8: Smile

1323 Words
I blinked a few times before I finally opened my eyes. My head hurts and I still feel it since yesterday. Napakarami kong inasikasong mga documents kahapon and I think it is the reason why my head hurts. Tamad akong bumangon mula sa aking higaan sabay hikab. Lumabas na ako ng aking kuwarto at naabutan ko si Dad na paalis palang. "Where are you going Dad?" I asked while walking towards him. He smiled. "To the place where your Mom and I used to go." Tumango na lang ako at saka nagtungo na sa kusina. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Mom ay nagiging matamlay bigla si Dad. I know that he loves her so much. I am amazed by their love story because Mom is my Dad's first love and Dad is my Mom's first love. Kahit kailan ay hindi sila tumingin sa iba dahil sobrang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Ni hindi ko sila nakita o narinig na nag-away tungkol sa kanilang mga kaibigang babae o lalaki. "Sir Val kumain na po kayo. Nakahanda na po ang almusal niyo," Nanay Lora said while washing the dishes. Tipid akong ngumiti at saka nagtungo na sa lamesa. Marahan ang kilos kong kumuha ng aking pagkain. I sighed. My Mom used to prepare my breakfast tuwing papasok ako sa trabaho. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil bigla akong nakaramdam ng sobrang lungkot. I really miss her. I really miss my Mom. Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Ang bigat ng pakiramdam ko. Para akong lalagnatin na hindi ko alam. Masakit pa ang ulo. Siguro sa dami ko ring inasikaso talaga ito kahapon. Biglang pumasok sa isipan ko si Adora. Kumusta na kaya ang babaeng 'yon? Natatawa talaga ako sa kaniya. Puro siya kapalpakan. Malayong-malayo siya sa mga naging babae ko. Hindi siya mahinhin kumilos. Magaslaw. Hindi siya matalino. Tanga siya. Hindi siya mahiyain. Makapal ang mukha niya. May pagkababoy pa minsan. Pero masipag siya at mapagmahal sa pamilya niya. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Nanay Lora na naglalampaso ng sahig. "Nay, pakisabi sa iba pang kasambahay dito na puwede silang magpahinga mamayang hapon. Doon lang muna sila sa silid nila. Pati na rin kayo. Papupuntahin ko si Adora rito para paglinisin bilang ganti ko sa kaniya sa pagpapainom sa akin ng maalat na kape." Tumigil sa kaniyang ginagawa si Nanay Lora. "Alam mo, natutuwa ako sa batang iyon. Kahit na ganoon siya... siguro kaya siya nagkakamali ay dahil natataranta siya. Masipag siyang bata. Isipin mo 'yon, hindi niya ninais pang mag-aral dahil gusto niya na ang mga kapatid na lang niya ang magtapos." "Iyong mga babaeng kagaya ni Adora ang masarap maging asawa. Siguradong pagsisilbihan ka habambuhay. Hindi maarte. Mukhang maalam din siya sa lahat. Dapat ganoon ang mga babaeng hinahanap mo Val. Hindi 'yong mayayaman lang ngunit wala namang alam kun'di ang magpaganda. Kun'di ang umasa sa pera ng kanilang magulang." "Opo masarap ngang asawahin ang ganiyang klaseng babae pero hindi lang naman ako basta-bastang tao. May pangalan ako. Mayaman akong tao. Ano na lang ang iisipin nila kung ang mapapangasawa ko ay isang mababang klase ng babae?" Sumeryoso ang mukha niya na tila ba hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. But I'm just stating the fact. I'm a billionaire. I'm not just like other men out there. I'm rich. What if she was just going to use me for her personal interest? Just like she's gonna use my money then leave me when she gets what she wants from me? And she is not a well educated person. Wala siyang tinapos. It is a shame for me to have a wife like her na walang alam sa maraming bagay. "Sobra ka naman kung magsalita sa mga katulad niya. Talagang estado sa buhay ang mahalaga sa iyo? Hindi ang taong makatutulong sa iyo sa hirap at ginhawa kahit na siya ay walang yaman na katulad mo?" Ilang segundo akong natahimik. "Aalis na po ako Nay Lora. 'Yong bilin ko po pasunod na lang." Bumuntong-hininga siya. "Oo sige Val. Ingat." Kaagad akong nagtungo sa aking sasakyan dahil pupuntahan ko na lamang ang babaeng 'yon. Pinaandar ko na ang aking sasakyan at nagmaneho ng may katamtamang bilis nang takbo. Naabutan kong abala sa pagbebenta ng kaniyang mga gulay si Adora. Itinabi ko ang sasakyan ko sa may gilid at pagkatapos ay bumaba na. Naglakad na ako patungo sa kinaroroonan niya at pasimpleng puwesto sa kaniyang likuran. "Salamat po Ate sa pagbili ng paninda kung talong!" aniya kasabay ng malawak niyang ngiti sa labi. Hindi niya ako napansin sa kaniyang likuran. Nakasuot ako ng sumbrero at facemask para hindi niya ako kaagad makilala. "Adora, chocolate para sa iyo." Inabot sa kaniya ni Rhian ang dala nitong chocolate. Tiningnan ni Adora ang hawak niyang chocolate sabay baling kay Rhian. "Saan ito galing? Binili mo?" Umiling si Rhian. "Hindi. Pinadala lang sa akin 'yan. Huwag ka na magtanong pa! Kainin mo na lang okay?" Ngumisi si Adora. "Talaga? Sino ang nagpadala sa iyo? Iyon bang kalandian mong ibang lahi? Ikaw ha! May pa-chocolate ka!" Pinanlakihan siya ng mata ni Rhian. "Hoy! Manahimik ka nga! Anong ibang lahi ka riyan? Gaga! Kasama 'yan sa padala ni Tita ko." "Ah okay. Sorry mali ko." Tumango-tango si Adora sabay kain ng hawak niyang chocolate. Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Nanlaki ang mga mata nila nang tanggalin ko ang suot kong facemask at sumbrero. "Val?" ani Rhian. "Vulvol?" sabi ni Adora. Nangunot ang noo ko. "What did you say?" Kumamot ng ulo si Adora. "Wala! Bakit ka pala nandito? Bibili ka ng talong ko?" "Hindi." "Dahil mayroon akong talong na kagaya ng paninda mo. Buhay nga lang," mahinang sabi ko sabay iwas nang tingin sa kaniya. Naningkit ang mata niya. "Ha? Anong sabi mo? May sinasabi ka ba?" "Wala. Anyways, magsara ka na muna. Pumunta ako rito para sunduin ka. May ipagagawa ako sa iyo." "Ay ang taray! May pagsundong nagaganap!" sabat ni Rhian sabay hampas sa braso ni Adora. Napangiwi ito. "Sige maiwan ko na muna kayo dahil baka mamaya marami ng tao sa puwesto ko! Bye Adora! Bye guwapong Val!" Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang naglakad palayo. Binalingan ko si Adora na masama ang tingin sa akin. "Hoy Val Vulvol, anong pinagsasabi mo? Kita mong abala ako sa pagtitinda rito distorbo ka. Kailangan kong makabenta ng marami dahil may babayaran ako." Kunot-noong sabi niya. "I'm going to pay you. Doble. May sakit kasi 'yong mga kasambahay namin. Pinagpahinga ko muna. Don't worry, mas malaki ang pera mong makukuha sa akin. Simple lang ang iuutos ko sa iyo kaya sana huwag ka nang pumalpak pa." Sumeryoso ang kaniyang mukha sabay titig sa akin. Sa tingin ko ay nag-iisip siya kung susundin niya ba ako. Napahilamos siya ng kaniyang mukha. "I'll wait for you. Puntahan mo na lang ako sa sasakyan," saad ko sabay turo sa sasakyan kong naka-park sa gilid na nakatapat sa puwesto niya. Naglakad na ako patungo sa sasakyan ko. Kaaagad akong pumasok doon at tiningnan siya mula rito. Napapikit siya sabay sabunot sa kaniyang sarili. Mabilis siyang kumilos. Niligpit niya ang kaniyang paninda. Isinara niya ang maliit niyang puwesto at pagkatapos ay naglakad na patungo sa kinaroroonan ko. Bago siya tuluyang pumasok ay nilamon niya muna ang hawak niyang chocolate. "Napakatakaw talaga.." Pumasok na siya sa loob. "Mabuti naman sumunod ka. Dahil diyan, mas malaki ang ibibigay ko sa iyo. Basta ayusin mo lang ang kilos mo. Iwasan mo na ang pagiging tanga mo. Nakasasawa na. Mahiya ka naman sa akin." Nanlaki ang mata niya. "Sigurado ka? Malaki ang ibibigay mo?" Tumango ako. "Oo. Basta't huwag kang tanga utusan." "Yes!" She smiled widely. I can't help but laugh. Natatawa ako sa itsura niya ngayon. "Bakit? Anong nakatatawa?" inosenteng tanong niya. Napahawak ako sa bibig ko bago tuluyang tumigil sa pagtawa. "Ang lawak pa ng ngiti mo. Puno ng chocolate 'yang mga ngipin mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD