namang wala na rin siyang pakialam sa amin. Ang sa akin lang ay manatiling nasa maayos na kalagayan ang anak ko."
"Huwag po kayong mag-alala. Makakaasa po kayong aalagaan ko siya at ituturing kong akin. At saka sabihin niyo lang po kung mayroon pa akong maitutulong sa inyo. May kilala po akong abogado na makakatulong sa inyo. Ako na rin po ang magbabayad. Ma'am, mali po kasi ang ginagawa ng asawa mo sa iyo at sa anak niyo."
Nagulat naman ang babae sa alok ng lalaki, kaya agad itong tumanggi. "Naku, sobra naman po iyang mga inaalok niyo po, ser. Hindi ko na po iyan kailangan, kaya ko naman po ang sarili ko. Ayoko nang magkaroon pa ng gulo kung idedemanda ko pa ang asawa ko. Ang sa akin na lang ay ang mapabuti ang kapakanan ni Johnny. Iyon na lamang ang tanging hiling ko."
Kahit pa hindi maiwasang mag-alala ni Derrick sa ginang ay hindi na ito mapipilit. Tumango na lang ito ng marahan at ngumiti. "Naiintindihan ko po. Huwag po kayong mahiyang lumapit sa akin kung sakaling may kailangan po kayo. Ituring niyo na akong kaibigan. Tungkol naman po kay Johnny, makakaasa po kayong aalagaan ko pong mabuti ang anak niyo. Ituturing ko siyang aking anak at ibibigay ko lahat ng kailangan niya. Hindi ko rin po kayong pagbabawalang makita't dalawin siya sa bahay."
Nagpatuloy pa ang pag-uusap nila. Nakuwento na ni Gina ang iba pang detalye tungkol kay Johnny, pati contact number niya ay ibinigay din niya. Nakikipagbiruan din sila sa isa't isa para mapagaan ang loob ng isa't isa, lalo na kay Gina. Pagkatapos niyon ay inimbitahan naman ni Derrick na makipagkita siya kay Johnny na hindi naman na niya tinanggihan.
Sinamahan niya si Gina paglabas ng ampunan pabalik sa kaniyang kotse kung nasaan si Johnny. Habang papunta roon ay kinuwento ni Derrick kung paano niya natagpuan si Johnny, sa labas ng mall, nangangalkal sa basurahan.
"Paano naman nangyari iyon, ser?!" hindi makapaniwala ang ginang sa narinig mula kay Derrick.
"Hindi ko rin po alam. Pero ang mahalaga ay ligtas na siya, kasama ko."
"Oo nga ho. Maraming salamat ulit sa inyo talaga ng sobra."
"Don't mention it. Isang biyaya rin si Johnny sa buhay ko."
Binuksan niya ang kotse at naabutan niya si Johnny na kumakain ng chocolate sa loob. Natawa na lamang siya nang makita ang makalat na mukha nito. Agad na kinuha ni Derrick ang kaniyang panyo at pinunasan ang mga pisngi, kamay, at bibig ng bata.
"Anak, ang dumi naman ng pisngi mo!" bumungisngis si Derrick at ang lalim ng boses niya, "Andiyan ang mama mo, love. Gusto kang makita." Pagkasabi nito ay biglang na-excite ang bata at dali-daling bumaba mula sa kotse.
Hinawakan ni Derrick ang kamay ng bata at inalalayan ito sa pagbaba. Agad naman nito nakita ang ina at tumakbo papalapit dito na bahagyang nagpagulat kay Derrick. Maluha-luha namang tinanggap ni Gina ang anak sa kaniyang yakap at hinalikan sa noo.
"Nanay!" iyak ni Johnny sa balikat ng ina. Magkayakap pa rin ang dalawa habang si Derrick ay nasa may kotse at nakatanaw lang sa dalawa. Puno ng ligaya ang puso nito habang pinagmamasdan ang mag-ina na magkausap. Iniwan niya muna ito at bumalik sa ampunan para kunin ang mga papeles ni Johnny para opisyal na niya siyang maampon.
"Anak ko," hagulhol ni Gina habang kayakap si Johnny. "Ikaw talaga pinag-alala mo ako! Bakit mo namang naisipang tumakas? Nakapadelikado ng ginawa mong iyon, anak!"
Hindi naman nakapagsalita ang bata. Niyakap na lang siya ng ina ng mahigpit. "Buti na lang isang mabuting tao ang nakahanap sa iyo. Hinding-hindi ko talaga kakayanin ang mawala ka."
"Thank you, miss." Nakalabas na si Derrick matapos niyang makuha ang mga dokumento at napansin niyang madilim na kaya lumabas na ito. Nakita niyang nag-uusap pa ang dalawang mag-ina kaya naghintay na lamang muna siya sa kaniyang kotse. Napansin naman ni Gina na wala na ang araw sa langit. Labag man sa kaniyang kalooban ay tumayo na siya at nagpaalam sa anak.
Yumakap naman ulit ang bata sa ina at umiyak. "Nanay, sama ka na lang sa amin ni Daddy. Mabait naman po siya kaya papayagan niya tayo."
"Naku, anak, eh kahit gustuhin ko man ay hindi pwede." paliwanag ng ina sa anak. "Marami akong inaasikaso."
Hinayaan muna ni Derrick na mag-usap ang mag-ina at nanatili sa tabi ng kaniyang kotse. Tinignan ni Derrick ang kaniyang relo at 5:48 na ng hapon. Gusto na niya sanang tawagin ang anak upang makauwi na pero nahihiya siyang tawagin ito. Napansin naman rin ni Gina na madilim na nga. Nginitian niya si Derrick sa likod ni Johnny, senyas na papakawalan na nito ang binata. Agad namang lumapit ang lalaki sa kanila at hinawakan ang kamay ng bata.
"Johnny, anak, halika na. Madilim na. Magluluto pa ako ng hapunan natin," mahinahon niyang pagtawag ni Derrick mula sa likod nila.
Labag man sa kalooban ni Gina ay wala itong magagawa. Pinakawalan niya ang anak at tumayo na. "Sige na, tawag ka na ng Daddy mo, anak. Kailangan ko na rin kasi umuwi't marami pa akong aasikasuhin," pagkasabi nito ay hinalikan niya ang anak sa noo. "Magpakabait ka sa kaniya, anak ha?" bilin nito sa anak bago ito tuluyang pakawalan mula sa yakap nito.
Lumakad na rin ang bata at bumalik sa kaniyang ama. Si Derrick naman ay lumapit at inutusan na pumasok na si Johnny sa kotse at hintayin siya doon.
"Salamat hong muli sa pagkupkop niyo sa anak ko, sir. Habangbuhay ko ho itong tatanawing utang na loob sa inyo."
"Masaya rin naman po akong makatulong kay Johnny. Napasaya rin po niya ako."
"Ganiyan talaga ang batang iyan, napapasaya ang kahit sino."
Ngumiti si Derrick. Nagpatuloy pa ang kanilang pag-uusap habang kinukwento ni Gina. Nakinig naman si Derrick. Nilahad ni Gina muli ang mga dahilan kung bakit humantong sa pagpapaampon kay Johnny ang kaniyang naging desisyon, at inintindi ito no Derrick.
Matapos ang maikling kuwentuhan nila ay nagpaalam na si Derrick kay Gina sapagkat napansin na niyan madilim ang paligid. Saka niya ang kaniyang wallet.
"Huwag po kayong mag-alinlangang tawagin ako kapag may kailangan kayo o gusto mong makausap o dalawin si Johnny. Hindi ko po siya ipagdadamot sa inyo. My house is always open for you." bilin niya. Dumukot siya ng 3,000 mula wallet at ibinigay ito kay Gina kasabay ng isang calling card. Inunahan niya rin niya si Gina na tulong niya na raw ito sa kaniya at nagbiro pang bawal siyang tanggihan. May alinlangan man ay napilitan na rin tanggapin ni Gina ang pera at nagpasalamat bago ito iwan ni Derrick at bumalik na sa kaniyang kotse kasama si Johnny.
"Sige na po, Ate Gina, uuwi na po kami. Mag-ingat po kayo," paalam ng lalaki habang papalakad pabalik sa kaniyang kotse.
"Sige po, ser. Salamat po sa tulong niyo. Mag-ingat din po kayo pauwi," paalam ng naiwan na babae. Masakit man para kay Gina ang pagkawalay niya sa kaniyang anak ay masaya naman ito na malaman na mayroon nang mag-aalaga at magmamahal sa kaniyang pinakamamahal at nag-iisang anak na si Johnny.
*****
Tahimik ang buong biyahe pauwi sapagkat nakatulog na si Johnny sapagkat napagod ito sa buong hapon ng pamamasyal. Si Derrick naman ay tahimik din habang nagmamaneho pauwi dahil ang daming gumugulo sa isip niya. Hindi inakala ni Derrick na ganoon pala ang sinapit ng bata, na ganoong kasaklap ang naranasan ni Johnny sa murang edad, sa kamay pa mismo ng kaniyang ama.
"Hay," singhal niya habang iniisip ang mga sinabi ni Gina sa kaniya. Talagang nadurog ang puso niya sa bigat ng napagdaanan ni Johnny. Sa isip niya ay hindi dapat ganito ang nararanasan ng kahit sinong bata, lalong lalo na ng isang mabuting bata na katulad ni Johnny.
Habang nasa biyahe ay pasulyap-sulyap siya sa katabi, tinitingnan kung ayos lang ba ito. Tulog naman ito, yakap-yakap pa rin ang Teddy bear na binili niya para sa kaniya, kaya kahit paano'y napapanatag siya.
Binalik niya ang tingin niya sa kalsadang mistulang isang dagat ng mga ilaw dahil sa dami ng kotseng nagpapaliwanagan ng tail lights. Pabalik-balik ang tingin ni Derrick sa batang nahihimbing at sa kalsada.
"I promise you, Johnny, you'll never experience that cruel of a life ever again. I'll give you the life that you deserve. I protect you from everything that will hurt you as long as I can, even if it'll cost my life," bulong niya sa sarili habang binabagtas ang mahabang daan pauwi.
Nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho pauwi, ang maliwanag na buwan sa ibabaw nila ang nagsisilbing tanglaw niya sa madilim na kalsada. Nahihimbing pa rin ang bata sa tabi niya. Kahit paano ay napapanatag naman ang kaniyang loob dahil tahimik nga na natutulog sa upuan.
Sa wakas ay nakauwi rin sila matapos ng ilang ninuto. Sandaling bumaba si Derrick upang buksan ang garahe upang maiparada niya ang sasakyan sa loob. Binuhat niya ang tulog na bata ng dahan-dahan at inihiga ang ulo nito sa kaniyang balikat. Sa kabila naman niyang braso ay bitbit niya ang mga bagay ng pinamili nila.
Dahil nakakain naman na sila sa labas ay hindi na nag-abala pang magluto si Derrick. Nag-iba kasi ang isip niya kanina at nagdesisyong kumain na lang sila sa isang restaurant pauwi. Dalawang chicken thighs lang at spaghetti amg inorder niya para sa kanilang dalawa, kasama na rin ang dalawang medium-sized iced tea na hindi naman nila naubos pareho.
Pagkapasok ng bahay ay dinala niya si Johnny paakyat sa kanilang kuwarto at inihiga ng maayos sa kama. Pagkagawi ay nagpahinga muna sandali si Derrick bago maligo.
Nang makapagbihis na ay hinanap niya ang kaniyang bag at mula rito ay kinuha niya ang envelope na naglalaman ng mga papeles ng bata at naupo sa kaniyang study table. Isa-isa niyang binasa ang mga ito upang makilala niya ang batang ngayon ay kaniyang pamilya.
"Juanito Peralta Consolacion, birthday niya, July 7, 1989; Birthplace, Manila.." mga bulong niya sa sarili habang binabasa ang birth certificate ng bata. Tinignan niya pa ang iba pang information bago ito ibalik sa envelope at itabi sa bookshelf niya malapit sa study table.
Habang inaayos niya ang mga papeles ay parang wala sa sa sarili si Derrick. Puno ang kaniyang isipan sa dami ng nangyari ngayong araw, lalo na ang pag-uusap nila ng ina ni Johnny na si Gina. Napabalik lamang siya sa realidad nang biglang gumalaw si Johnny habang tulog at nahulog ang isa niyang unan. Napansin naman niya ito kaya lumapit para kunin ito. Napatingin siya sa orasan at nagulat siya na alas diyes na pala ng gabi. Noon ay bigla niyang naramdaman ang pagod mula sa buong araw.
Napabuntung-hininga na lamang siya ay tumabi na rin sa anak. Nadama yata ng bata ang presensya ng ama kaya dumantay ito sa katawan ng ama. Dama ni Derrick ang init ng pisngi ng bata sa kaniyang braso. Umayos na ito ng pagkakahiga at ipinaunan ang isang braso sa bata sabay ipinulupot ang braso nito sa katawan ng anak na para bang prinoprotektahan niya ito mula sa lahat ng pwedeng manakit sa kaniya.
Kitang kita ni Derrick ang maliit nitong labi na nakangiti, malarosas ang kulay ng mga pisngi nito na medyo tumaba na rin ng kaunti. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito hanggang sa makatulog itong muli, hanggang bumaba ang palad niya sa malambot na pisngi ng bata.
Nang makita nito ang mga mata ni Derrick ay napangiti ito at lalo pang yumakap sa lalaki.
"Sorry. Have I woke you up?"
Binuhat ni Derrick ang bata at pinaibabaw sa katawan niya. Niyakap niya ito ng isang braso na sakop na ang buo niyang baywang.
"Masaya ka ba sa araw natin ngayon?" bulong ni Derrick sa noo ng anak. Nakabalot pa rin ang malalaki niyang mga braso sa katawan ng maliit na bata.
Tumango naman si Johnny at ngumiti ng matamis na agad na nagpatunaw sa puso ni Derrick. "Glad you had." Bahagya pang hinigpitan ni Derrick ang yakap nito sa bata na naging dahilan upang dumikit at sumiksik ang mukha nito sa kaniyang maskuladong dibdib. "Good night, baby."
Humigpit naman ulit ang yakap ni Derrick sa katawan ng bata, na nagmukhang maliit na manika kung ikukumpara sa kaniyang maskuladong bulto. Halos kayang itago ni Derrick nang buo si Johnny sa mga bisig niya.
"Andito lang si Daddy, anak," bulong niya bago tuluyang matalo ng antok, "from now on, I'll be here for you. Hindi ka na mag-iisa pang muli at wala nang mananakit sa iyo, pangako."
Nakatulog ang dalawa ng mahimbing sa piling ng isa't isa. Nakagapos pa rin ang mga braso ni Derrick palibot sa maliit na bata, ang higpit at init ng yakap niya ay nagpapanatag sa kalooban ng bata.