CHAPTER 12

1629 Words
"Hi!" maluwag ang ngiting bulalas ni Diolph pagkabukas niya ng pinto. "Hi!" tugon ni Cassandra. "Are you ready?" "I've been ready since forever," tugon ni Diolph. Nagkibit siya ng balikat at saka excited na lumabas ng kwarto. "Mamamalengke muna ako. Do you mind coming with me? Imagine it as part of the tour." "Of course, walang problema," tugon ng binata na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi. "Maglalakad lang tayo," ani Cassandra. "Mamimili ako ng nga lulutuin ko mamaya. Don't worry, ako na ang bahala sa dinner mo." Natawa si Diolph. "Ano iyon, suhol?" Natawa na rin si Cassandra. "Hmm. Pwede. Pwede rin namang iniisip kong nasanay ka nang binibigyan kita." They laughed while walking towards the gate. Napansin ni Cassandra na nagiging komportable na siya sa binata. "Parang gusto ko nang tumira dito," biglang wika ni Diolph habang nagtitingin-tingin sila ni Cassandra ng mga gulay sa palengke. "Tahimik dito, presko ang hangin, at mukhang mababait ang mga tao." "Naku, huwag ka!" pabulong na wika ni Cassandra. "Tahimik lang ang mga iyan," aniya sabay tingin sa paligid. "Pero tingnan mo, kanina pa nila tayo pinagtitinginan. Sigurado akong pagkaalis natin mamaya, pag-uusapan nila tayo." She laughed softly. "Sa madaling salita, may mga chismosa rin naman dito sa amin." Diolph chuckled. "Sino iyang kasama mo, Cassandra?" tanong ng isang tindera. "Ang gwapo ha. Bisita ba ninyo sa Casa? Buti, hindi nagagalit ang asawa mo na may kasama kang iba." "Hay naku, Aling Glory!" ani Cassandra. "May masama ho ba kung ilibot ko ang bisita sa lugar natin? Ano'ng masama sa pagsama ko sa kaniya rito sa palengke? Ipinapakita ko lang sa kaniya ang lugar. Request lang ho ng guest ito. At bilang may-ari ng Casa, responsibilidad kong bigyan ng magandang treatment ang aming guests." "Eh, wala naman akong sinabing masama. Nagtatanong lang naman ako," ani Aling Glory. "At saka ngayon lang kita nakitang sumama sa bisita ninyo sa Casa. Madalas naman sina Katya ang gumagawa niyan." "Busy ho si Katya. Si Monica naman hindi rin pwede dahil kagagaling lang sa sakit," paliwanag ni Cassandra. "Pasensya na ho at minasama ko ang pagtatanong ninyo. Alam naman ninyo dito sa lugar natin, mabilis manghusga ang mga tao. Napapaso na nga ako sa tingin ng mga tao sa amin. Nakakahiya po kay Diolph." "Hangga't wala kang ginagawang masama, wala kang dapat ikahiya," wika ni Aling Glory. "Hayaan mong tumingin ang mga tao. Likas na sa tao ang magtaka at mag-usisa." Ngumiti si Cassandra. "Kumusta ang asawa mo? Matagal ko na siyang hindi nakikitang lumabas magmula nang dumating kayo rito. Namimiss na siya ng mga ka-barangay. Dati naman siyang nakikisama sa mga taga rito." Bumuntong hininga si Cassandra. "Hayaan ninyo, Aling Glory, sasabihan ko si Tim na nangangamusta kayo." Tumango si Aling Glory. "Kumakain ka ba ng sinigang, Diolph?" usisa ni Cassandra sa binata na tahimik lang nakikinig sa usapan nila ni Aling Glory. "Favorite ko iyon," tugon ni Diolph. "Iyon ang lulutuin ko mamaya. Pagkatapos dito, bibili tayo ng isda." Pagkagaling nila sa palengke ay bumalik na sila sa Casa at iniuwi muna ni Cassandra ang kanilang pinamalengke. "Dito ka muna, Diolph. Magpapalit lang ako ng damit. Tapos ililibot na kita sa Casa," wika niya sa binata. Iniwan niya ito sa salas. Diolph sighed and smiled. Malaki ang bahay nina Cassandra. He decided to walk around. Nakasabit sa sala ang malaking wedding picture frame ni Cassandra at ng asawa nito. Napakaganda ni Cassandra doon. Maningning ang mga mata nito. Ganoon din si Tim. Nakikita sa mukha ng mag-asawa na mahal na mahal nila ang isa't isa. Diolph took a closer look at Tim. He is a good looking guy. Napalabi siya. Hindi na siya nagtataka. Hindi niya pa ito nakikita nang personal pero sa tingin niya ay magkasing-tangkad lamang sila. Nakarinig siya ng mga yabag ng paa at nang lumingon siya ay tumunghay sa kaniya si Cassandra. "I'm sorry!" aniya. "Nagandahan lang ako sa larawan." Ngumiti si Cassandra. "Dito sa Magenta kami nagpakasal ni Tim. Iyon ang pinakamasayang araw ng buhay ko, kahit na hindi um-attend noon ang mommy niya. Noong mga oras na iyon, ang mahalaga sa akin ay si Tim lang. Kami lang. Pakiramdam ko no'n ako si Cinderella. Hindi dahil may wicked stepmother at stepsisters ako, kundi dahil ni minsan, hindi ko inisip na magugustuhan ako ng kagaya niya," wika niya habang mapangaraping nakatingin sa wedding picture nila ni Tim. "Bakit? Hindi ka naman mahirap magustuhan, ah. Hindi ka mahirap mahalin," tugon ni Diolph. Napatingin sa kaniya si Cassandra at nagsalubong ang kanilang mga mata. Mabilis namang nagbaba ng tingin si Cassandra sa pagkailang. Ngumiti si Cassandra. "I feel like Tim didn't also have a hard time to fall out of love for me," malungkot niyang wika. "Hindi nga siguro ako mahirap mahalin. Pero madali rin akong kasuklaman." "You are just going through a rough time in your marriage. Magiging okay rin ang lahat." "How do you find me, Diolph?" biglang tanong ni Cassandra. "I know, I sound funny. Pero ang sabi mo sa akin, mas mapagkakatiwalaan ko ang opinyon ng isang stranger. How do you find me? Do you find me boring? Am I boring?" "No, you're not!" mariing tugon ni Diolph. "Noong unang kita ko sa iyo, nasabi ko sa sarili kong nakita ko na ang pinakamagandang babae sa mundo." Nag-init ang mga pisngi ni Cassandra. Matagal na siyang hindi nakakarinig ng ganoong papuri mula sa isang lalaki. "Pero nasasabi mo lang iyan kasi kailan mo lang ako nakita at nakilala. For Tim, nagsawa na siguro siya sa akin. He's bored with me already." "Kung ikaw ang asawa ko, I will never get bored of you. You are an amazing, Cassandra. I feel bad dahil iniisip mo iyan sa sarili mo. Your husband is hurting kaya siya ganoon sa iyo. But don't let him consume all the good things in you." Napayuko si Cassandra. She nodded. Pagkatapos ay nag-angat na siya ng tingin kay Diolph. "Tayo na," aniya. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay at sumunod naman si Diolph. Sinimulan niya ang tour. "Supposed to be bahay-bakasyunan lang talaga ang La Casa Del Amore dahil sa lungsod kami nakatira ni Tim dahil nandoon ang business niya. Iyong bar. Ang Casa na ito ay bunga rin ng Bar noong kumikita pa iyon. Kaya lang noong na-bankcrupt iyon, nagpasya akong umuwi at gawin itong negosyo. Ipina-renovate ko lang. Nagpadagdag ako ng ilang maliliit na building sa paligid. Then, poof! Ito na ang bumubuhay sa amin ngayon," kwento niya kay Diolph habang naglalakad lakad sila. "Salamat sa mga kaibigan ko at tumatakbo nang maayos ang negosyong ito." "Thanks to you," wika ni Dolph. "Ikaw ang haligi at ilaw ng Casa. Kaya sa sarili mo dapat ikaw magpasalamat." Ngumiti si Cassandra. "Thanks to me," aniya sabay tawa nang marahan. "Pero higit sa lahat, salamat kay Tim. If it weren't him, hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral. Nanatili sana akong probinsiyanang walang alam sa buhay kung hindi siya dumating sa buhay ko. Kaya hindi ko siya pwedeng sukuan, Diolph." Diolph nodded. Masakit marinig iyon. Pero hindi bale, malapit na rin siyang umalis at matatapos na ang lahat. Mabuti na ring huwag siyang magtagal sa Casa dahil habang araw-araw niyang nakikita si Cassandra ay lalong nahuhulog ang loob niya rito. Alam niya namang wala siyang pag-asa dahil mahal na mahal nito ang asawa. Susulitin niya na lang ang mga oras na kasama niya ito, pagkatapos ay kakalimutan niya si Cassandra pag-alis niya sa Casa. Ituturing niya na lamang itong isang magandang panaginip. "Napatagal yata tayo sa palengke kanina," wika ni Cassandra. "Malapit nang bumaba ang araw." "Perfect," ani Diolph. "Ipasyal mo na ako sa batis. Doon na tayo mag-abang ng mga alitaptap." Cassandra smiled. "Sure!" aniya. Pagdating nila ro'n ay tahimik. Tanging tunog ng buhay na tubig lamang ang kanilang naririnig, mga huni ng ibon at insekto, pati na rin ang sipol ng hangin. "Tamang tama, walang naglalaba," wika ni Cassandra. "Doon tayo sa mga batuhan tumambay." Naglakad sila patungo roon. "Naku, dapat pala nagdala tayo ng pagkain ano, para habang tumatambay tayo ay mayroon tayong pinapapak." Ngumiti lang si Diolph. Magkatabi silang naupo sa isang malaking bato. Nakaharap sila sa batis. "Last day ko na bukas dito," wika ni Diolph sa gitna ng katahimikan. Kunot ang noong napatingin sa kaniya si Cassandra. "Aalis ka na pala," matamlay nitong wika. "Wala lang akong mahanap na reason para mag-stay pa ng mas matagal dito. Married ka na, eh." He chuckled. Napayuko si Cassandra. "Sabi ko naman sa iyo, unang beses na makita kita, gusto na kita agad. Sinabi ko sa sarili kong dito ko igugugol ang isang buwan kong bakasyon. Liligawan sana kita. Tapos isasama na kita pabalik sa States." Tumawa siya nang malakas, habang si Cassandra ay nanatiling tahimik. Tumigil siya sa pagtawa at muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Look!" biglang wika ni Diolph mayamaya. Napatingin si Cassandra sa gawi kung saan siya nakaturo. "Mga alitaptap," nakangiting wika ni Cassandra. "Maaga silang nagpakita ngayon. Medyo may liwanag pa. Baka nagpapakitang gilas sa bisita." Tumingin siya sa binata. "Enjoy the show, Diolph!" "Noong bata pa ako, noong hindi pa kami nagma-migrate sa States, palagi kaming pumapasyal sa bahay ng grandparents ko. At sa likuran ng bahay nila, maraming alitaptap tuwing gabi. Mayroon silang treehouse. Doon ako tumatambay. Pumapasok ang nga alitaptap doon. But since my grandparents died, hindi na ulit kami nakapasyal doon. Naibenta ang bahay nila at umalis na nga kami sa Pinas." He sighed. "I miss those days. Seeing fireflies is just so nostalgic for me." Nasa kalagitnaan sila sa pag-i-enjoy sa panunuod sa mga alitaptap nang bigla silang makarinig ng mga yabag. Binuhay ni Diolph ang flashlight sa kaniyang cellphone at inilawan ang gumagawa ng mga yabag na iyon. "Tim?" bulalas ni Cassandra nang masilayan ang mukha ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD