MASAKIT. Sobrang sakit ang ginawa sa akin ni Wesley. Pero ganun talaga kailangan kong tanggapin na ito ang reyalidad at wala ako sa fantasy world. Hindi ako isang bida sa isang pocketbook o teleserye kung saan ang isang lalaki ay kayang talikuran ang lahat ng yaman at pamilya para sa babaeng mahal nito. Hindi rin naman ako galit kay Wesley. Naiintindihan ko na nagiging praktikal lang siya sa buhay. Matalino siyang tao. Hindi siya magpapakatanga para lang sa pag-ibig. Bakit naman niya pipiliin ang isang katulad ko kung alam niyang mahihirapan lang siya sa bandang huli dahil ayaw nga sa akin ng pamilya niya, diba? Pero aaminin ko na masama ang loob ko sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo. Kailangan ko pang malaman sa masakit na paraan. Pero okay na yun… Wala naman na akong ma

