Chapter 5: Alessia Kane Sullivan

2940 Words
CHAPTER 5 Sia's POV Napabalik ako bigla sa realidad ng maalala ang mga kaganapang iyon.   Muntik na akong matumba sa lapag, kung 'di lamang may isang matigas na bisig ang sa akin ay sumalo.   Tiningnan ko ito at agad itinulak ng makilala ito.   Ang lalaking may asul na mata.   "Hayop ka!" galit na sigaw ko rito. Nandilim ang paningin nito at nag-cross arms sa harapan ko.   "Ayusin mo mga salita mo, tandaan mo," putol nito at tiningnan ako ng direkta sa mata, "wala ka na sa mundo mo," dugtong pa nito bago ako binigyan ng nakakakilabot ng ngisi.   Napapalatak ako at nginisian rin s'ya.   "Nandito na ako," sagot ko. Nangunot naman ang noo nito dahil sa pagtataka.   "Ibig sabihin ba noon ay ito ang mundo ko?" pang-aasar ko dito.   Tila hindi nito nagustuhan ang aking sinabi at napatiim bagang.   Inirapan ko lamang ito bago humarap kay Ms. Bevs na ngayon ay nakahawak ang kamay sa ulo.   "Magsitigil na kayo," pag-awat nito. "At ikaw Alessia," turan nito at tinaliman ako ng tingin.   "Kay bago-bago mo pa lang tapos nang-gugulo ka na kaagad?" paismid na sabi nito. Inirapan ko lamang s'ya at kinutkot ang aking kuko.   "Ang matindi pa, royal at guardians pa ang kinalaban mo! D'yos ko, ano bang problema mo ha?" inis na bulyaw nito.   Hinarap ko ito at tinitigan. Mga titig na wala man lang kaemo-emosyon.   "Anong pake ko sa kanila? E sila naman 'yung nauna? So bakit hindi ako gaganti?" pangangatuwiran ko pa.   Napahawak s'ya sa bandang dibdib na tila inaatake.   "D'yos ko po, Peter! Sigurado ka ba talagang dito sa Caelum ang batang 'yan? Kay bastos-bastos! Parang hindi tinuruan ng magulang ng tamang asal!" bulalas nito.   Napairap na lamang akong muli sa huling sinabi n'ya. Paulit-ulit na lang sila, tss.   Puro na lang bastos, puro na lang walang magulang o ano man. E ano ba kasing magagawa ko? E sa wala naman talaga?   "Hanggang ngayon ay hindi ako naniniwalang s'ya--" naputol sa ere ang sinasabi nito dahil sa pagsuway sa kanya no'ng Peter.   "Tumahimik ka Bevs, mamaya ay um-attend ka ng misa dahil hindi ko na rin nagugustuhan ang tabas ng 'yong dila," saway nito. Napalagok naman ito at tila naumid ang dila na ikinangisi ko.   "Sorry po, sadyang hindi ko lamang mapigilan ang aking sarili. Dahil bukod sa naabutan kong sinasaktan n'ya si Darius, ay sinampal n'ya rin si prinsesa Cruzette," ulat nito. Napatingin naman ang Peter na 'to sa akin at tinaasan ng kilay. Inaantay na sagutin ko ang mga pahayag ni Ms. Bevs.   Napangalumbaba lamang ako sa harapan nito at walang ganang sinagot ang kan'yang akusasyon.   "Oo, ginawa ko nga. Bakit?" tanong ko rito.   Mag-aalburoto sanang muli ang ginang ng magsalita ako.   "E kasalanan ko bang nauna sila? Atsaka, bakit hindi n'yo tanungin 'tong lintik na lalaki na 'to?" tanong ko sabay duro sa binata.   "Muntik n'ya lang naman akong patayin SA IKALAWANG PAGKAKATAON," sagot ko habang dinidiinan ang ibang salita.   Napaismid ito at napaiwas ng tingin.   "Hay nako, bakit ba kasi ako ang na-assign sa inyo?" nangungunsuming tanong ni Peter.   Hindi ko na lamang ito pinansin at umupo sa swivel chair na nasa harap.   Nagdekwatro pa ako at hinarap ang taong nakaupo ngayon sa aking tapat.   "Anong kailangan n'yo?" direktang tanong ko. Napailing na lamang ito sa aking inasta at tumayo sa upuan. Tinalikuran ako nito at binuksan ang isang malaking drawer na gawa sa bakal. May inilabas itong folder at paistang ibinato sa lamesa.   "Tingnan mo," utos n'ya. Inirapan ko na lamang ito at binuksan ang laman ng folder. Napatulala ako sa nabasa.   Dear Caelumanian   CONGRATULATIONS AND WELCOME TO THE CAELUM COMMUNITY!  This is Peter from the Admissions Office of Caelum Academy. Please see your attached registration card for the First Semester of S.Y. 2030-2031. Feel free to email us if you have concern/s regarding your schedule. Opening of classes for College students will be on the 17th of August 2030 and for Senior High School, it will be on the 24th of August 2030.  Thank you very much and WELCOME TO CAELUM ACADEMY! THE LAND OF CELESTIAL AND EXTRAORDINARY BEINGS! IMPORTANT REMINDERS: ·  Students who paid in full may disregard the assessed fees. ·  All assessment is at default Plan B agreeing to the initial down payment that you have made. Rest assured that it’s deducted on the student’s total tuition recorded on our Student Financial Service System. ·  Intentions to pay in full or changing to Plan A mode of payment may send their request to the Admissions Office. ·  An installment fee is added to the total tuition amount if decided to do payment modes – Plan A (P400), Plan B (P800).  Regards, ADMISSIONS OFFICE CAELUM ACADEMY   Pagkatapos ko itong basahin ay inilipat ko sa kabilang page. Dahil sa katamaran ay nai-skim ko lamang ito at binasa ang importanteng parte.   Since you passed the selection process, the board members decided to grant you a full scholarship and monthly allowance for the rest of the school year by simply following their rules and regulations.   Those are to be discussed by your respective professor...   Napairap na lamang ako at hindi na tinuloy ang kasunod pa.   Full scholarship? Para saan? At isa pa, wala naman akong nadalang pera pang-gastos dito o kung ano man.   Sinulyapan ko ng tingin ang aking kaharap na ngayon ay matamang nakatingin sa 'kin. Waring pinapanood ang bawat kilos ko.   Nginitian lamang ako nito bago magsalita.   "Go on, check the next page," pag-uudyok nito. Binuklat ko muli sa sumunod na page at literal na napasigaw sa nabasa.   "Ano? Bakit ganito? Hindi--" pinutol n'ya ang sinasabi ko sa pamamagitan ng pagpalakpak ng kamay.   Naagaw nito ang atensyon ni Ms. Bevs at no'ng lalaking asul ang mata. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa pagkasaksak n'ya sa 'kin no'n.   Hindi ko nga siya kilala, so bakit s'ya galit sa 'kin 'di ba? May something ba sa kanila ni Luke kaya niya nagawa sa akin –   Nanlaki ang mata ko ng maalala ang tungkol sa bagay na iyon.   "Sht! Nasaan si Luke?!" di mapigilang bulalas ko. Hindi ko akalain na magagawa ko iyon sa kaniya.   Ang saksakin s'ya...   "Ha! Hinahanap mo pa talaga s'ya pagkatapos ng ginawa mo sa kan'ya?" may bahid sarkasmong sagot ng lalaking blue-eyed sa akin.   Napapalatak na lamang ako at napairap dahil sa inis.   Malamang hahanapin ko s'ya dahil kaibigan niya ko!   "Kagaya na lang ba ng dahilan kung bakit ka nandito sa harapan ko kahit pa sinaksak mo rin ako?" balik pang-aasar ko dito. Napatiim bagang lamang siya habang pinipilit ikalma ang sarili.   "Tumigil na kayo, saka niyo na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan," mahinahon na pag-awat ni Peter sa amin.   Tumango lamang ang kausap ko at itinuon ang atensyon sa folder na hawak ko.   "Ano pong laman niyan, sir Peter?" magalang na tanong nito.   Napaismid na lamang ako sa inasal niya. Biglang bait porke't iba ang kausap. Pero paniyak na ang pinapakita niyang ugali sa akin ang totoong kulay niya.   Plastic...   Naging matunog ang ngisi ko na ikinalingon n'ya. Sinamaan ako nito ng tingin at nagbanta, "humanda ka sa akin," sabi nito ng hindi gumagawa ng ano mang tunog. Lalong lumawak ang ngisi ko at itinago ang folder na hawak ko mula sa kan'ya.   Bakit naman mukha s'yang interesado? May mapapala ba s'ya dito? Saka ko na lang iisipin ang tungkol sa bagay na 'yon pagkatapos ko dito.   "You two, please give us a little privacy over this matter," utos nito. Napatango lamang si Ms. Bevs rito pagtapos ay nag-chant muli ng spell.   Sa isang iglap ay nawala na ito ng tuluyan na tila sumama sa hangin. Hindi ko mapigilan ang pagkagulat kaya't nanatiling nakanganga sa nakita.   Agad ko itong itinikom ng mapansin ang nang-aasar na tingin ng binata. Nag-cross arms ako sa harapan nito at tinaasan ng kilay.   "Sabi 'di ba na umalis kayo?" tanong ko rito ng may sarkastikong tono, "oh, bakit nandito ka pa?" dugtong ko. Sinamaan lamang ako nito ng tingin bago sumagot.   "Hindi pa tayo tapos," tanging sabi nito at  naglaho ring bigla.   Napailing na lang ako.   'Mukhang ang dami ko pang mararanasan dito,' sambit ko sa sarili.   Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig ng kalampag sa lamesa.   May kasama pa nga pala ako.   Sinulyapan kong muli ang nakasulat sa papel at inihirap sa kan'ya.   "Anong katangahan 'to?" tanong ko. "Hindi naman ito ang apilido ko 'di ba?" dugtong ko pa kasabay ng pagtaas ng kilay.   Napangiti lamang ito na tila alam na sasabihin ko 'yon.  Huminga muna ito ng malalim bago muling magsalita.   "Alam ko," pirming sagot n'ya.   'Alam n'ya pala pero bakit ito ang inilagay? Tss' reklamo ko sa sarili.   Mukhang nababasa n'ya ang aking naiisip dahil sa biglang pagtawa nito ng malakas.                            "Ayaw mo ba ng pangalang nakalagay d'yan ngayon? Maganda naman, hindi ba?" tanong n'ya matapos tumawa.   Napairap na lamang ako at saka ito tinitigan ng matalim.   "Alessia Kane Fleur ang nakalagay dito, wala naman akong kilalang Fleur sa buong buhay ko," sabi ko pa.   Napailing na lamang ako, bakit niya kailangang ibahin ang surname ko?   Oo, wala na nga akong magulang, at hindi ko rin alam kung sino ba sila sa personal.   Ayon sa sulat na nagmula sa mga tumayo kong magulang noon, nakita nila ako sa may kagubatan. Malapit na raw akong malunod sa ulan, mabuti na lamang at nakuha pa nila ako.     Ipinagtanong na rin nila ako sa mga residente at barangay doon, ngunit wala namang nag-claim sa akin.   Dahil doon ay pinasya na nilang kupkupin ako at dalahin sa Maynila kasama ang mga anak niya.   Maayos naman ang buhay namin, kung hindi lamang nagkaroon ng pandemya noon at kinitil ang buhay nila pareho.   Napangiti na lamang ako ng mapait nang maalala ang lahat ng kamalasang nangyari sa akin magmula ng mawala sila.   Tumawang muli si Peter na nagbalik ng atenshon ko sa kaniya. Kinunutan ko ito ng noo at saka muling nag-cross arms sa harapan nito. Inip na naghihintay ng idudugtong n'ya.   "Bakit Alessia?" tanong nitong muli. Ngunit ngayon ay gamit ang mas seryosong boses. Ginawaran ako nito ng kakaibang ngiti na nagpatindig ng balahibo ko. Lalo na nang bigkasin n'ya ang mga salitang nagdulot ng kakaibang kaba sa kaibuturan ng aking pagkatao.   "Handa ka ba'ng malaman nila kung sino ka talaga?"   Napatahimik ako sa tinuran nito. Sinuri ko ang kabuuan niya ngunit wala akong makitang kakaiba rito.   "Gaano mo 'ko kakilala?" nanghahamong tanong ko rito.   Nitong nakaraan ko lang rin nalaman ang tungkol sa tunay kong pangalan. Dahil sa tulong at kuwento ni Xyrza, na ang apilyidong nakasulat sa iniwang papel doon sa basket ay apilyido ng isang taong kilalang-kilala nila.   Iyon ang pinaka-dahilan ko para gustuhing sumama sa kaniya sa Tarnen. Para mahanap ko ang totoo kong ama, na matagal ko ng di nakakasama.   Matagal ko ng gustong alamin ang mga dahilan nila.   Ang dami kong bakit na gustong tanungin. Kagaya na lamang ng, bakit nila ako iniwan? Bakit nila ako pinabayaan sa humanus welt gayong kauri nila ako? Bakit nila naatim na pabayaan ang anak nila na halos mamatay sa lahat ng pinagdaanan ko mula pa lamang pagkabata?   Bakit?   Kung totoong makapangyarihang tao siya, bakit hindi niya ako hinarap at isama sa kaharian niya?   Mahina ba ako? Magiging pabigat lamang ba ako?   Hindi ba ako karapat-dapat na dalahin ang apilyido niyang tinitingala ng lahat?   Hindi ba ako karapat-dapat na maging Sullivan?   Napailing na lamang ito at muling nagsalita.   "Maaari ka ng lumabas, Alessia," sabi nito at tumingin sa relo n'ya. "Nagsisimula na ang klase mo ngayon, sundin mo na lang ang nakalagay d'yan sa folder dahil nand'yan na lahat ng kailangan mo," sabi nito at itinuro ang pinto. Hindi ko na lamang ito pinansin at tuluyang lumabas ng silid. -- Kasalukuyan akong naglalakad sa mahabang pasilyo na ito. Bawat room ay tinitingnan kung anong section ang nakalagay, at kung hindi ito ang hanap ay nilalampasan ko na lamang.   Napailing ako nang makitang huling room na ito ng ikalawang building na iniikutan ko. Ang mga building dito ay umaabot hanggang 6th floor at may apat na rooms sa isang palapag. May elevator sila dito ngunit hindi ko alam kung paano paganahin dahil sa scanner pa doon na kailangan para gumana 'yon, na hindi ko naman alam kung para saan o anong iii-scan sa akin.   Mula kanina pa ako paghahanap ng lintek na GCA1 na 'yan! Pinagloloko yata ko ng lintek na Peter na yon! Na napag-alaman kong dean ng ekswelahan na 'to, tss.   Napapalatak ako sa inis at padabog na bumalik sa pinanggalingan ko kanina. May ilang nagtitinginan sa 'kin, pero di ko na lang pinapansin. Nag-aksaya na nga ako ng oras sa lugar na 'to, tapos pag-aaksayahan ko pa sila? Hello? Ano ako, hilo? Tss..   Nasa bandang gitna na ako ng daan ng bigla akong matapilok. Muntik na akong tumimbwang, mabuti na lamang at magaling akong bumalanse.   Inis kong tiningnan kung sinong hampas-lupa ang pumatid sa akin. Nadako ang aking tingin sa isang babae na nakasuot ng heels at naka-cross arms sa harapan ko.   "Anong problema mo?" direktang tanong ko rito. Nginisian lamang ako nito bago nagsalita.   "Wala lang, you look pathetic kasi roaming around e, so tinulungan na kita," sambit nito sa nakakairitang boses.   Pinagpag ko ang sarili at nag-cross arms rin sa harapan n'ya.   "Oh, ako ang pathetic? So what do you call yourself," tigil ko at tiningnan ito direkta sa mata bago nagpatuloy, "a loser?" dugtong ko pa.   Nag-usok ang ilong nito at inis na pumadyak upang patigilin ang mga nagsisitawa sa paligid n'ya.   "Shut up!" namumulang sigaw nito. Pansin ko ang paglabas ng mga estudyante at pag-usyoso nila.   "You! You're such a pathetic loser b***h!" sigaw nito habang nakaduro sa akin.   "Oh, are you referring to me? Or you're just introducing yourself?" pang-aasar ko rito. Lalo itong namula sa inis at magsasalita sana ngunit inunahan ko na.   "Alam mo naman, if you point a finger to other people, the remaining four fingers points at you back 'di ba?" sambit ko dito in a 'matter of fact' tone.   "What the hell did you just say?!" nanggagalaiting sigaw n'ya.   Akmang susugod na ito at ilalapat ang palad sa aking pisngi ngunit mabilis ko itong nahawakan at ibinalik sa kan'ya ang sampal na dapat gagawin n'ya.   "Taste your own medicine, b***h!" sigaw ko dito at saka nginisian.   Hawak-hawak naman nito ang pisnging sinampal ko at galit na tumingin sa 'kin.   "How dare you!" sigaw nito. Hindi ako nakaiwas ng haklatin n'ya ang aking buhok.   Nawalan ako ng balanse dahil doon at napaupo sa sahig. Nang makabwelo ay hinawakan ko rin ng mas mahigpit ang buhok nito at iwinasiwas sa iba't-ibang direksyon.   Ramdam ko ang isang matigas na bisig na humiklat sa akin palayo. Inis ko itong tiningnan at nakitang yung Darius 'yon!   "Ano ba!" sigaw ko rito. Binalingan ko ng tingin yung babae at nakitang inaalalayan ito nong blue-eyed guy na ngayon ay matalim na namang nakatingin sa 'kin.   "Ikaw na naman? Anong gulo ba ang dala mo sa payapang school na 'to ha?” seryosong sambit n'ya. Napailing ang katabi ko na tila sumasang-ayon sa sinabi ng kasama.   "Bago ka pa man mapunta dito, gulo na ang dala mo. Hindi naman namin akalain na hanggang dito pala? Edi sana nailigtas pa namin si--" putol no'ng blue-eyed sa sasabihin ng bigla itong sinamaan ng tingin nong blue-eyed n'yang kasama.   "No one dares to mess with me!" nanggagalaiting sigaw nang babaeng kaaway ko kanina. Smudge ang lipstick nito at nagulo ang kanina'y straight na buhok. Ang kanyang damit ay nagusot rin at nagkaroon ng kaunting mantsa dahil sa alikabok.   Nag-cross arms ako sa harapan nito bago umismid at nagsalita.   "Well, I do," sagot ko rito. Napahigpit ang hawak nito sa katabi na waring humihingi ng tulong.   "Huhu Gunther, tingnan mo ang ginawa n'ya sa 'kin! Kay bago bago pa lang pero gan'to na ang inaasta n'ya! Ang scary, dapat ipatapon na lang s'ya sa kabila huhu," maarteng pagpapaliwanag nito habang nagpupunas ng mga matang wala namang luha.   Napairap na lang ako sa nakita at napapalatak na ikinatingin nila.   "Hoy, para kang tanga," panimula ko. Tila nagulat ito sa sinabi ko at magsasalita ngunit inunahan ko ito.   "Ikaw 'tong papansin na naninisod kahit wala akong ginagawa. Ikaw rin 'yang gustong manampal dahil lang napahiya ka. Oh tapos babaliktarin mo ko?" patuya kong anas rito. "Gago ka ba?" dugtong ko pa. Nanlaki ang mata nito na tila gulat na gulat sa sinambit ko.   "Oh my gosh! Look Gunther oh! Did you hear her? She just said the G word!" paghihisterikal nito. Tumingin pa ito sa paligid na waring humihingi ng tulong. 'Attention seeker, tss' reklamo ko sa isip.   "Guys diba she hurt me? Kita n'yo naman 'di ba?" pinanlakihan n'ya ang mga ito ng mata kung kaya't walang nagawa ang mga nanonood kung 'di tumango at umiwas ng tingin.   "See, Gunther? Dapat sa Daemon s'ya napasok e, hindi naman s'ya nababagay rito," pasaring n'ya pa at dumikit sa blue-eyed na Gunther ang pangalan.   Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Darius sa akin nang mapansing susugurin ko ang estupida sa harapan ko. Binalingan ko ito ng tingin at nakitang nakatitig rin ito ng diretso sa 'king mata. Waring nangungusap na h'wag ko nang patulan ang kaharap.   Inirapan ko lamang ito bago muling itinuon ang atensyon sa dalawa na matalim na nakatingin sa akin. Binigyan ko lamang sila ng walang ekspresyong titig bago tumalikod.   Hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita ako na ikinatigil nila.   "I guess it's better na sa Damon Academy ako mapunta, baka sakaling mababait ang mga nilalang ro'n, unlike here in Caelum, the holy one's daw yet umaalingasaw ang baho ng mga ugali n'yo." huling sambit ko bago naglakad palayo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD