"Tim? Saan ka naggaling?" nagtatakang tanong ni Cassandra sa asawa. And he looks so pissed that she started to worry.
"Hindi ba ako dapat ang nagtatanong?" tugon ni Tim. Salitan nitong tiningnan si Diolph at ang asawa. "Ano ang ginagawa mo rito kasama ang lalaking iyan? At sino ba iyan?" Nagtiim ang mga bagang nito. Nakita ni Cassandra na nagkuyom ang mga palad nito.
"Tim, it is not what you think. This is Diolph at guest natin siya sa Casa. I just toured him around," paliwanag ni Cassandra.
"Oh, really? Sa ganitong oras, at sa madilim na parte pa ng Casa. Really?" He laughed. "Mukha ba akong tanga, Cassandra?"
"I'm telling the truth, Tim," mariing saad ni Cassandra. "At huwag mong binabaliktad ang usapan. Ako ang unang nagtanong kung saan ka nanggaling? Palagi ka na lang nawawala sa bahay. You're nowhere to be found. It is so unfair of you na paratangan ako at bigyan ng malisya ang hospitability ko sa bisita natin."
Hindi umimik si Tim. Iyon na na ang naging hudyat kay Diolph upang pumagitna sa mag-asawa.
"Finally, nakita rin kita nang personal, pare," aniya. "Palagi kang ibinibida sa akin ng asawa mo. Please don't get us wrong, your wife is really just touring me around. At kung magagalit ka sa kaniya, I will take the blame."
"Shut up!" sigaw ni Tim. "I am not asking for you to speak up. Issue ng mag-asawa ito. Hindi ka dapat nakikialam."
Huminga nang malalim si Diolph. "Mag-asawa?" aniya. He chuckled. "Sa nakikita ko, mukhang hindi mo naman na itinuturing na asawa si Cassandra."
Napatingin sa Cassandra sa binata. "Diolph!" pigil niya rito.
Ngunit hindi siya pinansin si Diolph. "You are not even treating her right. How could you say na mag-asawa kayo kung hindi mo nga magawang magpakaasawa sa kaniya? Hindi mo nga ma-appreciate ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya para sa iyo. Ilang beses na bang ako ang kumain ng niluto niya para sa iyo dahil hindi mo kinakain? You're wasting her efforts. You make her cry. You let her cry. Wala kang pakialam. You are selfish. What matters to you is your pain alone. Wala kang pakialam sa pain ng asawa mo."
Nangilid ang luha ni Cassandra. "Please, Diolph, tama na," pakiusap niya sa binata. She looks to Tim. "Hon, let's go home. Ipagluluto kita ng dinner." Lumapit siya sa asawa at kukunin sana ang kamay nito nang bigla na lamang siyang itulak ni Tim. Napaupo siya sa batuhan.
Kaagad umakyat ang dugo ni Diolph sa kaniyang ulo sa nakita. Walang pagdadalawang isip na sinugod niya si Tim at sinuntok ito sa mukha. Bumagsak kaagad si Tim. Matalim ang mga tinging ipinako sa kaniya ni Tim habang pinapahiran ang duguan nitong bibig.
Nagmamadaling tumayo si Cassandra at pinigilan si Diolph na muling suntukin ang asawa. "Tama na Diolph! Bumalik ka na sa kwarto mo. Huwag ka nang makialam sa aming mag-asawa." Humagulhol siya. "Mali na ikinuwento ko pa ang mga nangyayari sa buhay ko. I'm sorry, Diolph, nadamay ka. Please, bumalik ka na sa kwarto mo. Let me fix my own marriage."
Pinilit ni Diolph na ikalma ang sarili. Huminga siya nang malalim. "Hindi mo kailangan magtiis sa asawa mo, Cassandra. Noong una sinabi kong unawain mo siya. Pero nakita ko na how much of a jerk your husband is. Now I can confidently say that he doesn't deserve you. I hope one day you will get the courage to turn your back from someone who does nothing but push you away." Tiim ang bagang niyang sinilayan si Tim na hindi pa rin tumatayo. The he walked away.
Gustuhin mang habulin ni Cassandra si Diolph, hindi niya magawa. Dapat unahin niya ang asawa. Nilapitan niya si Tim upang itayo ito, ngunit iwinasiwas lang nito ang kaniyang kamay.
"Tim, please!" umiiyak na wika ni Cassandra.
"Please your ass!" bulyaw sa kaniya ng asawa. "Ipinahiya mo ako sa lalaking iyon. I want him out of this place. Kung ayaw mo ng gulo, Cassandra, paalisin mo siya."
"Walang masamang ginawa si Diolph," tugon ni Cassandra. "Itinulak mo ako kaya inisip niyang kailangan niya akong ipagtanggol."
"Dahil nagpapaawa ka sa kaniya! Kakasabi mo lang kanina, 'di ba? Sinabi mo sa kaniya ang mga problema mo, ang problema nating mag-asawa na dapat sa ating dalawa lang. Nagpa-comfort ka sa kaniya. Ano, nilalandi mo siya? Nilalandi mo ba siya, ha Cassandra?"
Hindi na napigilan pa ni Cassandra at nasampal niya ang asawa.
"Huwag mo akong pinagbibintangan ng mga bagay na walang katuturan, Tim!" umiiyak niyang wika. "Simula nang dumating tayo rito sa Casa, wala na akong ginawa kundi suyuin ka. Ginagawa ko ang lahat para bumalik tayo sa dati. At ikaw, wala kang ibang ginawa kundi pahiyain ako sa sarili ko. Ni minsan, hindi ko inisip iyang ibinibintang mo sa akin. Iyan pala ang tingin mo sa akin, malandi?" Mapait siyang natawa.
"Eh, ano ang tawag mo sa pagsama mo sa hindi mo asawa, sa ganitong oras? Dito pa sa lugar na ito. Sa dami ng lugar na pwede ninyong puntahan, dito pa sa madilim at walang katao-tao."
"Nagpaliwanag na ako sa iyo kanina, Timothy. Hindi na ulit ako magpapaliwanag. Kung makitid at madumi ang utak mo, wala na akong magagawa ro'n. Huwag mong binabastos ang sino mang guest sa Casa. Sila ang bumubuhay sa atin. Kung wala sila, sa basurahan tayo pupulutin."
"And now, this is already about you working for our asses." Tim chuckled. "Kaya ka ganiyan dahil nagmamalaki ka na sa akin. Dahil ba wala akong trabaho? Palamunin na lang ako at wala akong ambag sa iyo?"
"Wala akong sinasabing ganiyan, Tim. Bakit ba ang hilig mong gawan ng issue ang mga bagay na hindi naman dapat issue?" naiinis na wika ni Cassandra.
"Oh, hindi ba?" He smirked. "Thank you, ha, kung ikaw ang nagbabanat ng buto para sa akin. Pasensya ka na kung nalugi ang negosyo ko. Pasensya na kung pabigat ako."
"Wala akong sinabing pabigat ka, Tim. Ano ba?" Hindi mapigilang mapahahulgol ni Cassandra. "Oo, nahihirapan akong magtrabaho nang mag-isa para sa atin, pero narinig mo ba akong magreklamo? Hindi! Hindi dahil mag-asawa tayo. Ang alam ko kasi dapat magkakampi tayo sa hirap at ginhawa. Inuunawa kita, Tim. Kahit ilang beses mo akong itulak palayo, nandito pa rin ako. Umaasa ako na isang araw, babalik ka sa dati. Nagsusumikap ako para hindi mapunta sa wala ang lahat ng nasimulan natin mula nang magpakasal tayo. Para anytime na bumalik ka na sa dati, okay tayo. Okay ang buhay natin. Tim, I am not complaining. No matter how tiring things are sometimes, I never complained. I am happy doing this for us. Hindi lang ako masaya dahil parang walang nangyayari sa lahat ng efforts ko."
"Eh, di tumigil ka na. Wala pa lang nangyayari, eh!" tugon ni Tim.
"So you just want me to give up? Gano'n? Gano'n lang, Tim?"Patuloy ang kaniyang pag-iyak. "How easy for you to say that. Kanina lang, kung umarte ka para kang asawang selos na selos. Hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Ni hindi mo nga kayang makipag-usap sa akin nang maayos."
"Alam mo, Cassandra, wala na namang pupuntahan ang usapan na ito. Baka magbitiw na naman ako ng mga salitang hindi mo magugustuhan. Just go home and stay away from that man. By tomorrow, gusto kong nakaalis na siya rito sa Casa."
"Wala kang karapatang paalisin si Diolph. Guest siya. Nagbabayad siya," tugon ni Cassandra.
"I don't care. Masyado siyang pakialemero para sa isang bisita."
"And how about you, Timothy, saan ka nanggaling? Ibabalik ko ang tanong sa iyo. Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito sa ganitong oras? Saan ka ba nagpupupunta?"
Natigilan si Tim. Nagtagisan ang kanilang mga paningin. "Wala kang pakialam. It's none of your business."
"Ah!" ani Cassandra. "Ikaw lang pala ang may karapatang magtanong sa ating dalawa. Pagdating sa akin, wala ako dapat pakialam. Gano'n?"
"Shut the fvck up, Cassandra! Sumasakit na ang tainga ko sa boses mo. Bumalik ka na sa bahay. Kung umasta ka, para kang walang asawa."
Iyon lang at naglakad na palayo si Tim.
Nasapo na lang ni Cassandra ang kaniyang mukha. Gulong gulo na siya sa mga ginagawa ni Tim. Ano ba talaga ang gusto nito?
Sumunod siya sa asawa. Bago siya bumalik sa kanilang bahay ay dinaanan niya ang kwarto ni Diolph. Nahihiya man ay kumatok siya sa pintuan nito. Nagbukas iyon.
"Cassandra..." usal ni Diolph. "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" anito.
Umiling si Cassandra. "At iyong nangyari kanina, hindi niya iyon sinasadya," aniya. "Hindi naman nananakit si Tim. Hindi niya lang nagustuhan na nakita niya tayong dalawa."
Tumango si Diolph.
"Pasensya ka na, Diolph, napag-isipan ka niya tuloy nang masama. Kasalanan ko. Dapat talaga naghintay na lang ako na may sumama sa iyong iba."
"It was my fault. Pinilit kita. I'm sorry," tugon ni Diolph. "I know your husband wants me to leave. Kaya bukas na bukas din, aalis na ako. Ayaw ko nang makadagdag sa problema ninyong mag-asawa. I know how much you work hard to fix your marriage. I don't wanna get in the way."
"Hindi mo naman kailangang umalis, Diolph, dahil lang sa nag-aalala ka sa mga sinabi ni Tim. Alam ko namang wala kang intensyon na masama. You don't have to prove yourself to him by leaving the Casa. Stay, Diolph. Stay as long as you want."
"Hindi na healthy para sa iyo kung mananatili pa ako rito. Baka lalong lumayo ang loob ng asawa mo sa iyo. I just really want to say sorry dahil nasapak ko siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko lalo na nang makita kong itinulak ka niya. That was something na hindi ko kayang palampasin. I just did what I think is as right. At iyon ay ang ipagtanggol ka."
"Na-appreciate ko iyon, Diolph. Alam ko iyon."
Diolph smiled. "I just want you to know na masaya akong nakilala ka, Cassandra. Hindi pa rin nagbabago ang isip ko na ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko inside out." May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Contact info niya iyon. "Hindi mo na ako mapipigilang umalis dito sa Casa. Pero you can always call me if you need me. Kahit nasa US pa ako, magbu-book agad ako ng flight para sa iyo."
Napangiti si Cassandra. "Hindi ko deserve magkaroon ng kaibigan na kagaya mo, Diolph. Ang wish ko lang para sa iyo, sana makahanap ka na ng babaeng ibalik ang pagmamahal na kaya mong ibigay."
"Hindi ako naghahanap," tugon ni Diolph. "I am just patiently waiting." He smiled.
Lumapit si Cassandra at niyakap siya. "Thank you for everything, Diolph. I hope we'll see each other again."
Niyakap siya ni Diolph nang mahigpit. Alam niyang kinabukasan ay hindi na niya ito makikita sa Casa.