TINANGGAP ko ang pakikipag kamay niya. “Elenita Capras pero Ita— Ellie nalang ang itawag mo sa akin.” Itang sana ang sasabihin ko pero nagbago ang isip ko. Ang sosyal kasi ng pangalan niya para naman kahit sa palayaw lang ay maging sosyalin din ako. “You have a very pretty name like you, Ellie.” “Ngek! Nang-uuto ka ba? Pasensya na, wala akong pera. Mahirap lang ako kaya wala kang mapapala sa pang bobola mo sa akin.” Bigla na naman tumawa si Gavin dahil sa sinabi ko. “Hindi ka ba naniniwalang maganda ka?” tanong niya maya-maya. “Syempre naniniwala akong maganda ako. Ako na ngalang ang pwedeng maniwala na maganda ako, ipagkakait ko pa ba sa sarili ko iyon? Pero syempre kapag galing na sa ibang bibig ay mahirap nang paniwalaan dahil alam kong binobola na nila ako.” “So, sinungaling an

