Xander’s POV “CONGRATULATION, Mr. Altmann we did it! Ramirez Chemical will soon declare bankruptcy katulad ng gusto mong mangyari.” Dapat masaya ako sa balitang hatid sa akin ng aking abogado. Napabagsak ko na ang kumpanya na pag-aari ng mortal kong kaaway. Ang lalaking umagaw kay Kristel sa akin. Sa isang kumpas na lang ng daliri ko ay tuluyan ng babagsak sa lupa ang hambog na Adam Ramirez na yun. Pero wala akong maramdaman na kaligayahan sa puso ko… Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga habang nakatingin sa labas ng bintana sa aking magarang opisina dito sa Palace Hotel. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon ay hindi ko na alam kung ano ba ang tama kong maramdaman. “Tsk. Alexander Altmann, you’re ruined!” mapait kong bulong sa aking sarili tapos ay dinala sa aking

