BAGO ako pumunta ng Maynila ay pinayagan ako ni Senyora Aurora na bisitahin muna ang pamilya ko at asikasuhin ang mga dapat kong asikasuhin. At katulad ng pangako niya ay advance ko rin na nakuha ang ilang buwan ko na sasahurin upang matubos ko ang lupa namin. Kahit alam kong mas mapapalayo ako sa pamilya ko ay kahit papaano ay may tuwa akong naramdaman. Iyon ay dahil alam kong kahit anong mangyari ay secure na ang bahay at lupa namin at hindi na nanganganib na sa kangkungan pupulutin ang pamilya ko. Bago ako umuwi dumaan muna ako sa palengke at pinamilhan ko ng mga bagong gamit ang mga kapatid at lola ko. “Wow! Ate, the best ka talaga. Ang ganda nitong sapatos ko mukhang pang mayaman. Ngayon nalang ulit ako magkakaroon ng bagong sapatos. Tsaka may bagong pantalon at t-shirt din at m

