6: Ang Hinaharap

1859 Words
Ang pinakamasakit na pwede mangyari sayo bilang tao ay mapagtaksilan ng mga taong hindi mo inaasahan. Pinagkatiwalaan ko si Orya. Sinabi ko sakanya ang dahilan kung bakit ako umalis pero wala. Inihayag ko ang dahilan kung bakit ako tumatakas—pati na rin ang patungkol sa kasal na ayaw kong mangyari… Pero tinignan nila ako bilang isang prinsesa na hindi nag-iisip at nagre-rebelde lamang. Tinulungan ko sila bilang Adelaide pero ibinigay nila ako dahil isa akong prinsesa! Dahil limang gintong haba ay pinagpalit nila ang pinagsamahan namin! Hindi na ako nagulat noong pagdating ko sa palasyo ay dinala agada ko sa sentro ng kaharian kung nasaan ang trono ng aking ama. Nagkatinginan kami nito at kita ko sa ekspresyon niya ang galit; nag-aapoy ang mat anito at lumaki ang butas ng kanyang ilong habang papalapit ako. Binitawan ako ng guardia, at doon na nagsimulang magsalita ang hari. Mukhang hindi nga mali ang narinig kong balita—galit ang hari. "Dahil sa pagtakas mo ay pupunta ka sa kabilang kaharian at doon magtanda!" Sigaw ng ama ko sakin. “Hindi mo na talaga ako binigyan ng kahihiyan, Adelaide! Kinulong mo ang mga guardia sa balkonahe!?” Nanlaki ang mata ko at tila nagising sa sinabi niya. "Patawad sa aking nagawang pagtakas, ama. Ngunit, kabilang kaharian!?" Akmang lalapit ako sa hari pero sumenyas ito sa mga guardia na hawakan ang magkabilang braso ko. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis siya mag-desisyon! Ibigay sa kabilang kaharian? “Ama,” pagmamakaawa ko dito. Tumango ang aking ama. "Ang mahal na prinsipe ang kasama mo doon at habang naghahanda kayo sa kasal ay ipinangako niya na tuturuan ka niya ng leksyon." "Ama!" Gulantang na iling ko sakanya. "Ipagkakatiwala niyo ako sa taong iyon!?" "Isa siyang prinsipe, Adelaide!" Ang boses nito ay dumagundong sa pasilyo. "Kahit anong sabihin ko sayo ay talagang hindi mo susundin! Ilang beses ko na sinabi na huwag! Pero anong ginawa mo? Kahihiyan!" Hindi pwede ito. Ayokong mapunta sa lugar na hindi ako pamilyar! Ang kalayaan ko bilang isang prinsesa ay liliit dahil isa na akong dayo sa hindi kilalang palasyo! "Ama, ibinibigay niyo ba ang nag-iisa niyong anak?" Hindi ko maiwasang isumbat sakanya iyon. Ngunit hindi nakinig ang aking ama. Tinignan lang ako nito ng mariin bago pumikit. "Ihanda ang prinsesa sakanyang paglalakbay!" Hinila nila ang braso ko palayo. “Ayoko! Ama, pag-isipan niyo itong mabuti! Hindi maari! Ayoko!” “Ako’y lubos na nadidismaya sa ginawa mo bilang isang prinsesa. Hindi tama ang ginawa mo at talagang inulit-ulit mo pa.” Itinaas nito ang isang liham na isinulat ko kagabi. “Kung hindi ako nagkulang bilang isang ama, hindi ka magkakaganito.” “H-Hindi patas ito, ama. Ang gusto ko lang naman ay kalayaan para sa sarili! Ama!” Tinignan ako nito ng masama. “Ang kalayaan ang magpapabagsak sayo, Adelaide!” Tulala akong nasa karwahe. Agaran talaga ang paghatid sa’kin sa kabilang palasyo. Ako’y lubos na nakakaramdam ng galit dahil hindi patas ang pasurang ito! Napapagitnaan ako ng guardia at may kaharap pa ako na isa. Tila ako’y isang preso kung kanilang iturin! Ano bang masama sa pagtakas na ginawa ko? Ano bang hindi makuha ng aking ama na dapat lang na pagkatiwalaan niya ako dahil… anak niya ako at kaya ko ang sarili. Mapakla akong napangiti. Kaya ang sarili? Ni hindi ko nga alam kung sino ang totoo sa hindi. Naloko ako ng mga taong akala ko ay tapat sakin. “Itigil niyo ang karhawe. Nais kong magtungo sa palikuran.” Naalerto ang tigabantay. “Patawad, mahal na prinsesa ngunit hindi maaari.” Tinaasan ko ng kilay ang guardia. “At bakit hindi maaari? Alam mo ba kung gaano kalayo ang kabilang kaharian? Bakit mo naman ako pagbabawalan? At sino ka upang pagbawalan ako?” “Ngunit walang palikuran dito, mahal na prinsesa.” “Masakit na ang aking pantog. Anong gusto mo? Simula paggising haggang ngayon ay hindi ko pa nagagawang magtungo sa palikuran upang makaramdam ng ginhawa. Ibaba mo ako kahit saan dahil hindi ko na talaga kaya!” Mabilis silang sumunod sa’kin at inihinto ang karwahe. Napangisi ako sa aking isipan. Bumaba ang mga ito at sumunod pa. Kaya naman mabilis ko silang nilingon. “Ako ba ay nais niyong silipan?” Hindi ko mapigilang itanong sakanila. Napaiwas sila ng tingin sabay hingi ng tawad. Nagtungo ako sa malaking puno at umakto na parang may ginagawa. Ngayon, paano ako tatakas? Hindi ko naman suot ang bestida at malaya akong makatakbo. Ngunit tatlo sila. “Mahal na prinsesa, ikaw ba ay nandiyan pa?” “Huwag mo akong pagdudahan. Saan naman ako pupunta?” Umatras ako ng kaunti. Kailangan ay dahan-dahan lang ang pag-alis ko upang hindi nila mahuhuli kung hindi nila mapapansin na ako’y nawawala. Inihiga ko ang katawan at dahan-dahang nagpagulong upang hindi nila mahuli. Napapikit ako sa ginagawa. Adelaide, dahan-dahan lang upang hindi ka mahuli. Ilang minute akong nagpagulong bago tumayo para dahan-dahan maglakad. Nagtago ako sa puno at doon huminto. Huminga ako ng malalim at muling gumapang. Ilang beses ko pa ginawa iyon bago tumakbo. Ilang minuto na ata akong tumatakbo at wala pa akong naririnig na humahabol sa’kin. Napangisi ako dahil pakiramdam ko ako ay nagtagumpay sa pagtakas. Todo ang takbo ko pero nakaramdam din ng pagod. Hindi ko mahanap ang labasan sa gubat. Pero saan ako pupunta? “May lugar ba na hindi ako kilala?” Kung may lugar sana na hindi ako kilala… Nais kong magtungo doon at maging normal lang na tao. “Nais mo bang magtungo doon?” Napahinto ako sa pagsinghap noong may magsalita. Tinignan ko ang isang matandang babae na nakasuot ng bestida na itim. “Sino ka?” “Nais mo bang magtungo sa lugar na hindi ka kilala?” Ulit na tanong nito sa’kin. Hindi ako nag-isip at tumango sakanya. “Kung may alam kang ganong lugar ay nais kong magtungo doon. Alam mo ba anag direksyon?” “Maari kitang dalhin doon kung iyon ang nais mo.” Kumunot ang noo ko sakanya. Sino ito at bakit niya ako tutulungan? “Ano ang iyong pakay? Kilala mo ba ako?” Ngumisi anag matandang babae sakin. “Oo, kilala kita, mahal na prinsesa.” Aniya sabay yuko pa. Bigla akong nagdalawang isip. Paano kung niloloko lang ako nito o may binabalak na kakaiba? Napaatras ako dito. “Hindi ako interesado.” Dahil baka mamaya ay may mangyari sakin. Hindi lang ako basta dapat magtiwala. Lalo na at nasa gitna kami ng kakahuyan. Dapat ay alam ko ang aking ginagawa at alisto ang aking isipan. “Bakit naman hindi, mahal na prinsesa? Hindi ba’t gusto mo ng kalayaan? Kaya kong ibigay sa’yo ‘yon.” Na-kuryoso ako sa sinabi nito. Paano niya nalaman ang nais kong mangyari kahit hindi ko naman ibinahagi? “Sino ka?” Tanong ko dito. Umabot ang ngiti nito sakanyang mata. “Sabihin natin na isa ako sa taong pwedeng tumulong sayo na umalis dito.” “At bakit mo naman gagawin iyon?” “Dahil isa kang prinsesa na walang gusto kung hindi kalayaan,” aniya. Napahito ako sa sinabi nito. Ngayon ko lang narinig sa iba na parang narinig talaga nila ang aking hinaing at nais na mangyari. Tila may nakakaintindi sa’kin. Ngunit hindi ko siya kilala at malinaw na dapat ay hindi lang ako basta magtiwala sa mga tao. “Hindi naman ako isang tao kaya pwede mong ibigay ang tiwala sa’kin.” Napaatras ako sa sinabi nito. “Paano mo nalaman ang aking iniisip?” “Dahil hindi nga ako isang tao,” aniya. “Ano, mahal na prinsesa? Nais mo ba mapunta sa lugar na hindi ka kilala?” “Iyon ang aking gusto. Pero sa nangyari ngayon ay malabong walang makakilala sakin dahil isa akong prinsesa at kalat na ang mukha ko sa lahat. Hindi malabong pag ako’y nawala ulit ay hahanapin ng aking ama gamit ng gantimpala.” Napaisip ako sa sariling sinabi. Tunay nga na iyon ay aking problema. Tumatakas ako ngayon ngunit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta o paano ulit magtitiwala. “Ayaw mo bang magtiwala sakin?” “Paano naman kita pagkakatiwalaan?” Tanong ko dito. Itinaas nito ang kanyang palad. “Ngunit tila hindi ka prinsesa ngayon…” Napatingin ako sa sarili. Puro putik nga ako at magulo ang aking buhok. “Hayaan mong ayusin ko,” sabi ng matanda at isang pitik ng kamay lang nito ay nagbago ang aking kasuotan! May gumapang na itim na tila usok sa’king katawan at unti-unting nagbabago ang aking kasuotan. Sa isang iglap lang ay tila isang malinis na prinsesa na ulit ako. Suot ko ay isang kulay lilak na bestida na tila aking uniporme sa palasyo lalo nap ag may piging. Ang bigat ng bestidang ito—ngunit teka, hindi iyon ang mahalaga! “P-Paano mo nagawa iyon?” “At kaya rin kitang dalhin sa lugar kung saan walang nakakakilala sayo sa isang kumpas lang ng aking kamay,” aniya. Napaamang ang labi ko—teka. “Ito ba ay itim na mahika?” Nababasa ko lang sa libro ang tungkol sa mahika at iba pa. Alam kong meron talagang mahikang nangyayari ngunit noon pa iyon. Balita ko ay wala ng mga tao kayang gumawa ng mahika dahil bukod sa sila ay pinatay—ipinagbabawal din ang ganitong klaseng mahika! “Oo. Ito nga ay isang itim na mahika. Ngunit ang mahika na ito ay siyang magliligtas sayo.” Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. “Paanong magliligtas? Iyan ay itim na mahika! Batid kong hindi maganda ang hatid nito—” “Ang problema sainyong mga nasa palasyo ay puro libro ang inyong binabasa. Walang masamang dulot ang itim na mahika.” Nguso nito sabay iling. “Kung ganon ay hindi na lang kita tutulungan?” Tanong pa niya sakin. “Mahal na prinsesa!” Natigilan ako noong marinig ang tinig ng mga guardia. Tumaas ang kilay ng amatanda at ngumisi. “Madali at bilisan mo na ang pagtakbo.” Akmang tatakbo na ako ngunit napakagat ako ng labi noong makita ang suot. Hindi ako makakatakbo ng malayo nito! Sinadya ata ito ng matanda upang ako’y walang magawa kung hindi ang sumunod na lang! “Alam mong hindi ako makakatakbo gamit nito!” Inis na sabi ko sakanya. “Tanggalin mo ito!” “Mahal na prinsesa!” “Bakit naman? Napakaganda ng iyong kasuotan!” “Mahal na prinsesa!” “Madali!” Pinanlakihan ko ng mata ang matanda. Tumawa lang ito bilang sagot. “Anong madali? Ikaw ba ay ayos lang?” “Tulungan mo na ako! Hindi ako pwedeng mahuli!” Sunod-sunod ang negatibong pag-iisip ko kung mahuli ulit ako ng guardia. Hindi maganda iyon at siguro ay ikukulong na ako ng aking ama! “Anong itutulong ko sayo?” Napakagat ako ng labi at sinilip ang likod ng puno. Natatanaw ko na sila! “Tulungan mo ako makaalis dito. Hindi ako pwedeng mahuli!” “Saan mo naman gusto magtungo, mahal na prinsesa?” “Kahit… saan. Basta! Dalhin mo ako sa lugar na hindi ko kilala!” Utos ko sakanya. Ngumisi ito sakin. “Masusunod ang iyong kahilingan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD