Habang umiiyak na tumatakbo si Hope galing sa opisina ni Davis ay siya namang pagngiti ng isang babae habang nakatingin sa kanya. Kanina pa ito nagtatago sa isang poste, naghihintay na matapos ang usapan ng dalawa at lumabas ang dalaga. Isang ngiting tagumpay ang pinakawalan ni Saya sa kanyang labi nang makitang umiiyak na lumabas si Hope mula sa opisina nang binata. Isa lang ang ibig nitong sabihin. Nagtagumpay siya. Mukhang hindi naniwala dito ang binata. Napahawak siya sa kwentas na kanyang suot-suot. “Pasensya ka, Hope. May naipapakita akong katibayan kaya sa akin pa rin siya maniniwala.” Ngumisi siya sa daan kung saan dumaan ang dalaga. Inayos niya ang sarili and she put her most innocent look in her beautiful face. Gusto niyang makita siya ng binata na isang maamo at mab

