INIHATID ako ni Norlyn sa airport at sinamahan ako hanggang sa maka check-in na ako. Kaya wala akong naging problema pero ngayon nasa loob na ako ng eroplano ay bigla akong nakaramdam ng takot. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasakay ako ng eroplano. Kaya naman hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong matatae na maiihi. Mabuti nalang at ang upuan ko ay sa tabi ng bintana kaya Ibinaling ko nalang muna ang tingin ko sa labas para aliwin ang sarili ko habang naghihintay sa pag-alis namin. Naramdaman ko na may umupo sa katabi kong upuan pero hindi ko siya nilingon. Nasa labas pa rin ng bintana ang pansin ko habang iniisip kung paanong ang isang higanteng tutubi na gawa sa metal ay kayang makalipad sa himpapawid. Nakakamangha talaga ang nagagawa ng tao. Puno ang eroplano na

