Sinulit na nina Cassandra ang araw na iyon. Doon na nila pinalipas ang maghapon sa may batis. Gumawa ng bonfire ang mga lalaki at naupo sila sa palibot niyon. "Inuman time!" sigaw ni Max. "Shhh!" saway ni Monica rito. "Baka marinig ka ng mga engkanto. Hindi natutuwa ang mga iyon sa ingay." Kaagad nawala ang ngiti sa labi ni Max. "May ganiyan ba rito?" tanong niya. "Sa tingin mo?" Ngumiti si Monica. "Nasa probinsiya ka. Tingnan mo ang paligid mo. Mga nagtataasang puno at damu." "Sus, hindi naman totoo iyon," ani Max. "Huwag kang nanghahamon. Mamaya naririnig ka nila. Mamaya pagtulog mo, magigising ka na lang, nasa lugar ka na nila," seryosong tugon ni Monica. Biglang kinabahan si Max at napansin Monica iyon. Sa puntong iyon ay humalakhak si Monica. "Joke lang!" aniya. Nabato tuloy

