Chapter 6: Chosen Knight Guardian

2953 Words
CHAPTER 6 Sia's POV Inabot na ako ng break time paghahanap kung kaya't nagsisilabasan na rin ang iba't ibang estudyante ng akademya.   Naiipit na rin ako dahil sa biglaang pagdami nila at pagdagsa sa cafeteria kung kaya't nagpatangay na lamang ako papunta doon.   Napatulala ako sa laki ng cafeteria nila.   Ang lawak ng lugar na iyon na akala mo ay football field. Ang mga muwebles rito, mula sa mga upuan, lamesa at ibang kasangkapan ay may bahid ng ginto at silver na kulay. Kung nasa humanus welt lamang ako at mag-uwi maski isang upuan ay tiyak na milyonaryo na ako pagbalik.   Natigil ako sa pagmumuni-muni ng tumunog ang t'yan ko. Napahawak ako rito at bahagyang napailing dahil hindi pa pala ako kumakain mula nang magising ako.   Nakipila ako sa mahabang linya at nagtiis ng gutom habang naaamoy ang mabangong aroma na nagmumula sa kinakain nila.   Habang umiiksi ang pila ay ramdam ko ang paglalaway lalo na nang makita ng malapitan ang mga pagkaing inihahain nila.   Tingin pa lang ay mukhang masarap na, paano pa kaya kung natikman ko na? Inaantay ko na lang matapos ang nasa harapan ko at turn ko na. Kanina pa ako nakatingin sa menu at iniisip kung anong kukuhain ko.   Sa wakas! Tapos ng kumuha ng pagkain ang kaharap ko at paalis na ito sa puwesto. Humakbang ako palapit sa kahera at nginitian ito. Ngumiti rin ito pabalik at inihanda ang papel na listahan ng kukuhain ko.   "Miss, isa nito, at ito, at saka yung dessert na lecheflan yung malaki please!" sabi ko rito habang pinagtuturo ang mga gusto ko.   Tumango naman ito at inilista ang mga order ko.   "Drinks po?" tanong pa nito. Inilibot ko ang tingin sa beverages section at napukaw ng aking pansin ang kulay pulang likido na 'yon.   "Ayun po oh," sagot ko at saka ito itinuro.   Nagtataka itong tumingin sa 'kin ngunit kalaunan ay isinalin rin at hinanda ang iba ko pang order.   Inilapag nito ang tray na puno ng pagkain sa harapan. Ramdam ko ang lalong paglalaway rito kung kaya't agad ko itong sinunggaban ng kuha.   Paalis na sana ako sa pila ng bigla itong sumigaw na ikinatigil ko.   "Miss! Nasa'n na card mo pangbayad sa kinuha mo?" sigaw nito.   Napalingon ang mga nasa malapit na table at ilang nakapila sa gawi namin.   Nangunot ang noo ko at iginala ang paningin sa paligid.   May ilan sa nakapila ang may hawak na iba't-ibang kulay ng card. May green, yellow, red, maging silver at gold ay mayroon din.   Dahan-dahan akong humarap pabalik sa kahera na ngayon ay hindi na nakangiti at nakakura ang palad sa harapan ko.   Binigyan ko lamang ito ng nagtatakang tingin na naging dahilan ng pagtaas ng kilay n'ya.   "Ano? Wala kang pambayad?" mas nilakasan pa nito ang pagkakasabi kung kaya't mas lumakas ang bulungan at dumami ang nakikiusyoso.   Halos gusto kong manliit dahil sa tinging ibinibigay nila, lalo na nang dahan-dahang lumapit 'yong babaeng nakaaway ko kanina habang kasama ang mga alagad n'ya. Ang mga takong nito ay tumutunog sa bawat paghakbang n'ya, na ikinalilingon ng iba. Nasa tapat ko na s'ya at saka tiningnan ang dala-dala ko.   "OMG guys! Look at her oh!" pagtawag n'ya ng pansin sa lahat. Karamihan sa mga ito ay natigilan at nagsitingin sa aming direksyon. Nag-aabang ng susunod na mangyayari.   Dahan-dahan kong inilapag ang hawak ko sa counter at saka s'ya hinarap.   "Ikaw na naman?" tanong ko rito sa bored na tono.   Umakto pa itong parang gulat at nasasaktan at saka s'ya nagsalita.   "Oh my! Hindi mo na ako maalala? Poor ka na nga sa money, poor pa ang iyong memorya?" pang-uuyam nito na naging dahilan ng pagtawa ng ilan sa cafeteria. Nginisian ko lamang ito at saka tiningnan mula ulo hanggang paa.   "Ay omg I think I remember you nga!" pang-gagaya ko sa nakakairitang tono n'ya. "Hindi ba you are the one na nilampaso ko in the hallway kanina? Then you make sumbong to that Gunther as if you are so api 'di ba?" dugtong ko pa habang naka-cross arms sa harapan n'ya.   Namula ang mukha nito at lumingon-lingon sa paligid dahil sa pagtawa ng mga ito sa kan'ya.   Susugod sana s'ya ng pinigilan siya ng kasama n'ya at saka binulungan. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa tray na katabi ko, pagkatapos ay nginisian ako.   "Doesn't matter, atleast I have my card to pay for my foods, unlike you, poor mortal," sambit n'ya pa at saka inilabas ng silver n'yang card. Iwinagayway n'ya ito sa aking harapan bago muling nagsalita.   "See this color? This is the third to the highest class card. Madami s'yang laman to the point that I can buy all the food in here," pagyayabang n'ya. "Food that you can't even afford, like eeww," dugtong pa n'ya at saka nakipagtawanan sa mga kaibigan n'ya.   Naiinis man ay nanlulumo kong tiningnan ang pagkain na kinukuha na ng kahera. Nagrereklamo na rin kasi yung iba sa pila dahil gutom na rin sila.   Aalis na sana ako ng biglang may maalala.   "Wait!" sigaw ko na ikinatigil nila.   Bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina sa office ni Dead Peter.   "Okay Alessia, noong nakaraan pa nagsimula ang klase. Ang tagal ng tulog mo, dahil na rin sa lalim ng sugat na ginawa sa 'yo ni Gunther, hay nako, yung batang 'yon talaga," sambit n'ya habang napapailing.   Nagtataka man kung sino 'yong tinutukoy n'ya ay hindi ko na lamang pinansin dahil mas napukaw ang aking atensyon ng unang sinabi n'ya.   "Klase?" takang tanong ko rito. Tiningnan lamang ako nito at saka nginitian, bago ilahad sa akin ang folder na kanina n'ya pa hawak.   "Oo, klase. Nandito ka sa academy para mag-aral. Walang kaso kung elementarya pa lamang ang natapos mo sa humanus welt, dahil sa pag-eexamine namin sa 'yo nung tulog ka ay napansin naming may kakaiba sa 'yo," sambit n'ya pa.   Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya.   'Anong nalaman nila?' tanong ko sa isip.   Napansin yata nito ang pagtataka ko kung kaya't nagsalita itong muli.   "Napansin namin na ang IQ mo ay above average. Advance ang teknolohiya rito sa dimetiri welt, kung kaya nate-test agad namin ito kahit hindi pasagutan ng exam," paliwanag n'ya pa. "Isa kang bright na bata, Alessia," dugtong n'ya.   "Salamat po," nahihiyang sagot ko rito. Bastos man ako madalas, ay marunong pa rin naman akong magpasalamat o maging mabuti depende sa kaharap. Sa ngayon ay mukhang maayos naman ito at mabait, maamo rin ang kan'yang mukha na nagpagaan ng loob ko sa kanya.   "Sige hija, iyong section at schedule mo ay nand'yan na. Maging ang ilang papeles na pinalitan ko, at ang details sa magiging kwarto mo ay nakasulat na rin diyan. Nasa first year college na kita naipalagay, at iniintay ka na rin ng mga propesor at kaklase mo roon," sambit n'ya.   Napatango na lamang ako at akmang aalis nang biglang may mahulog sa hawak ko. Isang maliit at puting card.   "Ano 'to?" takang tanong ko at saka ineksamin ang itsura nito.   Normal card lamang naman ito katulad ng sa atm, kaso ay literal na purong puti lang ang kulay n'ya.   Nginitian n'ya lamang ako at inihatid palabas ng silid.   "Malalaman mo rin," huling sagot n'ya at saka isinarado ang pintuan.   Agad kong binuklat ang folder na hawak ko at hinanap ang card na 'yon. Pinakita ko ito sa kan'ya at iwinagayway sa harapan nila.   "May card din ako, excuse me," sambit ko saka umirap.   Nagkatinginan ang mga ito at saka sabay na nagsi-halakhakan. Maging ang kahera ay nakahawak na sa sikmura dahil sa sobrang pagtawa.   "White card? HAHAHAHA," tawanan pa nila na lalong lumalakas kada segundong lumilipas.   "Halos wala pa nga sa kalahati ng inorder mo  ang laman n'yan!" sagot ng kahera at nagpatuloy sa pagtawa.   Napapahiya ko namang dahan-dahang ibinaba ang hawak ko at saka napayuko dahil sa sobrang kahihiyan. Pagod at gutom na ako, pagkatapos ay wala akong masyadong alam sa mundong ito dahil kakagising ko lang mula sa matagal na pagkakahimlay tapos ito lang ang mararanasan ko?   Nasaan na yung mabait na ikinukwento nila sa 'kin?   Napabuntong-hininga na lang ako at akmang ipapasok muli ang card sa folder nang maramdaman ko ang pag-init nito.   "Ah!" napapasong sigaw ko.   Nagsitinginan ang mga nanonood sa gawi ko dahil sa pagtataka. Ngunit kalaunan ay nanlaki ang mata sa gulat.   Maging ang kahera at 'yong babaeng kaaway ko, kasama ng kanyang mga alagad ay napatanga dahil sa nakikita.   Ang kaninang purong puti ay nagkaroon ng kulay.   Kulay asul.   Magkahalong puti at asul na ito, napatingin ako sa glass na bubong ng cafeteria at napadungaw sa ulap at kalangitan na kasing-kulay ng hawak ko.   Pagkabalik ko ng tingin sa mga ito ay bakas ang gulat sa kanilang mga mata. Bahagya akong napaigtad ng may baritong boses ang nagsalita sa likuran ko.   "The heavenly card," sambit nito na nagpatahimik sa lahat ng nilalang sa cafeteria. Lalo na sa huling sinabi nito na nagpagulat at nagpamangha maging sa akin.   "Sky's the limit," seryosong sambit na taong nasa likuran ko.   Dahan-dahan akong humarap upang makita kung sino ito, at tumambad sa akin ang pares ng asul na mga mata.   Natahimik ang mga nilalang sa cafeteria, pare-parehong hindi makapaniwala sa taong nagsalita ngayon sa harapan nila.   "A-Anong ibig mong sabihin Gunther?" nauutal na tanong ng babaeng kanina ko pa nakakaaway.   "Look Dian," sabi nito at inilabas ang card niyang kapareho ng sa akin.   Napa-ohh naman ang mga tao sa cafeteria sa sobrang pagkamangha.   "P-Paano nangyari 'yon? How can a mere mortal like her earn that much moolah in her account?" nagdududang tanong pa nito at tiningnan ako.   Pagkakataon ko naman para ngumisi sa kaniya. Iwinagayway ko sa ere ang hawak na card at dahan-dahang iniabot sa cashier na mukhang gulat rin sa nangyari.   Tila natauhan ito at dali-daling bumalik sa counter para i-punch ang order ko. Awtomatiko itong bumalik sa mga kamay ko na s'ya kong ikinagulat.   "Our card will automatically come back to us, so no one would steal other's moolah," paliwanag muli ni Gunther.   Tumango na lamang ako at tinangay ang pagkain ko. Iniwanan ko na lang silang tulala doon dahil gutom na rin ako.   Naghanap ako ng puwesto at nakitang bakante ang nag-iisang malaking table sa gitna. Mukhang wala namang umookupa roon kung kaya't inilapag ko na ang tray at nagsimulang kumain.   Walang imik akong kumain habang iniignora ang bulong-bulungan nila sa tabi. Napairap na lamang ako sa isip at pinilin h'wag silang pansinin.   Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagkain ay may nagsi-upo na rin sa bakanteng upuan sa harapan at gilid ko. Hindi na ako nagtaas pa ng mukha at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.   "Uhm, excuse me but you're on our table, Miss," sabi ng isang babae. Inis kong inilapag ang hawak ko at hinarap sila.   Pareho kaming nagulat ng makilala ang isa't-isa.   "Ikaw na naman?" hindi makapaniwalang sabi nito at humalukipkip.   Napairap na lamang ako habang napapailing na nakatingin sa mga ito.   Si Princess Cruzette at iyong Darius na nakaaway ko kanina.   'Wala na bang imamalas pa ang buhay ko?' usal ko sa sarili.   Akma na akong tatayo dahil sa kawalan ng gana ng may mga kamay na lumapat sa braso ko upang pigilan ako.   "Hey Sia! Sabi ko na at magkikita tayo ulit," bati nito. Nginitian niya lamang ako pagkatapos ay inokupa ang puwesto dito sa tabi ko.   "Pahingi ah," sabi nito at kinuha ang chicken wings na nasa plato. Bago pa ako makapag-reklamo ay nakuha niya na ito at kinagat sa harap ko.   "Ang sarap talaga ng luto ni Mother Lina, medyo off lang talaga yung cashier nila ngayon, hmp," sabi pa nito habang patuloy sa pagnguya.   "Eeww, cannibal!" nang-aasar na biro sa kaniya ni Darius. Pinanlisikan niya lamang ito ng tingin at ibinaba ang buto n'yang tira.   "Hindi naman sila kauri, so it's safe," depensa pa niya at kumuha muli ng isang wings sa plato ko.   Tinampal ko naman ang kamay ni Darius ng akma siyang dadakot sa plato ko.   "Tigilan n'yo ang pagkain ko ha," banta ko rito. Napalabi lamang ito at humarap kay Princess Cruzette na tila humihingi ng tulong. Inirapan lamang siya ng dalaga na ikinalukot lalo ng mukha niya.   "Ang damot mo naman, pagkatapos mo akong suntukin kanina," pangongonsensya nito. Napasinghap naman ang mga katabi namin sa table na tila nagulat sa narinig nila. "Kasalanan mo rin naman 'yon," bagot kong sabi rito at tinaliman s'ya ng tingin.   "Bakit ka nga pala nandito sa table? Wala bang nangyari sa'yong masama?" tanong nito habang sinusuri ako.   Napataas na lamang ako ng balikat at uminom ng tubig sa harapan nila.   Nagkatinginan ang mga ito na waring nagtataka at nag-aantay ng kung ano.   Like, ano bang meron dito?   "Come on guys, I think alam ko na ang dahilan kung bakit hindi man lang siya nasaktan ng pumuwesto rito," sabat ni Rhie sa usapan. Nakasilip ito sa folder na nasa hita ko. Hindi pa man ako nakakakilos ng bigla niya itong kinuha at iwinagayway sa iba.   "Because she's one of us," malakas na sabi nito, dahilan para magsitinginan ang mga narito sa cafeteria.   Panay singhap ang narinig ko, lalo sa mga kababaihan na tila hindi makapaniwala. Pinakamalakas dito ay ang sa puwesto nila Dian na halatang hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari.   Inirapan ko lamang ito at ibinalik ang tingin sa kanila.   "Ano bang ibig n'yong sabihin?" takang tanong ko sa mga ito. "At isa pa," dugtong ko at hinablot ang folder sa kamay ni Rhie, "normal folder lang 'to kagaya ng ibang nandito," ani ko at itinuro ang ilang folder na katulad ng hawak ko.   "Hahaha, hindi mo ata ako kilala," may pagmamalaki pa sa tono nito habang tumataas-taas ang kilay.   Natigilan lamang kami ng may isang malakas na kamay ang ibinagsak sa mesa na nagdulot ng ingay rito.   Seryoso kami nitong tiningnan isa-isa, hanggang sa matigil sa akin ang titig n'ya. "Sumunod ka sa akin," seryosong sabi n'ya at padabog na lumabas ng pinto. Naiwan kaming nagtataka sa ikinikilos niya, lalo na ako.   Ano bang problema mo, Gunther?   Nagtaas lamang sila ng balikat at nagsitayo na rin sa puwesto. Wala na akong nagawa at sumunod sa kanila.   Tinatahak nila ngayon ang daan patungo sa isang gusali na hindi ko nakita kanina. Higit na malaki ito kumpara sa mga nadaanan at pinuntahan ko kanina.   Tahimik ko lamang na pinagmamasdan ang lawak ng paligid, maging ang mga puno, halaman at kung ano-ano pa na nagbibigay ganda sa lugar ng mauntog ako sa isang pader.   Napapalatak ako sa inis at napahawak sa noo dahil masakit iyon. Inis kong tiningnan ang nasa harapan at napatda ng mapagtantong hindi pader, kung hindi likod ang pinag-untugan ko kanina.   Hindi man s'ya lumingon ay kilala ko kung sino ito.   "Gunther," asar na tawag ko sa kan'ya. Hindi niya na lamang ako pinansin at itinaas ang kamay.   Isang nakakasilaw na liwanag ang bumulaga sa akin kung kaya't napapikit ako ng bahagya dahil dito.   Dahan-dahan kong iminulat ang mata ng humina ito at napamangha sa nakikita. Isang gusali ang nagpakita sa aming harapan. Kakaiba ito kumpara sa iba dahil ang mga pader nito ay gawa sa matibay na baging at ibang palamuti. May tore ito sa pinaka-gitna, habang may malawak namang field sa baba.   "Tara," sabi nito at nagtuloy-tuloy pagpasok sa loob.   Binalingan ko ang ilan naming kasama at nagulat dahil sa mga mata nila. May kakaibang glow sa mga ito, na tila may humalong kulay sa normal na itim o brown na iris ng mga ito.   Napabalik lamang ako sa wisyo ng maramdaman ang paghila ni Rhie sa 'kin papasok sa loob. Wala na akong nagawa kung hindi magpatianod rito.   "Woah," mangha kong sambit. Kung maganda na sa labas, ay higit na kahanga-hangga ang matatagpuan dito sa loob.   Mas malawak pa ito kumpara sa inaasahan ko. Nagsimula na kaming pumasok sa isang silid at bumungad ang isang mukhang propesor, at isang babae na nakatingin ng matalim sa akin.   Tinaasan ko lamang s'ya ng kilay at ibinalik ang atensyon sa propesor ng magsalita ito. "Welcome to the club, another guardian," nakangiti ngunit may laman na sabi nito. Tinanguan ko lamang ito at inilibot ang tingin sa silid.   May iba't-ibang klase ng armas dito katulad ng espada, palaso, dagger, kahit iyong malalaking hammer na sa tv ko lamang nakikita noon, ay nandito sa harapan ko.   "Anong ibig n'yong sabihin?" takang tanong ko rito.   Guardian? Para saan? Hindi ako guard ng kung sino o ano man!   Tila nabasa nito ang nasa isip ko kung kaya't muli itong ngumiti at inalalayan ako patungo sa lugar ng mga armas.   "Malalaman mo rin, Alessia. Sa ngayon, pumili ka ng armas na tingin mo ay babagay sa kakayahan mo," sabi nito at itinuro ang mga ito.   Inilibot ko ang tingin sa mga ito ngunit walang makakuha ng atensyon ko.   Napailing na lamang ako habang isa-isang sinisilip at sinusuri ang nahahawakan ko.   "Wala akong makitang gusto ko," pag-amin ko.   "Baka hindi talaga s'ya--" naputol ang sasabihin ng babae kanina ng may kuminang sa peripheral vision ko.   Sinundan ko ito ng tingin at nakita ang isang espada na ngayon ko lamang nakita.   Nilapitan ko ito at pinalandas ang daliri sa talim nito. Malaki ito, at sa unang tingin pa lang ay alam mo na ang kabigatang taglay nito.   Walang pagdadalawang-isip ko itong iniangat at kinuha gamit ang dalawang kamay. Maski ako ay nagulat dahil sa gaan nito.   Nakangiti ko itong pinagmasdan habang nilalaro sa aking kamay.   Nakarinig ako ng marahang palakpak mula sa likuran kung kaya't hinarap ko ito at nakita ang nakangiting propesor. Halata ang gulat sa mukha ng apat, maliban kay Gunther na malalim ang tingin sa akin at sa hawak kong espada.   "The mighty sword chose you," sabi nito habang lumalapit sa akin. Ngumiti ito pagkatapos ay muling nagsalita gamit ang seryoso at malalim na tinig.   "You are the chosen knight guardian, Alessia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD