9: Chicken Wings

1312 Words
"Samahan mo ako, may bibilhin lang ako." Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa tabi at pagkatapos ay bumaba na siya. Sumunod naman ako sa kaniya. "Anong bibilhin mo?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami. "Pagkain. I want some chicken wings." Itinuro niya ang nasa tapat namin na kainan. May katamtamang laki lamang ang kainan na ito. Sa picture pa lang tingin ko mukhang masarap na ang pagkain dito. "Kainis nga lang dahil wala silang maayos na parking. Maliit lang kasi ang store nila kaya wala. Masarap ang chicken wings nila kaya dinarayo talaga ito. Halika na tumawid na tayo." "Ay teka lang!" Pigil ko sa kaniya. Taka siyang tumingin sa akin. "Bakit? Ano na naman ang problema mo?" Nakaarkong kilay na tanong niya sa akin. Peke akong ngumiti. "Doon tayo tumawid. Huwag dito," saad ko sabay turo sa parte ng kalsada na gusto kong tawiran. "Bakit? Lalayo ka pa nasa harapan na natin itong bibilhan ko ng pagkain. Ano na naman 'yang katangahan na gagawin mo?" inis na wika niya. "Ayoko kasing tumawid diyan dahil may pediatrician lane naman doon. Dapat doon tayo tatawad para kung sakali na mabangga tayo, may bayad tayo kasi doon tayo tumawid," sabi ko sabay kamot sa ulo. Nagulat ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa na para bang wala ng bukas. Nangasim ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Anong nangyari sa kaniya? Nabaliw na ba siyang bigla? Bakit siya natatawa sa sinabi ko? May mali ba sa sinabi ko? "Bakit? Baliw ka na? Anong nakatatawa? Walang nakatatawa sa sinabi ko. Nagiging praktikal lang ako. Sa pediatrician lane tayo dapat tumawid dahil may bayad doon kapag nabangga ka. Mahirap na mabangga ng walang bayad lalo na't mahal ang bayad sa ospital kaya halika na tumawid na tayo ro'n." Muli pa siyang tumawa ng malakas. Naiinis na ako sa kaniya. "Anong sabi mo? Inulit mo pa!" "Ang ano ba? Ang alin!" inis na tanong ko sa kaniya. "Hay naku Dora or Adora or whatsoever kung sino ka mang babae ka. Tanga-tanga ka talaga kahit kailan!" aniya habang nakahawak sa tiyan niya. "Ang sakit mo namang magsalita!" Inirapan ko siya. Ang kapal naman ng mukha niyang pagsabihan ako ng tanga. Oo alam ko naman na nagkakamali ako pero hindi ako tangang tao. Nagkamali lang talaga ako. "Tanga ka nga kasi. Anong pediatrician lane? Tanga pedestrian lane 'yon! Ewan ko sa iyo!" Naiwan akong nakatulala. Sinundan ko siya nang tingin habang naglalakad patungo sa pediatrician lane na sinasabi ko. "Mas tanga ka! Magkatunog naman silang dalawa kaya parehas lang 'yon!" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad na rin akong nakasunod sa kaniya. MATAPOS NAMING BUMILI ng chicken wings niya ay nagtungo na kami sa bahay nila. Tahimik nga sa bahay nila. Wala ngang mga kasambahay. "Kumain muna tayo. Later papalinis ko sa ito ang kuwarto ko. Ayusin mo ang paglilinis. Sana huwag ka na maging tanga pa," sabi niya at saka nagtungo sa kusina dala ang pagkaing binili niya. Napairap na lang ako sa hangin. "Ang kapal ng mukha nitong Vulvol na 'to," mahinang sambit ko habang nakasimangot na nakatingin sa kaniya. Pinagmasdan ko siya habang abala sa paglalagay sa plato ng dala niyang chicken wings. May parte sa akin na naaawa sa kaniya dahil alam ko ang pakiramdam na mawalan ng taong pinakamamahal sa buhay. Siguro sobrang miss na niya ang kaniyang ina. Pati ang Dad niya, parehas silang dalawa. Nakita ko kasi ang lungkot sa mukha nila noong ginunita nila ang pagkamatay ni Mrs. Ford. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit masungit siya. Wala na kasing nagpapakalma sa kaniya. At isa pa, lagi rin siyang babad sa trabaho. Buti hindi nasisira ang ulo niya? Baka kasi kung ako iyon, wasak na ang utak ko. "Huwag mo ako masyadong titigan dahil baka mahulog ka. Sorry pero hindi ko sasaluhin ang kagaya mong tanga." Napanganga ako sabay lunok. Nag-init ang aking pisngi. Hindi ko namalayan na matagal din pala akong nakatitig sa kaniya. "Siraulo! Vulvol ka talaga! Hindi ikaw ang tinitingnan ko kun'di 'yang chicken wings dahil nagugutom na ako. Ang bagal mong kumilos." Tinalikuran ko siya at saka pabagsak na naupo sa sala. "Nakakainis talaga," mahinang sabi ko sabay sabunot sa aking sarili. "Wow ha. Pasensya ka na kung mabagal akong maghanda ng kakainin natin. Hindi ko naman kasi ito gawain at isa pa ako ang amo rito kaya masuwerte ka dahil ako ang naghahanda ng pagkain natin." "Whatever you say I don't care you. Do it or no do it I don't care!" sigaw ko sa kaniya. Bigla siyang tumawa. "Puwede bang last na pagsasalita mo na 'yan ng English? Mali-mali 'yang pinagsasabi mo. Baka akala mo tama 'yang mga pinagsasabi mo." Sa inis ko ay tumayo ako at saka lumapit sa kaniya. Pakialam niya ba kung mali-mali ang grammar ko? At least 'di ba marunong akong magsalita ng English kahit na wrong grammar kung minsan? "I don't care what you say to me at least I know how to speak english on my own. If you don't understand I say to you then you idiot. Me not idiot but you. Nobody but you!" "Hay naku Adora! Nakatatanga ka kausap. Kumain ka na nga lang para naman magkalaman niyang utak mo!" Napalunok ako sa chicken wings na nasa harapan ko. Kumuha kaagad ako at saka kinain kaagad ito. Nanlaki ang mata ko. Masarap nga ito. Tama siya. Sumubo ako ng kanin at nagsimula na akong kumain ng seryoso. "Dahan-dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka. Hindi ka na nga naghugas ng kamay mo. Basta ka na lang kumain," aniya sabay iling. "Who cares? It's my hand no you, it's me so back off." Inirapan ko siya at saka nagpatuloy na sa aking pagkain. "Ewan ko sa iyo Adora. Napakabarok mo magsalita ng English ayaw mo pang tumigil. Hindi ka nagmumukhang mayaman sa ginagawa mong 'yan. Nagmumukha ka lang tanga." Hindi ko na lang siya pinansin pa sa mga sinabi niya dahil abala na ako sa pagkain. Ang sarap ng chicken wings na ito! Naisip ko bigla ang kapatid ko at si Mama. Mapag nagkapera ako ay bibilhan ko sila nito. Ipatitikim ko ito sa kanila. Hinugasan ko ang aming pinagkainan at pagkatapos kong gawin iyon ay naupo ako sa kama. Napahawak ako sa aking tiyan na malaki na naman. Ang dami ko na namang nakain na kanin. Sana hindi ako matae. Ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang hindi kumain ng madami lalo na kapag masarap ang ulam. Marami kasing kanin ang nakakain ko kapag gustong-gusto ko ng ulam. "Stand up Adora. Follow me." Ngumuso ako kasabay ng pagtayo ko mula sa aking kinauupuan. Sinundan ko siya paakyat ng hagdan. Pumasok siya sa isang kuwarto na marahil ay kuwarto niya. "Linisin mong maigi ang kuwarto kong iyan. Magwalis ka, mop, punasan ang mga alikabok at kung ano pa ang puwede mong gawin malinis lang 'yang kuwarto ko. Don't worry I will pay you. Basta't ayusin mo lang ang pinapagawa ko sa iyo. Don't disturb me, okay? Marami pa akong gagawin sa opisina ko." Tinalikuran na niya kaagad ako at saka nagtungo na sa kaniyang opisina. Bumuga ako ng hangin bago tuluyang pumasok sa kaniyang kuwarto. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nagkalat sa sahig at upuan niya ang kaniyang mga damit. "Parang ahas naman itong lalaki na 'to. Kung saan-saan nakalagay ang mga pinaghubaran niya." Pinulot ko ang mga damit niyang nagkalat. Hinanap ng aking mata ang lagayan niya ng labahan at saka inilagay ang mga damit niya roon. Sinimulan ko nang ayusin ang kaniyang kama. Tinanggal ko ang mga punda ng kaniyang unan para mapalitan ito. Habang abala ako sa aking ginagawa ay may napansin akong maliliit na buhok sa higaan niya. Puti pa naman ang sapin ng kaniyang higaan kaya kitang-kita ang dumi. Tinitigan ko itong maigi at saka kinuha ang maliliit at kulot na buhok. Napangiwi ako. "Ano ito? Bulb*l?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD