ANAK ng pitong put pitong puting tupa. Pinaglalaruan ba ako ng pandinig ko? Baka naman isa na rin ito sa side effect ng pagbabasa ko sa yugto at nagiging delulu na ako. Ilang segundo akong tulala dahil loading pa sa utak ko ang huling sinabi ni Senyora Aurora. Tatanungin ko na sana siya kung tama ba ang narinig ko na sinabi niya ng muli siyang magsalita. “Tell me, Ellie. Ano ba ang mga pangarap mo sa buhay?” “Pangarap po?” “Oo. Mga bagay na gusto mong mangyari sa buhay mo.” Siguro nga ay mali lang ako ng narinig kaya ipinilig ko ang ulo ko para iwaglit ito sa isip ko. “P-Pangarap ko po, Senyora? Ano po… Simple lang naman po e,” nahihiya kong sagot sa kanya. Nagtataka rin ako kung bakit tungkol sa akin ang tanong niya. Akala ko kaya niya ako gustong makausap ay dahil may mga gust

