SYEMPRE ay natuwa si Norlyn ng malaman niya na sasama ako sa kanya sa pagbalik niya sa trabaho. “Akala ko ay ayaw mong iwan ang pamilya mo? Bakit nagbago ang isip mo?” Malungkot akong napangiti. “Naisip ko lang na tama ka. Kailangan kong gumawa ng paraan para magbago ang takbo ng buhay namin. Kung patuloy lang ako sa paglalako ng isda at gulay ay ganun at ganun lang talaga ang magiging ikot ng buhay namin araw-araw. Isang kahig at isang tuka.” “Tama ‘yan. Alam kong mahirap mapalayo sa pamilya pero para naman sa kanila ang ginagawa natin, diba?” sang-ayon ni Norlyn. “Ang totoo niyan ay may mas malaki pa talaga kaming problema ngayon. Tuluyan na kaming iniwan ni tita Rose. Bago siya nagtanan ay ninakaw niya kay Lola ang titulo ng lupa namin na kinatitirikan ng bahay namin at kasama s

