PAUWI na ako sa bahay namin ng nakasalubong ko sa daan si Mang Kardeng a.k.a Boy Libag. Siguro ay galing siya maningil ng pautang. Malayo palang ay nakatingin na siya sa akin habang nakasakay sa mamahalin at mukhang bagong bili niyang motor. Lord, patawad pero hindi bagay sa kanya ang motor niya. Para talaga siyang libag na nakaupo sa motor niya. Tapos kung makatingin pa sa akin ay akala mo ngayon lang nakakita ng tao at kulang nalang tumulo ang laway sa kamanyakan na tumatakbo sa isip niya. Nang tumapat ako sa kinatatayuan niya ay lumapit siya sa akin. “Ano, Itang… Napag-isipan mo na ba ang alok ko sayo? Kung ako sayo magdesisyon ka na habang maaga pa. Mabilis na lumilipas ang mga araw at sa ilang linggo nalang ay lalakad na ang tubo at madadagdagan na ng sampung libo ang utang ng ti

