Chapter 09

2319 Words
Note: Please be advised that this is a work of fiction and any incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. ** CHAPTER 09 Habang tinatahak ang daan patungo sa dalampasigan, hindi ko naiwasang pansinin kung kumportable na ba sa akin si Igor. Noong huli kasi naming pagkikita, ramdam kong naroon pa ang ilang niya. Siguro dahil hindi niya pa ako kilala nang lubusan.   But now, as I begin to know this place more, gagawa na rin ako ng paraan upang mas makilala pa ang mga residente rito. Hindi pwede iyong mananatili lang ako sa kubo o sa iisang lugar nang wala man lang nakakausap o nakikilalang bagong tao. Kailangan kong pawiin kung ano man ang negatibo nilang impresyon sa akin. After all, hindi naman ako masamang tao gaya ng iniisip sa akin ni Roma.   Sa aming paglakad, maririnig sa paligid ang mahinang huni ng mga ibon. At dahil hapon na at malapit na ang paglubog ng araw, umiiral na rin sa aking pandinig ang tunog ng mga gangis at kuliglig. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil nagagawa ko nang maranasan iyong mga hindi ko nasasaksihan noong ako ay nasa siyudad pa. Magaan sa loob dahil para sa akin, iba talaga ang hatid ng kalikasan.   “Ayos ka lang Igor?” tanong ko habang nakasunod sa kaniya. Dala-dala pa rin niya ang maliit na kahon ng posporo at paminsan-minsan niyang ibinababa roon ang tingin.   “Opo, Ate Daff.”   Tumabi ako sa kaniya. Lalo kong inilawak ang ngiti ko nang saglit siyang tumingala sa akin.   “Pwede magtanong?”   “Sige lang po Ate.”   “Paano mo maipagmamalaki sa gaya ko ang isla ninyo?”   Tumahimik siya sa loob ng maikling sandali. Paglipas ng ilang segundo ay saka na siya nagsalita.   “Gaya po ng ibang isla, isang tipikal na lugar lang din po itong Isla Agunaya. Ang kaibahan lang po niya ay mas kinatatakutan po itong puntahan. Ni hindi ko po talaga alam kung paano po ito maipamamalaki sa inyo gayong sira na po ang imahe nito sa labas.”   Nalungkot ako bigla. Sa mura niyang edad, nakalulungkot isipin na mulat na siya sa impresyon ng kanilang tinitirahan. Sino nga ba naman kasi ang maglalakas-loob na tumungo rito kung ang bansag na sa lugar na ito ay patay na isla? Katakot-takot ang inabot nito kahit sa mga paaralan. Kahit yata mga bata sa elementarya ay alam na kung saan kilala ang lugar na ito.   “Mabuti na lang at napadpad ako rito sa isla niyo,” wika ko nang diretso lang ang tingin sa dinadaanan.   “Bakit ate?”   “Dahil nalaman ko kung ano ang totoo at kung ano ang hindi ko dapat pinaniwalaan.”   “Totoo po bang pangit ang tingin ng mga tao sa isla namin kaya walang dumadayo?”   Inangat niya ang tingin sa akin para yata tingnan ang reaksyon ko. Dismayado man ay tumango ako.   “Oo. Totoo ‘yon.”   Dahil sa katahimikan, narinig ko ang kaniyang buntong hininga. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka kung saan-saan pa aabot ang usapan at baka lalo ko lang mapabibigat ang kanyang loob.   Sa halip ay itinuon ko na lang ang aking pansin sa aming dinadaanan, partikular na sa likas na ganda nito dahil makikita ang makukulay na bulaklak sa magkabilang gilid ng pathway. Gawa rin sa mapinong damo ang mismong tinatapakan namin. Wala ni kahit na anong alikabok na mabubuo kahit pa siguro magtatatakbo kami.   Sa lalong pag-usad, unti-unti ko nang naririnig ang ugong na likha ng dagat. Maririnig na rin ang salitang bagsak ng alon kaya senyales ito na malapit na kami sa dalampasigan. Hindi ko alam kung dapat ba itong ipangamba dahil minsan ko na nang narinig kay Pael noon na may coast guard na nagbabantay. Itanong ko kaya ito kay Igor? Baka may alam siya tungkol dito?   “Igor, totoo bang may bantay sa isla niyo?”   “Opo ate. Pero nasa kabilang dako po sila. Mahigpit pong bilin ng pinuno na huwag daw po kaming pumunta roon at magpakita dahil sigurado pong huhulihin kami.”   Bigla tuloy akong nagtaka. Wala kaya silang ideya na may naninirahan pa rin sa lugar na ito? Malaking palaisipan sa akin kung paano nagagawa ng mga taga-rito ang mangisda at tumungo sa ibang isla nang hindi nahuhuli.   Ang dami kong gustong malaman. Itatanong ko na lang kay Nay Klaring ang tungkol dito pagkauwi namin.   Sa ilang sandali pa ay unti-unti nang bumungad sa paningin ko ang malawak na larawan ng karagatan. Napahinto ako at literal na napatitig sa bughaw na kulay nito at sa naghahalong kahel sa kalangitan. Hindi na rin gaanong mainit ang silahis ng araw na humahalik sa aming balat. Sapat na ang dahilan upang sabihin na nalalapit na ang pagsapit ng dilim.   Nang magpatuloy, mas dahan-dahan na ang lakad namin ni Igor. Sa bawat hakbang ay sinasadya ko talagang ilubog ang paa ko sa buhangin dahil kakaiba ang init na idinudulot nito. I’ve been longing to this kind of place since I was a child. Kung mayroon man kasing outing ang pamilya o ‘di kaya’y ang klase, karaniwan ay sa pool at sa resort ang aming pinupuntahan. Lahat ng iyon ay artificial kaya bagong bago sa akin ngayon ang pakiramdam.   Nilingon ko ang magkabilang dulo ng dalampasigan. Napansin ko na walang ibang taong narito kun’di kami lang.   “Madalas bang walang tao rito?” tanong ko sa bata na ngayon ay sumisilip sa gagamba na hinuli kanina. Mabilis niyang isinara ang kahon saka lumingon sa akin.   “Opo. Saka lang maraming pumupunta rito kapag dadaong na ang mga mangingisda.”   Isang linggo. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Carlo. Posible kayang dumaong sila ngayon o mamayang gabi? Baka bukas?   Base kasi sa naaalala ko kay Nay Klaring, kung hindi tatlong araw ay aabutin daw ng isang linggo ang mga mangingisda sa laot. Pero kung sakali ngang makikita ko na siya, sa paanong paraan ko kaya siya kakausapin? Magkakaayos na kaya kami? Paano kung lalo pang lalala?   Kilala ko ang sarili ko. Hindi naman ganoon kataas ang pride ko. Pero bakit ganoon na ako pagdating sa harap ng lalaking iyon?   Inaya ko si Igor na lumapit sa mismong dagat. Sumang-ayon naman siya kaya umusad ulit kami sa paglalakad. Halos maiyak ako bigla sa saya nang umabot na kami sa tubig-alat at nabasa na nito ang aking mga paa. Bahagya pa akong yumuko upang ibabad din ang mga kamay ko at damhin pang lalo ang lamig nito. Para akong dinadala sa paraiso.   “Wala bang ganito sa inyo Ate?”   Umiling ako nang nakatitig lang sa dagat. Pinag-aaralan ko ang bawat detalye nito sa tuwing humahampas ang mahinang alon at sa tuwing nanahimik ulit ito para sa pagbwelo at pagbadya.   “Walang ganito sa Manila.”   “Hala! Manila? Bakit hindi mo sinabi Ate?” namamangha niyang tugon. Natawa ako bigla.   Hindi ko alam kung bakit karamihan sa mga nasa labas ng Manila ay namamangha sa nasabing siyudad. Kung tutuusin, higit pa sa triple ang ganda ng kanilang lugar. Sawang sawa na ako sa araw-araw na ingay na paulit-ulit nililikha ng mga sasakyan. Dama ko na rin doon ang dumi ng hangin at kabi-kabila na ang polusyon mapa-lupa man o tubig.   Gayunpaman, ayaw kong siraan ang lugar na iyon dahil kahit papano’y doon din naman ako nanggaling. Hahayaan kong sila na mismo ang magdiskubre ng mga bagay na lingid sa kung ano ang kanilang nalalaman.   “Teka…” dinig kong bulong ni Igor. Ibinaba ko ang tingin sa kaniya at napansin kong nakakunot na ang kaniyang noo. Saka ko ibinaling ang aking tingin sa kung saan siya ngayon nakatitig.   “Bakit?”   “Parating na sila Tatay!”   Naningkit ang mga mata ko at pinakatitigan ang tinutukoy niya. Bakit parang may patungo rito? Hindi ko masiguro kung bangka ba iyon o sasakyang pandagat dahil gatuldok lang naman ito sa aking mga mata.   “Sino sila?” usisa ko.   “Ayan na sila ate. Sila Kuya Carlo! Sandali, babalik po ako sa looban para tawagin na sila Nanay.”   “Sandali—”   Hindi ko na napigil pa si Igor dahil nagmamadali na siyang tumakbo pabalik sa loob ng isla. Sa isang iglap ay naiwan akong mag-isa dito habang unti-unti nang lumalakas ang ingay mula sa malayo. Sa puntong ito ay hindi ko naiwasang isipin na nagmumula iyon sa bangkang patungo rito sa dalampasigan. Nagsimula na ring bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa namumuong kaba.   Napagpasyahan ko nang umahon. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa tuyong buhangin hanggang sa makarating na ako sa ilalim ng puno ng niyog. Hinayaan kong nakasuot pa rin sa akin ang aking tsinelas saka pinatuyo ang basang palad sa laylayan ng suot kong palda. Kitang kita ko na sa lente ng aking mga mata ang bangka kung saan nakasakay ang lalaking matagal ko na ring hindi nakakausap.   Ang kaninang katahimikan ay napunan na ngayon ng ingay hindi lang dahil sa papalakas na tunog ng makina ng bangka. Ngayon ay nakabalik na si Igor kasama ang grupo ng mga kalalakihan at kababaihan na higit sampung katao rin ang bilang. Inisa-isa ko sila at napansin kong wala pa akong nakakausap kahit sino sa kanila. Paano kaya kung makihalubilo ako?   Panay ang lingon ni Igor sa kaniyang paligid, siguro ay hinahanap ako. Nang mapansin niyang nakaupo ako rito sa ilalim ng puno ng niyog ay saka siya tumakbo patungo rito.   “Ate, nandito ka lang pala.” Umupo siya sa paanan ko, hapong hapo at hinahabol ang paghinga.   “Anong mangyayari?”   “D-dadaong na po kasi ang bangka. May magaganap pong bayanihan para mahila ang bangka sa tuyong bahagi ng dalampasigan.”   Marahan akong tumango. Ganoon pala iyon.   “Nga po pala, ibinilin po sa akin ni Nay Klaring na pagbawalan daw po kita kung sakali mang nais mong tumulong sa paghila. Hindi pa raw po kasi magaling iyong pilay mo. Baka raw po lumala kung pupwersahin mo ang sarili mo…”   “Huwag kang mag-alala, Igor. Manonood lang ako rito. Maliban na lang kung iiwanan mo akong mag-isa rito.”   Tumawa siya. “Naku, dito lang po talaga ako. Hindi rin po kasi ako papayagang humila ng lubid dahil masyado pa raw po akong bata para r’on.”   Natuwa ako dahil sa narinig na tawa mula sa kaniya. Kahit papano’y naramdaman kong unti-unti na siyang naging kumportable sa akin.   Kung ano-ano pa ang sinabi ni Igor tungkol sa paghila ng lubid. Aniya, may incentive daw ang pagtulong na ito. Isa-isa raw binibigyan ang mga tao ng dalawa hanggang tatlong isda bilang reward. Na-engganyo din tuloy akong tumulong. Ang kaso, iisipin ko pa lang kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko noong hindi pa ako makalakad, ay pinipigilan na kaagad ako ng sarili kong mag-volunteer sa bayanihan.   Maya-maya pa ay huminto na rin ang malaking bangka sa dalampasigan. Sabay-sabay na luminya ang mga tao at may nag-abot naman ng lubid na siyang nakakabit mismo sa bangka. Prente kong tinitigan ang mga mangingisda na ngayon ay isa-isang lumalabas sa sasakyang pandagat. Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang maagaw ng atensyon ko ang isang mangingisda na walang saplot pang-itaas at tanging ripped jeans lang ang pang-ibaba.   Namangha ako bigla sa nakita. Nadedepina ng batak niyang mga kalamnan ang taglay niyang pagkamoreno. Kitang kita ang umbok ng kaniyang biceps, lalong lalo na ang abdominal muscles. Napansin ko na ito kahit noong kaharap ko pa siya pero hindi inakala na ganito pala kalala ang pagkamasuklado niya!   Sunod-sunod akong lumunok nang pumwesto siya sa dulo ng pila at tumulong sa paghila ng lubid. Sa bawat bilang ng tres, lalong na-f-flex ang mga muscles niya, dahilan kung bakit lumuwa halos ang aking mga mata. Oo, aaminin kong saksakan siya ng gwapo pero naglalaho lahat ng iyon kapag sasagi sa isip ko kung gaano kasama ang kaniyang ugali.   Hindi ko maunawaan ang sarili ko. Humahanga ako pero naiirita. Posible ba talaga ito?   Sa lalong pagtuntong ng bangka sa buhangin, lalo ring umaatras ang mga humihila ng lubid. Kung kanina ay may kalayuan pa sila mula sa pwestong kinatatayuan ko, ngayon ay sigurado akong makikita na ako ng kahit na sinong nasa linya. S-hit. Bakit nalalamon na ng kaba ang sistema ko?   “Ate, ayos ka lang?”   Mabilis kong ibinaba ang tingin kay Igor. Hingal na hingal pa rin siya at mas pinagpawisan.   “O-oo, a-ayos lang ako. Bakit mo naman naitanong?”   “Napansin ko po kasi na parang nag-iiba po ang ekspresyon niyo. Para ka pong namimilipit.”   “Huh talaga? Oh God.”   Lalo akong nataranta. Ini-imagine ko pa lang na iyon ang itsura ko sa harap ng Carlo na iyon ay nawawala na ako sa sarili ko!   “Ngayon ba? Mukha pa rin ba akong namimilipit?”   “Hindi naman po gaano, medyo lang—” Hindi na natapos ni Igor ang sinasabi nang biglang may nagsalita sa aming harapan. Kusang namilog ang mga mata ko nang ibaling ko roon ang tingin at nakita na mismo nang harap-harapan si Carlo!   “Bakit nandito ka?” seryosong tanong niya.   Literal akong suminghap dahil dalawang hakbang na lang ang layo namin sa isa’t isa. Literal na bumulaga ang muscles niya na kung tutuusin ay higit pa sa mga kalalakihang nakikita ko sa magazines. Aminado akong gwapo siya at hindi naging handlang ang pagkamoreno niya. Kahit sino yatang babae ay sasabihing malakas ang kaniyang dating kahit sa mata, ilong, at labi pa lang nito titingin.   Akma na sana akong tatalikod kahit hindi ko pa nasasagot ang kaniyang tanong. Ngunit hindi ko na iyon nagawa pa dahil kusa niyang isinira ang distansya sa aming pagitan at hinuli ang aking palapulsuhan. Sa pagkakataong ito, napatingala ako upang pagtagpuin ang aming mga mata kahit pa halos nauubusan na ako ng hangin at hindi na halos makahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD