Chapter 11

2174 Words

NANG umalis si Wesley ay pakiramdam ko naging kulang ang mga dahilan ng mga ngiti ko. Pero tuloy lang ako sa pagharap ng mga laban ng buhay. Ako pa ba? Si Ate niyo Itang yata ‘to. Pinatatag ng mga hamon ng buhay. Kaya smile pa rin ako kahit nasasaktan at nahihirapan. Syempre, smile na ngalang ang libre dito sa mundo, ipagkakait ko pa ba naman siya sa sarili ko?  Kahit ngalay ang panga ko sa kaka ngiti sa mga suki ko at kasisigaw sa bawat sulok ng barangay namin habang naglalako ng isda ay masaya pa rin ako. Naubos ang mga paninda ko. At dahil doon ay sigurado na ang ilang kilong bigas na maiuuwi ko at tinapay ng mga kapatid ko bukas ng umaga.  Pagpasok ko ng bahay namin agad kong ibinaba ang mga bitbit ko. Nagtaka ako kung bakit madilim na ay nakapatay pa rin ang mga ilaw namin. Agad ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD