"How long will you be staying there?" tanong ng ina ni Diolph na si Susan nang tawagan niya ito.
"Sa ngayon, Ma, hindi ko pa alam," tugon ni Diolph. "Nag-i-enjoy pa ako rito."
"Ano'ng mayro'n diyan at nag-i-enjoy ka? Hmmm..."
Kahit hindi nakikita ni Diolph ang mukha ng kaniyang ina ay nai-imagine niya ang mapanukso nitong mga tingin. "Ma, I met someone," pag-amin niya. "She's beautiful. She's different." Bakas na bakas sa boses niya ang paghanga.
"So, did you make a move already?" nai-excite na usisa ni Susan sa panganay na anak.
"Yes, Ma. Pero basted na ako kaagad. Besides, she's already married, Ma."
"What?" mataas ang tonong bulalas ni Susan. "Are you telling me that you just put yourself into a big mess, Diolph? Diolph, umuwi ka na rito. Mali yatang napadpad ka sa lugar na iyan."
"Ma, relax. I have no plans of pursuing her. I respect her marriage. The moment na malaman kong may asawa na siya, pinigilan ko na ang sarili ko," paliwanag ng binata. Dinig na dinig niya ang sigh of relief ng kaniyang ina sa kabilang linya.
"So, ano pa ang ginagawa mo riyan? Pack up your things. Bumalik ka na rito o 'di kaya ay maghanap ka ng ibang destinasyon. Habang nakikita mo ang babaeng tinutukoy mo, baka magkamali ka pa. Gustong gusto ko nang makahanap ka ng mapapangasawa, pero iyong single naman sana. Umiwas ka sa gulo, anak."
Diolph chuckled. "Ma, I know what I am doing. And I know what I am gonna do. Relax! Hindi ko ipapahamak ang sarili ko."
"Sino ba iyang babaeng iyan?"
"May-ari ng Casa na tinutuluyan ko, Ma."
"Tsk!" naiiling na wika ni Susan. Siguradong madalas mo siyang nakikita. Pero hangga't hindi mo naman siya nilalapitan pa simula nang malaman mong may asawa na siya ay wala kang problema."
"Actually, Ma, nag-uusap pa kami. Palagi." Napatigil si Susan. "May problema sila ng asawa niya. Their marriage is on the rocks. She needs someone to listen to her. Nakakaawa siya, Ma. Kung maririnig mo lang ang kwento n—"
"Stop, Diolph! For heaven's sake, stop!" Nai-stress na si Susan sa mga naririnig. "Hindi ako interesado sa kwento ng babaeng iyan. Diyos ko, anak. Una, may asawa na siya. Pangalawa, may problema sila. Mas lalong kailangan mo siyang layuan. Huwag kang makialam sa away nilang mag-asawa. Madadamay ka."
Diolph chuckled again. "Ma, tatawagan na lang kita ulit. Don't stress yourself. I told you, I know what I am doing. I will not do something stupid."
"Hindi pa ba stupid iyang ginagawa mo?"
"Ma!" protesta ni Diolph.
"Alam mo, mas gugustuhin ko pang balikan mo si Vanessa kaysa magkagusto ka sa babaeng may asawa na."
Umikot ang mata ni Diolph. "Isiningit na naman ninyo si Vanessa sa usapan. Hindi ako makapaniwala na gusto n'yo pa rin siya kahit na niloko niya ako."
"Nagsisi naman na si Vanessa, hindi ba? And she's willing to do anything bumalik ka lang sa kaniya."
"Ma, you talk like her cheating on me is just a joke. Ma, nakita ninyo how devastated I was nang gawin niya sa akin iyon. At binanggit n'yo na naman ang pangalan niya, bumabalik na naman lahat ng mga pangit na alaala sa isip ko."
Hindi na umimik si Susan. Ibinaba na ng binata ang telepono. He is really pissed.
Five years. Ganoon katagal ang naging relasyon nila ni Vanessa. She is his first love. Naging loyal siya nang sobra kay Vanessa. Ni hindi na siya tumingin pa sa ibang babae.
Akala niya ay sila na ang magkakatuluyan. Planado na nila ang lahat sa kanilang future. Both sides ng families nila ay walang tutol sa kanilang relasyon. His mom, Susan, loves Vanessa so much. Itinuring nang anak ng kaniyang mommy si Vanessa. Mas spoiled pa nga ito kaysa kaniya na sarili nitong anak. Hindi niya naman masisi ang mommy niya dahil mabait si Vanessa, sweet, maalaga, at magaling pang magluto. Huling huli nito ang kiliti ng kaniyang mommy.
Wife material si Vanessa. Kaya naman bago ang fifth anniversary sana nila ay binalak niyang mag-propose. Saka naman niya nalaman na pinagtataksilan niya si Vanessa. Nalaman niyang may namamagitan kay Vanessa at sa amo nito sa kompanyang pinagtatrabahuan. He saw with his own two eyes kung paano maghalikan ang dalawa sa mismong office ng amo nito. That day, parang sumabog ang kaniyang mundo na ilang taon na umiikot lamang kay Vanessa.
Nagpaliwanag si Vanessa na wala lang iyon. Nagpapalakas lang daw ito sa amo nito upang ipromote ito sa inaasam na posisyon sa kompanya. It was nothing serious, she said. Pero hindi no'n kayang burahin ang sakit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. He decided not to push through his proposal. Itinapon niya ang singsing sa harap mismo na binasa, and he called everything off.
He can't imagine himself being with Vanessa, pagkatapos ay maiisip niya ang ginawa nitong pagloloko. Hindi niya kaya. Hindi niya na rin ito kayang pagkatiwalaan. Kung nagawa na nitong lokohin siya habang magkasintahan pa lang sila, magagawa rin nitong magloko kapag kasal na sila. It was too traumatizing for him.
Dalawang taon ang lumipas bago siya bahagyang nakausad sa panloloko ni Vanessa. At hanggang ngayon, hindi pa rin ito tumitigil sa pagbabakasakali na magkabalikan sila. Para patunayan sa kaniya na sincere ito sa paghingi ng tawad at sa pagbabago, nag-resign ito sa trabaho. But he didn't bother to reconsider her. He can't look at her the same. He feels disgusted. Kung siya nga na lalaki, nagpakaloyal, sana ay ganoon din si Vanessa.
Umiling siya nang makailang beses upang mawala ang mga naglilitawang larawan ni Vanessa sa kaniyang utak. She doesn't deserve to occupy a space in his mind anymore. Itunuturing niyang bangungot si Vanessa.
Nagbuntong hininga siya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. It's almost four PM. Ilang saglit na lang ay kakatok na si Cassandra sa kaniyang pintuan. Hindi niya maikailang excited siya dahil makakasama niya ulit si Cassandra.
Nalulungkot siya sa mga nalaman tungkol sa buhay ni Cassandra lalo na sa nangyayari sa marriage nito ngayon. Ngunit walang makakapagbago sa paghanga niya rito.
Bumangon siya at nagpalit ng damit. Anytime na kumatok si Cassandra ay handa siya.
"I can't believe it!" nakangiting wika ni Cassandra sa kaibigang si Monica. Abot hanggang sa magkabilang tainga ang ngiti niya. "Akala ko ay torpeng torpe si Antoine, pero nagawa niyang magtapat sa iyo nang hindi siya nabubulol."
"Kasalanan mo ito, eh," wika ni Monica sabay irap. "Siguro sinulsulan mo lang si Antoine."
"At bakit ko naman gagawin iyon? Aber! Matagal ko nang napapansin na may gusto sa iyo iyong tao. Kailan ko lang na-confirm. Sinabihan ko lang naman siya na subukan niya. Tutal single ka naman. Wala namang masama," tugon ni Cassandra.
"Match maker ka na pala ngayon," taas-kilay na saad ni Monica.
"Why not? Hindi ka naman magsisisi kay Antoine. Itataya ko ang Casa para sa love life n'yo."
"Love life ka riyan. Hindi ko pa siya sinasagot. Sa katunayan, pahihirapan ko siya. Tingnan ko lang kong makarinig siya ng oo sa akin. Hmp!"
"Oy, 'wag mong masyadong pahirapan si Antoine. Swerte ka na sa kaniya, ano. Kapag siya pinakawalan mo pa, tanga ka na talaga. Nagpakatanga ka na nga sa tatay ni Ben, eh. Bakit hindi ka sumugal kay Antoine?"
"Bakit inaayos mo ang love life ng iba? Love life mo nga, hindi mo maayos."
Natigilan sila kapwa. Nawala ang ngiti sa labi ni Cassandra. Natakpan ni Monica ang bibig sa sinabi. "Sorry, Cass, hindi ko sinasadya."
"Okay lang," tugon ni Cassandra at saka pinilit ngumiti. "Tama ka naman, eh. Ba't ka naman magsosorry? Siguro kaya ako nag-aayos ng love life ng iba dahil sa frustration ko na hindi ko maayos ang pagsasama namin ni Tim," aniya pa.
"Kumusta na pala si Tim?"
"Ayon, wala pa ring pagbabago simula nang umuwi kami rito sa Magenta. Isinusumpa niya pa rin ako."
"Tsk!" Napailing si Monica. "Habaan mo pa ang tali ng pasensya mo, Cass. Patong patong lang siguro ang mga iniisip niya. Siguro, pakiramdam niya ay failure siya kaya siya ganiyan. Lalo ngayon na ikaw lang ang nagtatrabaho. Baka nahihiya siya sa iyo."
"Bakit? Pwede niya naman akong tulungan kung gusto niya, ah. Sa halip, mas pinipili niyang maglasing araw-araw at lumayas."
"Cass, may nangyayari pa ba sa inyo?" biglang tanong ni Monica.
Umikot ang mata ni Cassandra. "Sa tingin mo?" aniya.
"Talaga?" ani Monica na animo ay nakuha ang tugon ng kaibigan.
"Wala na yatang interes sa akin si Tim. Ni hindi na nga ako tinatapunan ng tingin. Kapag tiningnan naman ako, para akong papatayin sa sama ng tingin niya sa akin. Wala nang pagmamahal sa mga mata niya, Monica. Puro galit at poot lang ang nakikita ko."
"Mahirap talagang mag-move on sa naluging negosyo at nawalang anak, Cass."
"Pero nandito pa ako. Nawalan din naman ako. Nasasaktan din naman ako. Pero hindi ako gaya niya na lumalayo. Sinusubukan kong ayusin kami, pero walang nangyayari."
Sabay pa silang nagbuntong-hininga.
Tiningnan ni Monica si Cassandra mula ulo hanggang paa. "Alam mo, bakit hindi ka kaya magpa-make over? Baka nabo-bore na sa iyo ang asawa mo kaya ayaw ka nang tabihan."
"Hindi na ba ako maganda?" bagsak ang balikat na wika ni Cassandra.
"Syempre, maganda ka pa rin. Pero, malay mo kailangan mo lang ng kaunting upgrade or make over. Baka kapag nag-upgrade ka, pansinin ka ulit ni Tim. Akitin mo ulit siya na parang hindi kayo mag-asawa. Galaw galaw, Cass!"
Napatingin si Cassandra sa kaniyang sarili at napaisip sa sinabi ng kaibigan. Wala namang mawawala kung susubukan niya. Bakit hindi niya subukan ang ibang hairstyle naman at magpakulay? Bakit hindi siya magsuot ng mas sexy na mga damit?
She admits na boring na nga siyang tingnan. Ang kaniyang fashion ay naiwan na sa panahon kung kailan sila unang nagkakilala ni Tim. Baka nga kailangan na niyang subukan ang ibang bagay to spice things up.