ILANG araw pagkatapos ng ginawang romantic marriage proposal ni Xander sa akin ay tutuparin naman niya ngayon ang pangako niya na bibisitahin namin ang pamilya ko sa probinsya. Ang totoo ang buong akala ko ay mag-isa lang ako na uuwi sa amin iyon pala ay kasama ko pala siya. “Xander, hindi mo naman kailangan na sumama sa akin. Alam kong napaka-busy mong tao. Ayaw kong makaabala pa ako sayo,” turan ko sa kanya noong sabihin niya sa akin na sasama nga siya sa akin. “Ellie, I will soon be part of your family like you’ll be part of mine. Kaya dapat lang na makilala ko rin ang pamilya mo ng personal,” sagot niya sa akin, bagay na sobrang ikinataba ng puso ko. Higit sa kahit na anong materyal na bagay na pwedeng ibigay sa akin ni Xander, ang pagtanggap niya sa pamilya ko ang pinaka mahala

