KATULAD ng inaasahan ko ay sobra ang katuwaan ng mga kapatid ko ng makita nila ako. Sinadya ko talaga na huwag sabihin sa kanila ang pag-uwi ko para masurpresa sila. At nagtagumpay nga ako. Kasalukuyan silang naglalaro sa harap ng bahay namin ng pumarada ang mamahalin na sasakyan ni Xander sa tapat nila. “Ryan.” Lumingon si Ryan sa akin ng tawagin ko siya. Noong una ay kunot ang noo nito ngunit ng makilala ako ay nanlaki ang mga mata nito at agad na binitawan ang mga hawak nitong jolens at nagkalat sa lupa. “Ate? Ate Itang, ikaw nga!” Pinahid nito ang maduming kamay sa suot nitong lumang puting t-shirt na hindi na mukhang puti ang kulay dahil sa kupas na nga at marami pang mga mantsa. “Ate Rochel, ate Ann… Nandito na si ate Itang…” tuwang-tuwa na sigaw nito at mabilis na tumakbo pap

