Chapter 20

2214 Words
Halos madapa na ako dahil sa pagmamadali. Binabalanse ko lang ang sarili sa mga batong natatapakan habang unti-unti ring humihina sa pandinig ko ang agos ng tubig sa batis.   Kabado ako, sobra. Sa takot ko ba namang maligaw, siguro ay matutumbasan nito ang takot na nadama noong gabing muntik na akong mapahamak. Kahit sabihin pang halos nakikilala ko na sa kabuuan ang islang ito, hindi pa rin sapat ang mga panahong iginugol ko upang makabisado ang daan dito. Maraming pasikot-sikot at halos magkakamukha lang naman ang pathway. Sabayan pa ng mga tila nagpapataasang puno na halos magkasintayog lang at magkakamukha.   Nang tuluyan na akong makalayo sa batis, isang liko ng leeg ko sa kanan ay nakita ko na si Carlo. Hindi naman ganoon kabilis ang lakad niya. Tumakbo lang ako saglit ay maaabutan ko rin naman siya.   “Carlo!” sigaw ko. Sa sobrang payapa ng paligid ay umalingawngaw ang pangalan niya sa tinis at lakas. Bahagya siyang tumigil ngunit nang magsimula akong tumakbo ay muli siyang nagpatuloy sa paglalakad.   Nakakainis. Talagang pinahihirapan ako ng lalaking ito. Tuwang tuwa kapag nang-aasar pero kapag ako naman itong nakagawa ng hindi niya gusto, daig pa ang pinakamasungit. I mean, pwede naman sana niya akong hintayin doon dahil hindi ko rin naman intensyong magtagal. Gayong alam kong hindi naman sila okay sa isa’t isa, ang tanga ko naman para manatili roon, ‘di ba?   Besides, kapag naiisip kong nakikiusap siya, hindi ko iyon matitiis. At base sa mga naging karanasan ko rito sa isla, para bang minsan lang siya nakiusap. Sobrang sama ko naman kung sa lahat ng naitulong niya sa akin ay ganoon ang isusukli ko.   Habol-habol ko ang hininga ko nang tuluyan na akong tumabi sa kaniya. Tumingala ako upang tingnan siya ngunit tuloy-tuloy pa rin siya sa lakad at diretso lang ang tingin sa dinadaanan.   “Carlo—”   “You should stay there. Bakit ka sumunod?” tanong niya sa masungit na tono. Hinawi ko na lamang ang buhok ko dahil sa mahinang hangin na bigla na lang umihip.   “Ako dapat ang magsabi niyan. Pwede ka namang manatili roon para hintayin ako.”   “Sa tingin mo kaya kong tagalan ‘yon? Naisip mo bang… hindi ko kayang tiisin ‘yon?”   Mapait ang pagkakasabi niya nito. Animo’y puno ng pagkamuhi at para bang malalim talaga ang pinag-ugatan ng alitan nila ni Iso. As much as I want to ask him about that, hindi ko maitatangging pinangungunahan din ako ng takot. He’s so dominant in so many ways, paano lalabanan iyon?   Mula sa pagkakatingala sa kaniya, napilitan akong ilipat na rin ang pansin sa dinadaanan at natahimik. Tuloy lamang sa paglakad kahit pagod at hinihingal. Makakayanan ko pa kaya ang layo gayong hindi biro ang distansya na tinahak namin kanina? Higit dalawang kilometro rin yata iyon base sa tantya ko.   The sound of wind is whistling. Sumasaliw ang mga puno at unti-unting nagsisilaglagan ang mga tuyong dahon nito. Paminsan-minsan ay nahuhuli ako dahil sa mga nakausling ugat sa daanan. Siya naman ay tuloy-tuloy lang lalo’t halata namang sanay na siya sa mga hurdles dito.   Naroon ang masidhi kong pagnanais upang usisain lahat ng kung ano mang alitan nila ni Iso. Sa palagay ko, hindi talaga ako nito tatantanan dahil base sa obserbasyon ko, napakabait naman ni Iso. Siya iyong tipo na hindi madaling magkaroon ng kaaway, taliwas kay Carlo na halatang mainitin ang ulo at maikli ang pasensya.   “Aray!” sigaw ko nang tuluyan na akong hindi nakaiwas sa malaking ugat na naka-usli. Para akong batang nadapa pero buti na lang, una kong naitukod sa lupa ang aking palad.    “F-uck.”   Now, he’s back. Bumalik siya at nadama ko agad ang magaspang niyang palad na umalalay sa kamay ko. Saktong sa pag-angat ko ng tingin, namataan ko ang naghahalong galit at pag-aalala sa kaniyang mga mata.   “O-okay lang ako…”   Umiling-iling siya at tinulungan akong tumango. Hindi ko alam kung bakit pero sa puntong ito, hindi ko magawang alisin ang aking tingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Kaunti na lang ay magkakasalikop na ang mga daliri dahil sa higpit nito.   “May masakit ba? Kaya mo bang maglakad?” sinsero na niyang usisa. Ngayong nakapirmi na ang pansin ko sa mukha niya, nakababa naman ngayon ang tingin niya sa paa kong natalisod.   Gusto kong magmatigas. Totoong gusto kong maglakad ngunit kung magpapatuloy pa ako, bibigay din sa pagod ang paa ko, lalo na iyong kagagaling lang sa pilay. Kaysa naman pilitin ko at pwersahin, ako rin ang mahihirapan. Baka ito pa ang maging dahilan kung bakit mananatili na naman ako maghapon sa kubo.   Nahihiya man ay umiling ako.   “Hindi ko na kaya.”   “Sumampa ka na sa likod ko, pwede?” suhestyon niya. Hindi na ako nag-alinlangan pa upang sumang-ayon dahil iyon na ang pinakakumportable sa akin. Kaysa naman buhatin niya ako gaya ng mga bagong kasal. Mas pipiliin ko na lang sigurong maglakad kung iyon ang mangyayari.   Tumalikod siya nang makita ang aking tango. Nag-squat siya hanggang sa mapantayan niya ang tangkad ko habang ako naman ay napapalunok-lunok pa. Titigan ko pa lang ang likod niya ay pumipintig na ang puso ko sa kaba. Na para bang delikadong sumakay sa likod niya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong mangyari ito!   Isang tikhim ang ginawa ko bago ako humakbang. Nang dumikit na ang tuhod ko sa ibabang parte ng likod niya, marahan kong ikinawit ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Sa isang iglap, damang dama na ng braso ko ang matikas at matigas niyang balikat. Napasinghap pa ako nang higitin na niya ang aking binti saka umangat mula sa bahagyang pagbali niya sa kaniyang tuhod.   Higit pa ito sa inaasahan ko. Lalo’t kasabay ng kaniyang pag-angat, dinaig pa ng isang mabilis na karera ang puso ko. Abot-abot na ngayon ang hiling ko na sana hindi niya nararamdaman ang kaba ko. Talagang hindi ko masisiguro na matutupad iyon ngayong nakadikit ang dibdib ko sa malapad niyang likod.   S-hit. Mapapamura ka na lang talaga.   “You okay? May kailangan pa bang i-adjust?” paniniguro niya. Lumunok muna ako bago sumagot.   “Uh, okay na.”   He nodded. Nang magsimula na siyang maglakad ay lalo kong hinigpitan ang pagkakasalikop ng mga braso ko sa kaniya. Hindi naman ganoon kabilis ang hakbang niya. Sakto lang. Halata ang pag-aalalay.   Habang naglalakad siya, ipinuwesto ko ang ulo ko sa kanang parte ng kaniyang leeg saka ipinatong ang baba sa kanan niyang balikat. Lihim akong napapikit nang masamyo ko ang nakahuhumaling niyang bango. Amoy mamahalin siya at sobrang nakakababae.   “Anong brand itong pabango mo?” tanong ko sa gitna ng katahimikan. As usual, mga huni lang ng ibon at mga insekto ang namumutawi sa paligid. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng itanong ay ito pa ang naisipan ko. Kung sa bagay, hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Nakakapagtaka talaga ang pabango niya gayong taga-isla naman siya.   Don’t get me wrong, hindi ko sinasabing mababaho ang mga taga-isla. Sadyang hindi ko lang inasahan na ganito pala ang ibabango ng lalaking ito gayong hindi madaling lumuwas sa kanilang isla. Mauunawaan ko naman kung may hindi siya kanais-nais na amoy dahil limitado lang ang maaari nilang bilhin. Pero sa gaya niya? Wow.   “Bibigyan kita kung gusto mo.”   “What? No. Ayaw ko maging amoy lalaki. Baka kung ano pa isipin ng iba kapag naamoy ako.”   Saglit siyang natahimik ngunit nagsalita rin.   “Sino ang ‘iba’ na tinutukoy mo, iyong lalaki mo ba?”   “Lalaki ko?”   “Hmm, sino pa nga ba?”   What the heck?   “Kung si Iso ang tinutukoy mo, hindi ka nagkakamali,” buong tapang kong sabi. Total iniwan niya ako kanina, eh ‘di iinisin ko naman siya ngayon.   “What? Anong sinabi mo?”   “Bingi.”   “Did you just admit you're his girl?” Halatang halata na naman ang iritasyon sa kaniyang boses.   “Woman,” pagtatama ko. At this point ay hindi ko naman napigilang mapangisi. Hindi ko inakala na ganito pala kasarap sa pakiramdam na mang-asar. It’s been a while, though.   “Don’t play with me. Wala akong panahon sa paglalaro mo.”   “Seryoso ako Carlo. Crush ko siya. Crush ko ang kaaway mo.”   “F-uck.”   “Kung ayaw mong maniwala, eh ‘di huwag.”   “Tss…” he hissed, hopeless and frustrated.   At some point, bahagya akong natuwa sa kaniya. Biruing inaasar ko na nang todo-todo pero hindi naman ako binaba o binitawan. Hindi lang ako sigurado kung magiging consistent ba dahil baka bigla na lang niya akong ibato. But I admit it, I commend his temperance.   “Babaero ‘yon,” aniya sa saglit na pagmutawi ng katahimikan. Nagpanting ang pandinig ko at na-intriga bigla sa sinabi niya.   “Babaero? Sigurado ka r’yan?”   “Nasa sa’yo kung ayaw mong maniwala.”   “Hindi ako maniniwala.”   “Hah. Eh ‘di ‘wag.”   “Talagang hindi. Sinisiraan mo lang naman siya sa’kin para layuan ko siya.”   “It’s up to you. Puso mo naman ang nakasalalay diyan, hindi sa’kin.”   “Mukha naman siyang mabait Carlo pero bakit ba galit na galit ka ro’n?”   “Looks can be deceiving, Daffodil.”   Natameme ako. Kung kanina ay mukhang okay naman para sa akin si Iso, ngayon ay binabalot na ako ng kuryosidad sa kaniya. Ano kaya ang nangyari at bakit parang malabo na silang magkasundo? Ano kaya ang nakita ni Carlo na sana ay nalaman ko rin?   Being raised by a nice family, I don’t think Iso as a bad boy, womanizer, or what. He’s so angelic to even play with feelings and hurt someone’s heart. Sa nakikita ko, itong si Carlo lang ang mali. Na para bang may nagawa si Iso na hindi ginusto ng isang ‘to, siguro dahil sa babae.   Kung posible ngang babae ang dahilan ng alitan nila, sino naman kaya ang babaeng iyon? Si Roma?   Eh teka nga, bakit ba si Roma ang bigla kong naisip?   Speaking of Roma, naisip ko tuloy kung may pag-asa bang makakaayos kami. I mean, hindi naman kaaway ang tingin ko sa kaniya. Sadyang may galit lang siya dahil naroon ang pag-aalala niya kay Nay Klaring. Hindi gaya ng iba, batid kong valid at rasonable ang kaniyang dahilan. Dahil higit sa lahat, mahihinuha namang dala lang ng pagmamahal sa lola ang galit niya sa akin.   Somehow, naisip ko na sa kabila ng lahat ng ito, nakikita kong mabuti ang kaniyang puso. At sakaling makumbinsi ko lang na maging maayos na siya sa akin, malaking kabawasan na iyon sa mga problema ko.   Sa loob ng maraming minuto, wala ng nagsalita sa amin. Nawalan na ako ng mga nais sabihin at mukhang nabalot na siya ng pagkainis sa akin. Mabuti na lang dahil hinahayaan naman niya akong ipatong ang baba ko sa kaniyang balikat. Kung hindi, baka kanina pa ako nangawit at nakangiwi.   Sobrang kalmante ng paligid sa padinig hanggang sa umabot pa sa puntong dinadalaw na ako ng antok. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na napapikit na ako. Marahan kong ipinosisyon ang pisngi ko sa pagkakapatong sa kaniyang balikat saka pumikit hanggang sa hindi ko na napigilan pang makatulog.     **     Napadilat ako dahil sa mabangong aroma ng naaamoy kong adobo. Ikinusot ko ang mga mata ko at gumilid ng pagkakahiga. Ganoon na lang ang gulat ko nang matantong nakahiga na ako sa higaan at sumalubong ang panloob ng itsura nitong kubo. S-hit. Nakatulog ako?   Bumangon ako at itinuon ang mga mata sa kusina. Naningkit naman ako ngayon dahil mula rito, nakikita ko na naman ang topless na pangangatawan ni Carlo habang nagluluto. Naka-side view siya mula sa paningin ko kaya hindi malabong mapapansin niya ako sa peripheral vision. Hindi nga ako nagkamali dahil habang naghahalo siya sa kalan, ibinaling niya ang tingin sa akin.   Paulit-ulit akong umusal ng mura sa isipan. Dahil kalakip ng kaniyang tingin, hindi nakatakas sa mata ko ang nakapinta niyang ngisi. May nagawa ba akong kakaiba? Anong nangyari noong natutulog ako kanina sa kaniyang balikat?   Tumayo ako at itinupi ang pinaghigaan. Pinulot ko rin ang suklay na nakapatong lang sa hamba ng bintana saka inayos ang magulong buhok. Habang nagsusuklay, hindi ko na naman naiwasang sulyapan si Carlo. Pero sa halip na makita siyang walang emosyon gaya ng nais kong makita, nainis lang ako dahil hindi pa nawawala ang ngisi sa labi niya.   Bumuntong hininga ako upang mawala ang iritasyon. As much as possible, kailangan kong magtimpi dahil iba ang ugali ko kapag bagong gising at nagsusungit. Bakit kailangang ngumisi? Anong dahilan kung bakit siya nakangisi?   Nang kampante na ako sa laglag ng mahaba kong buhok, mabigat ang loob kong nag-martsa patungong kusina. Kapwa ko ipinosisyon ang palad sa magkabila kong balikat hanggang sa marating ko na ang puwesto sa mismong likod niya.   God, that iron-clad shoulders and muscular back, bakit ba perpekto ang pisikal ng nilalang na ito?   “Anong nginingisi-ngisi mo?” masungit kong usal. Nang humarap siya sa akin ay lalo lang nagsalubong ang kilay ko sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD