CHAPTER 8

1651 Words
"Pwede ko bang itanong kung saan tayo pupunta?" wika ni Diolph habang tahimik na nagmamaneho si Cassandra. Sana ay tama ang timing niya dahil baka bigla na namang magbago ang isip nito at bigla na lamang siyang pababain. "Sa bayan. Hindi ko ba nasabi kanina?" tugon ni Cassandra na hindi man lang lumilingon kay Diolph. "Yeah. I remember you telling me that. Ang ibig kong sabihin kung ano ang ipupunta mo sa bayan?" Cassandra chuckled. "Pupunta tayo sa store. May mga bibilhin lang ako. Pagkatapos no'n pwede na tayong bumalik sa Casa at nang mai-tour na kita." Bumuntong hininga si Diolph at tumango. "Okay," aniya. "Are you bored?" usisa ni Cassandra sa binata. "I'm sorry kung isinama kita. I just thought that you would appreciate it." "No!" mabilis na wika ni Diolph. "I appreciate you tagging me along. You just feel so distant. Naiilang ako sa iyo." Mahinang natawa si Cassandra. "Ngayon ka pa talaga nahiya sa akin," aniya. Nagkibit ng balikat si Diolph habang natatawa. "Don't worry, mabilis lang tayo sa store. Pero alam mo, okay rin ito. Isipin mo na lang na kasama na ito sa tour mo. Makikita mo ang bayan. I'll show you some beautiful spots there. Kung gusto mo, kumain tayo sa favorite restaurant ko. Sakto, it's past ten already. Doon na tayo mananghalian," wika pa ni Cassandra. "How about your husband?" nag-aalalang tanong ng binata. "What about him?" Tumaas ang kilay ni Cassandra. "Sa ngayon, I'll let him be muna. Luto ako nang luto, hindi niya naman kinakain. At ang ending, ibinigay ko sa iyo. Kaya, bakit hindi na lang tayo kumain? Tim can take care of himself. Kapag na-miss na niya ang luto ko, pwede niya naman akong sabihan anytime. Huwag lang ngayon." She looked at Diolph and smiled. "Can I say something that you might not like?" ani Diolph. "What?" "Your husband is an a**hole." Muntik nang maiprino ni Cassandra ang kotse. "Hindi ko alam kung ano ang problema ninyong dalawa, at ayaw ko namang makialam," wika pa ni Diolph. "Pero ang nakikita ko, ginagawa mo ang lahat para magkaayos kayo. You don't deserve his coldness. You don't deserve how he treats you." Sinalubong ni Cassandra ang mga mata ni Diolph. "Believe me, Diolph. I do. I deserve this." Hindi na nagsalita pa si Diolph. He knows right there, he had to stop. Naging tahimik na sila hanggang sa iparada na ni Cassandra ang kotse nito. "We're here," sa wakas ay wika ni Cass. Bumaba na siya ng koste at pumasok sa entrance ng store. Sumunod naman si Diolph. Sa hardware section sila kaagad nagtungo. Kumuha ng cart si Diolph at sinundan si Cassandra. Isa isang kinuha ni Cass ang mga kailangan at inilagay iyon sa cart. "Nakaka-miss din pala," mayamaya ay wika ni Cassandra. "Ang alin?" usisa ni Diolph. "Ang ganito. Ang mamasyal. Ang mamili," tugon ni Cassandra. "Hindi ka maniniwala, pero ngayon ko lang ulit ito ginawa after more than a year." Tiningnan lang siya ni Diolph. Ngumiti siya, ngunit mapait iyon. "Nakunan ako, Diolph. And it was my fault." Hindi naihanda ni Diolph ang sarili sa tinuran na iyon ni Cassandra. "I'm sorry," mahinang anas niya. Hindi niya alam ang sasabihin. "Isang taon na rin magmula nang makunan ako. At magmula ng araw na iyon, kailangan kong mabuhay araw-araw dahil sa guilt." Nakita ni Diolph ang pangingilid ng mga luha ni Cassandra. Nakikita niya sa mukha nito na sinasariwa nito ang mga alaala. "Kung nakinig lang sana ako noon kay Tim. Di sana okay pa kami ngayon. Di sana buhay pa ang anak namin at masaya kami. Today is my baby's birthday. It was supposed to be her birthday." She smiled kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Now I understand why Tim was extra angry at me today. Sa sobrang abala ko sa pagsisikap na makuhang muli ang loob niya, nakalimutan kong birthday nga pala dapat ng anak namin ngayon kung nabubuhay siya. Lahat ng mga kinikimkim niyang sama ng loob, mga salita na gusto niyang sabihin at isampal sa akin, nasabi niya kanina nang walang pag-aalinlangan. I know he's hurting so much, but he's hurting more than I know." Napabuntong hininga si Diolph. This woman is carrying a very heavy burden. Awang awa siya kay Cassandra. And he doesn't know what to do. "And where is she? Your daughter." usisa niya rito. "Sa lungsod nakalagak ang mga labi ng anak namin. Doon kami nakatira before the incident that took my daughter's life happened. Kaya lang naman kami nandito dahil sa bumagsak ang negosyo ni Tim. I had to work my ass off. Buti nga sumama pa sa akin si Tim. Hindi kami makakapunta sa lungsod para mabisita ang anak namin. Not in our state of mind. Nakakahiya ring humarap sa anak namin na hindi kami okay ng daddy niya." Nasapo ni Cassandra ang noo. "God! Imbes na makuha ko ang loob ni Tim, lalo ko lang siyang naitutulak palayo. I'm just so stupid!" "Cassandra!" saway ni Diolph. "Don't say that. You're not stupid. Hindi mo kasalanan na nawala ang anak ninyo." "Why? Do you know anything, Diolph? No, right? Wala kang alam. Kaya wala kang karapatang sabihin sa akin na wala akong kasalanan." Napagtaasan ng boses ni Cassandra ang binata. Natakpan niya ang bibig ng mapagtanto iyon. "Oh my God! I'm sorry, Diolph! Hindi ko sinasadya. I'm so sorry!" natataranta niyang wika. "No, it's okay," tugon ni Diolph. "Sa pinagdadaanan mo, naiintindihan kita. Tama ka, wala akong alam. Gusto ko lang sanang pagaanin ang loob mo. I'm sorry." "No, Diolph. I'm sorry. Dapat hindi na ako nagkuwento sa iyo. Dapat hindi na lang kita isinama." Napatingin siya sa paligid. "At nasa lugar tayo na hindi tamang pag-usapan ang mga bagay na sinasabi ko." "Mas okay sa akin na nagkuwento ka. Dapat hindi mo sinasarili ang problema mo. I'm willing to listen, Cassandra," tugon ni Diolph. He stared at her with comforting smile. Tinapos lang ni Cassandra ang pamimili at nagtungo na sila sa tinutukoy niyang kaniyang favorite restaurant. "So, here we are. Since today is my baby's birthday, I might as well buy her a cake." At um-order nga siya ng cake. She saved it for their dessert. Dapat sana ang kasama niya ay si Tim. Maybe he's somewhere else too, at ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang anghel. Um-order si Cass ng favorite niyang pasta at iba pang dishes. Gusto niyang matikman iyon ni Diolph. "Nahihiya talaga ako sa iyo, Diolph," wika ni Cassandra sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. Nag-angat sa kaniya ng tingin ang binata na halatang nag-i-enjoy sa pagkain. "You are our guest. Dapat hindi kita in-involved sa mga personal kong problema." "I told you, it's okay," tugon ni Diolph. "In fact, you can tell me more. Pansamantala lang akong maglalagi sa Casa. In a few days, aalis na ako at babalik sa States. Lahat ng sasabihin mo, safe sa akin. Kung may pinakamapagkakatiwalan mang tao sa mundo mo ngayon, walang dudang ako iyon." Tumango nang marahan si Cassandra. "Nasaan nga pala ang parents mo?" tanong ni Diolph. "Nandito lang sila sa Magenta," mabilis na tugon ni Cass. "Dinadalaw ko sila, minsan. Minsan lang kasi ang focus ko talaga na kay Tim, kasi he needs me most. Hindi ko pinapapunta sina Inay at Itay sa Casa. Galit kasi sila kay Tim dahil sa pagtrato niya sa akin ngayon. Normal na reaksyon ng mga magulang." She chuckled. "Syempre, anak nila ako. Kaya nasa akin ang simpatya nila. Ayaw nilang ginaganito ako ni Tim. Minsan nagpunta sa Casa si Itay para lang sapakin si Tim dahil sa sulsol ni Inay. From that day on, hindi ko na sila pinapasok sa Casa. Ayaw ko ng gulo. Kaya ako na lang ang dumadalaw sa kanila." "Okay," maikling tugon ni Diolph. "How about your husband's?" "Nasa lungsod. Mother na lang ang meron siya. And she doesn't like me for Tim. Even before. Pakiramdam ko nga no'n ay parang nasa telenobela kami. Kami iyong bidang langit at lupa ang agwat. Ngayon, alam na ni Tim na tama ang mom niya all along. Dapat pala talaga iniwasan ko na noon si Tim. At dapat pala hindi niya na ako ipinaglaban." "Pero ipinaglaban ka niya. Ibig sabihin no'n mahal ka talaga ng asawa mo. Nagkataon lang na sinubok kayo ng tadhana. Nasasaktan lang siya, pero isang araw, magiging okay rin ang lahat." "Do you really believe that, Diolph?" "Alam mo, Cassandra, kung hindi ka mahal ng asawa mo, hindi na siya sasama sa iyo rito. He could've stayed in the city with her mom. Dapat iniwan ka na niya. Pero sumama siya sa iyo kahit galit na galit siya sa iyo. Ibig sabihin no'n, there's still a part in his heart na gusto pang maayos ang pagsasama ninyo." "You think so?" anas ni Cassandra. Marahang tumango si Diolph habang nakangiti. "Kaya, tama ang ginagawa mo na hindi mo siya sinusukuan. Pero huwag mong hayaan na sisihin mo ang sarili mo sa lahat ng nangyari. Kahit ilang araw pa lang kitang nakikita, kahit ilang beses pa lang tayong nag-uusap, I know that you are a good woman, Cassandra. Don't forget to be kind to yourself," wika niya. Maluha-luhang napangiti si Cassandra sa mga narinig. "Maraming salamat, Diolph. You don't know how much I needed that reminder today. I appreciate it so much." "Habang nasa Casa ako, pwede mo akong kausapin kung kailangan mo ng kausap. You may have a lot of friends, pero iba ang stranger. A stranger won't betray you." They smiled at each other. Deep inside ay bahagyang nasasaktan si Diolph. Hindi niya kailangan ng matagal na panahon para mapagtantong gusto niya nga si Cassandra. Sa kabila ng mga nalaman niya, alam niyang mabuti itong babae at hindi nito deserve ang lahat ng sakit na pinagdadaanan nito. Kung nakilala lang sana niya ito noon pa, he will treat her right. Pero dahil mahal ni Cassandra ang asawa nito, igagalang niya ang relasyon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD