Malakas na tawa ang pinakawalan ni Rhian matapos kong ikuwento sa kaniya ang kapalpakang nagawa ko na naman kay Val. Halos manghina na siya katatawa. Sumimangot ako.
"Alam mo Adora? Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa iyo. Nakatatanga ba talaga ang kaguwapuhan ni Val? Oo medyo tanga ka na nga dati pero mas naging tanga ka pa ngayon."
Mahina ko siyang hinampas sa braso. Natawa lang siya. "Grabe ka naman sa akin Rhian. Kasalanan ko ba kung hindi ko alam na iodized salt 'yon? Hindi ko naman kasi talaga alam dahil walang label ang mga tupperware. At saka hindi ko naman gusto na maging maalat ang kape ni Val."
Huminga siya ng malalim. "Ay naku Adora! Kung hindi ka sigurado at hindi mo alam kung asukal ba iyon o hindi, puwede mo kasing tikman ito. At saka hindi mo ba alam na may sugar cubes?"
Umiling ako. "Hindi. Kung alam ko lang talaga."
Humawak siya sa kaniyang sintido sabay iling. "Bahala ka riyan Adora! Babalik muna ako sa puwesto ko. Sumasakit ang ulo ko sa iyo." Tumayo na siya at saka naglakad palayo.
Napanguso na lang ako. Ano bang magagawa ko kung hindi ko naman alam na may sugar cubes? Ang dami kasing arte ng Val Vulvol na 'yan! May pa-sugar cubes pang nalalaman!
Mabilis na lumipas ang maghapon. Gabi na naman. Mabuti na lang marami akong naibentang gulay lalo na ang pinakamamahal ng lahat ng mamimili rito. Ang mahahaba at matatabang talong na paninda ko.
"Nag-message sa akin si Aling Bernadette. Punta raw tayo ngayon sa bahay nila Val."
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong gagawin natin doon? Bakit kailangan pang pumunta roon?"
"May pahanda kasi si Mr. Albert. Death anniversary kasi ni Mrs. Ford. Wala masyadong tao roon dahil tanging mga kasambahay, tauhan at silang dalawa lang ni Val ang naroroon. Gusto ni Mr. Albert na magpunta raw tayong dalawa."
Napangiwi ako sabay kamot ng ulo. Magkikita na naman kami ng lalaking 'yon. Hindi na ako natutuwa sa pagdalas ng pagkikita namin. Medyo hindi na kasi ako natutuwa dahil marami akong nagiging kapalpakan sa kaniya. Baka mamaya magalit na siya sa akin at bigla na lamang akong masapak.
Nakangiti kaming sinalubong ni Mr. Albert. Gumanti na lang ako ng ngiti. Nabaling ang tingin ko kay Val na abala sa pangangalikot ng kaniyang cellphone.
"H-hi Vul..."
"Hi."
"What?" Nakaarko ang kilay niyang tumingin sa akin.
"Sabi ko Val." Peke ko siyang nginitian. Napailing na lang siya.
Nakakainis! Bakit pa kasi kailangang pumunta kami rito? Kung hindi lang talaga sinabi ni Mr. Albert ay hindi kami pupunta rito.
Nagkaroon ng padasal sa harap ng litrato ni Mrs. Ford. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Marami rin pala silang kasambahay. Sabagay malaki ba naman ang bahay nila. Panigurado hindi kakayanin ng isa lang ang maglilinis dahil siguradong pagod ito. May tatlo rin silang driver na naririto.
"Kumain lang kayo at huwat kayong mahihiya, okay? Tayo lang ang naririto kaya kainin niyo lahat ng gusto niyo," ani Mr. Ford sabay subo ng kaniyang pagkain.
Pasimple akong siniko ni Rhian. "Hoy Adora, umayos ka."
Kumunot ang noo ko. "Ha? Paanong umayos?" Nilagok ko ang tubig na nasa harapan ko at saka muling sumubo ng pagkain.
Grabe. Ang sarap talaga ng pagkain dito!
"Huwag kang kumain ng marami dahil baka mamaya sumabog na naman ang tae mo."
"Hindi naman madami. Tama lang."
Inirapan niya ako. "Huwag ka ngang sinungaling diyan. Kanina pa kita pinagmamasdan talaga. Nakakaapat na kanin ka na. Tama na 'yan! Pumapak ka na lang ng mga ulam."
Ngumuso ako. "Ha? Pero kasi hindi pa ako busog. At saka hindi ka ba nasasarapan sa pagkaing nasa harapan natin? Ang sarap kaya."
Sinamaan niya ako nang tingin kasabay ng pasimpleng pagkurot sa aking braso.
"Aray ko naman. Bakit ka ba nangungurot diyan?"
"Tama na nga sabi 'yan. Hindi ka ba nahihiya sa kapalpakan mo no'ng nakaraang araw? Sumabog lang naman ang tae mo sa harapan mismo ni Val! Hindi ka ba nahihiya no'n? Baka mamaya mapatae ka na naman diyan."
Napairap na lang ako. Pinagmasdan ko ang kakaunting kanin na nasa harapan ko. Nakakainis. Gusto ko pang kumain talaga. Hindi naman kasi ako malakas sa ulam. Malakas akong kumain ng kanin. Mas okay nga lang sa akin na kakaunti lang ang ulam basta maraming kanin. Mas mabubusog ako roon.
Matapos naming kumain ay tumulong ako sa pagliligpit. Tutulong pa nga sana akong maghugas ng plato ngunit hindi pumayag ang mga kasambahay dito dahil trabaho raw nila ito. Naisipan ko na lamang na magpahangin sa labas.
"Mabuti nagpunta kayong magkaibigan dito." Nagulat ako nang biglang may magsalita sa aking likuran. Si Mr. Albert pala.
"Ay Sir. Opo salamat sa pag-imbita." Napakamot ako ng ulo sabay ngiti ng alanganin.
Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Rhian. Nandito rin siya sa labas nakikipagharutan sa binatang driver. May paghampas-hampas pa ito sa braso ng binata sabay tawa ng maharot. Nadako ang mata niya sa akin nang mapansin niyang nakatitig ako. Ang pasaway na bakla ay dinilaan lang ako!
Panigurado niyaya na naman niya 'yan sa isang ritrual. Ang pagkain ng mga talong nito! Naku Rhian! Sinasayang niya lang ang mga pera niya sa lalaki. Lolokohin lang naman siya ng mga ito.
"Balita ko, napakasipag mo raw na anak. Ikaw ang laging nasa palengke para maibenta ang paninda niyong gulay. Ata kaya ka rin hindi nakapagtapos ay dahil mas pinili mo na mga kapatid mo na lang ang makapagtapos. Totoo ba 'yon Adora?"
Tumango ako. "Opo Sir. Ayos lang naman sa akin kung highschool lang ang inabot ko. Masaya na ako kahit papaano nakapag-aral ako. Ang importante ay makapagtapos ang mga kapatid ko."
"Tama iyan. Napakabait mo namang kapatid. Sana tama ang nakikita ko ngayon."
Nangunot ang noo ko. "Nakikita niyo po?"
Nginitian niya ako. Anong nakikita niya? Sa akin lang naman siya nakatingin.
"Yes Adora. Nakikita ko na ikaw ang magiging asawa ng anak kong si Val."
Nanlaki ang mata ko. "Po?! Ano pong magiging asawa?"
"Yes. Isang taon na lang, thirty years old na ang anak ko. Pinangako niya sa kaniyang ina na bago siya umabot sa ganoong edad ay mag-aasawa na siya. Hindi niya kasi kaagad nahanap ang babaeng mamahalin niyo noong buhay pa ang aking asawa."
Napakamot ako ng ulo. Ano ba itong pinagsasabi ni Mr. Albert? May toyo yata siya ngayon. Anong asawa ang pinagsasabi niya? Wala sa plano ko ang mag-asawa dahil marami pa akong kailangang gawin sa buhay. At saka hindi madaling mag-asawa. Hindi naman porke guwapo si Val puwede na. Hindi naman porke mayaman si Val puwede na. Hindi naman porke maganda ang pangangatawan ni Val puwede na.
Hindi naman porke mataba at mahaba ang talong ni Val ay puwede na.
Kailangang makita ko muna ang kung kasing taba at haba ba ito ng talong na paninda ko.
Ay punyeta! Ano ba itong pinag-iisip ko? Masyadong mahalay! Kasalanan ito ni Rhian!
"Bakit Adora? Anong nangyayari sa iyo? Bakit mo sinasampal ang sarili mo?" Bakas sa boses ni Mr. Albert ang pag-aalala. Napangiwi ako.
"W-wala po Sir. M-may naisip lang ako na kalokohan na hindi ko dapat iniisip."
"Ganoon ba? Huwag mo na lang isipin at itigil mo ang pagsampal mo sa iyong sarili dahil masasaktan ka lang."
"Opo Sir."
Biglang tumunog ang cellphone ni Mr. Albert. "Maiwan na muna kita Adora. Salamat sa pagpunta niyong magkaibigan dito."
"Sige po Sir. Salamat din po." Kaagad na siyang naglakad palayo kasabay ng pagsagot niya sa tumawag sa kaniya.
Tiningnan ko si Rhian na nakayakap na sa binatang driver. Napakahaliparot talaga!
"Anong pinag-uusapan niyo ni Dad?" Napalingon ako sa aking likuran.
Nakapamulsang naglakad patungo sa akin si Val. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Wala naman. Sinabi niya lang na masipag ako."
Tumaas ang kilay niya. "Talaga lang ha? Sure ka na iyon lang? Baka mamaya may iba pa?"
Sinamaan ko siya nang tingin. "Baliw ka ba? Magtatanong ka tapos hindi ka naman naniniwala. Tanga mo. Tanong mo pa sa Papa mo kung ano pinag-usapan namin."
Tumawa siya. "Wow! Biglang nagalit. I'm just asking. By the way, bakit napapadalas ka rito?"
"Hindi ko nga rin alam ang sagot diyan. At saka si Papa mo naman ang gustong pumunta kami rito ni Rhian. Wala akong planong magpunta rito."
"Pero nandito ka na."
Inirapan ko siya. "Ay wala. Wala ako dito. Hindi talaga ako si Adora. Ako si Dora. Ang kambal ni Adora. Ano? Masaya ka na?" inis na sabi ko sabay irap sa kaniya.
Humagalpak siya ng tawa. "So you're Dora, huh? Where's Adora by the way?"
Halos umusok ang ilong ko sa inis. "Alam mo, nakakainis ka na."
"Bakit? Bakit ka naiinis sa akin Dora? Nasaan na ba si Adora? Naiinis din ako sa babaeng 'yon. Puro kapalpakan lang ang pinaggagawa. Tanga-tanga kahit kailan."
"Mas tanga ka! Vulvol!"
"What?"
"Sabi ko Vulvol ka! Hindi bagay sa iyo ang pangalang Val dahil mukha kang Vulvol na malago ang sarap mong ahitin nang mawala ka na!"
Mapangloko siyang ngumisi. "Bakit? Gusto mo bang ahitin ang bulbol ko?"