5: Ang Mahal na Prinsesa

1863 Words
Iba pala talaga ang iniisip lang kumpara sa kung paano mo ito gagawin. Noong nagawa ko na ay ngayon natulala na lang ako sa gilid ng kalsada. Suot ang balabal sa mukha, iniisip ko kung ano na ang kasunod. Oo, aalis ako patungo sa lugar kung saan walang makakakilala sa’kin ngunit paano? Nakaalis nga ako ng palasyo ng walang problema ngunit hindi ko alam ang susunod na hakbang pa. Dapat bang sumakay ako sa bapor? "Bakit nga ba hindi ko naisip ang tungkol dito?" Napasinghap ako ng malalim at tumayo na sa gilid ng kalsada. Kailangan ko maghanap ng tutuluyan muna dahil napagod ako kakalakad paalis sa kakahuyan. "Isa nga po," turo ko sa isang tinapay at agad iyon binigay ng tindera. Tumango lang ito at may kinausap na isa pang tindera. "Narinig niyo na ba ang balita? Nawawala daw ang prinsesa sa palasyo,” ani ng katabi nitong babae. “Naku! Rinig ko ay galit na galit ang hari.” Galit lang, hindi iyon magagalit ng sobra. "Balita ko ay lumalabas nga palagi ang prinsesang iyon,” sabi noong isang kaharap ko. “Ngunit wala namang nakakita sakanya.” "Talaga? Ano naman ang gagawin ng isang prinsesa sa labas? Maglaro?” “Siguro ay wala lang ito magawa sa palasyo kaya naman gusto na lang lumabas.” “Tunay ngang nakakainggit ang buhay ng isang maharlika, ano? Hindi na kailangan mag-trabaho at aalis na lang kung nanaisin.” Iyan ang hindi totoo! Umalis kung kailan ko nais? Hindi ba niya naintindihan na tumakas nga ako! “Sana ay isang prinsesa na lang din ako,” aniya. Hindi mo nanaisin iyan pag ikaw na ang nasa sitwasyon. Napahinto ito sa pagsasalita noong makita ako. “Oh, ano pang ginagawa mo dito? Hindi ako namimigay ng libre.” “Ah, patawad.” Nagising ako sa sinabi nito at inabot sakanya ang bayad. Napalunok ako pagkatapos marinig ang pahapyaw na usapan ng mga taong dumaan sakin. Lahat ay alam na nawawala ako! Pinaalam nila sa tao na nawawala ako? Anong iniisip ng aking ama? Dati naman ay tahimik niya akong pinapahanap sa aming tauhan. Nakakita ako ng kabayo at may hila na mga palay. Paano kung dito na lang ako sumakay? Tama! Hinabol ko ang karwahe para sana magtanong kung pwede magsabay ngunit natigilan ako noong may narinig. "Huy, pumunta kayo sa harapan ng palasyo dahil nandon ang litrato ng mahal na prinsesa!" Kaya pala inanunsyo nito ang pagkawala ako dahil sasabihin niya. Sinasabi ko na nga ba at may ibang pinaplano ang ama ko! Mas lalo kong hinigpitan ang balabal sa mukha at yumuko ng maigi. Karamihan ng tao sa paligid ay may hawak ng papel kung nasaan ang wangis ko. Paano ako makakatakas dito!? Sa ilang daang taon na nakalipas, walang maharlika ang kumalat ang mukha sa labas ng palasyo! Ako pa lang! Kailangan ko ng makatakas dito bago pa may makaalam kung sino ako! Napahinto ako sa paglalakad noong may humila sa balikat ko. Si Orya. Isang kaibigan! Nanlaki ang mata ko. “Adelaide, ikaw ba ‘yan?” Mahinang tanong nito sa’kin. Nagdalawang isip akong tumango sakanya—ngunit sa huli ay tinanguan ko si Orya. Walang sabi na hinila ako nito ng tahimik. “Kumusta ka, Adelaide?” Iyan ang tinanong niya agad sa’kin noong makarating kami sakanilang bahay. “Pwede mo ng tanggalin ang iyong balabal sa mukha. Huwag kang mag-aalala at ligtas ka dito.” Nilapitan ako ng ina ni Orya at nginitian. “Kumain ka na ba? Gusto mo bang maghanda ako ng iyong makakakain?” Tinanggal ko ang aking balabal. “Hindi na po. Kailangan ko na po umalis,” sabi ko sakanila. Hinawakan ni Orya ang braso ko. “Bakit naman? Hindi ba gusto mo ang luto ng aking ina?” Hindi ba nila alam kung sino ako? Tumayo ako. “Nagmamadali ako. Maraming salamat sa pag-alok.” “Orya!” Kumalabog ang kanilang pinto. “Orya, nakita mo na ba si Adelaide? Hindi ko pa rin siya makita!” si Joseph. Kumunot ang noo ko at akmang sasagot pero hinawakan ni Orya ang braso ko sabay iling. “Hindi, hindi ko pa siya nakikita! Nagpapahinga kami ng aking ina!” Sigaw nito. Isa kaming buong grupo ng magkakaibagan. Magkakaedad lang kami kaya lubos na masaya ang aking puso sa tuwing magkakasama kami dahil sa pagkakaintindihan. “Sige hahanapin pa namin siya!” Mukhang nag-aalala pala sila sakin. Nilingon ko si Orya. “Bakit hindi na lang natin sakanila sabihin na nandito ako? Nag-aalala sila sa’kin.” Sabay pa na umiling ang dalawa sakin. “Hindi, hayaan mo na—” Nginitian ko siya. “Orya, huwag natin paglaruan ang mga kaibigan natin. Ikaw talaga!” Natatawang sabi ko sabay harap muli sa pinto. Napahinto ako noong may maapakan na papel. Nawala ang ngiti ko noong makita ang aking mukha at nakita ang nakasulat doon. Pabuya: Limang gintong haba. Napahinto ako doon. May pabuya pa? Limang ginto na haba… May naramdaman na akong mali kaya dire-diretso ako sa pintuan pero hinawakan ni Orya ang braso ko. Nakita ko ang nag-aaalalang itsura nito. Hindi… Hindi naman siguro pwede na kaya nila ako dinala dito dahil sa limang pilak na haba, hindi ba? Huwag kang mag-isip ng ganon, Adelaide. Kaibigan mo siya. “Hindi ka pwedeng lumabas, Adelaide.. Baka may makakita sayo. Saan ka ba pupunta?” “Nakita mo na pala ang wangis ng prinsesa. Siguro ay alam mo na kung bakit ko kailangan umalis—” Umiling ito ng mariin sakin. “Hindi ka pwede umalis dahil delikado at prinsesa ka.” “Kailangan. Magagalit si ama pag nahuli ako. Mabigat ang parusa niya sa’kin.” Kwento ko pa. “Ipapakasal niya ako, Orya. Kaya kailangan kong magtungo sa malayong lugar.” “Naiintindihan namin, hija. Ikaw ay kumalma muna. Hindi maganda na magpagala-gala ka dahil baka may makakita sayo!” Suway ng in anito sa’kin. “Magpalipas ka muna dito ng araw at tutulungan ka naming makatakas. Maliwanag, Adelaide?” Tumango na lang ako bilang sagot. Nakukuha ko naman ang sinasabi nila. Siyang tunay naman na talagang mahirap magtago. “Isa pa, kahina-hinala ka tignan sa labas kaya kita nakilala!” Kwento pa ni Orya. “Mabuti na lang at nakita kita!” Ngumiti na lang ako bilang sagot sakanila. Gaya ng gusto nilang mangyari, ako talaga’y nagpalipas ng gabi sa kanilang tahanan. “Ano bang nangyari?” Tanong ni Orya. Magkatabi kaming matulog ngayong gabi. “Pareho kaming nagulat ni ina noong mapagalaman namin na isa kang prinsesa.” “Patawad kung iyon ay inyong kinagulat.” Sabi ko sakanya. “Bakit ka ba tumatakas?” Tanong niya. “Hindi ba pwedeng magpaalam ka na ikaw ay aalis? Bakit kailangan mong tumakas kagaya ng ganito?” “Dahil hindi na ako pinapayagan ng aking ama,” simula ko sakanya. “Noong una ay ayos lang sakanya na umalis ako ngunit noong tumagal na ay hindi na niya nagustuhan kaya ako’y pinagbawalan sa dahilang delikado ang labas ng palasyo.” Umayos ng higa si Orya sa tabi ko. “Grabe, ang ama mo ay ang mahal na hari! Dapat bang tawagin na kitang mahal na prinsesa?” Nagtawanan kami sa sinabi nito. “Huwag mong gawin iyon! Tawagin mo lang ako na Adelaide at wala ng iba.” “Ngunit bakit ka ba tumatakas? Kung ako ay isang prinsesa, hindi ko na nanaiisin na lumabas sa palasyo!” “Diyan ka nagkakamali, Orya. Mahirap ang buhay sa palasyo kaya ako ay umaalis. Kailangan lagging sumunod at mabuhay ka sa paraang gusto nila. Hindi sayo ang buhay mo—ngayon nga ay tumakas ako dahil determinado akong parusahan ng aking ama na magpakasal na lang basta!” Napasinghap si Orya at tuluyan ng napaupo sa tabi ko. “Ipapakasal ka? Kanino?” “Sa isang prinsipe na hindi ko manlang nakita kung sino,” sabi ko sakanya sabay tawa. Natahimik si Orya sa tabi ko at tulala lang sakin. “Bakit?” “Alam mo bang mas mahirap ang buhay sa labas? Ikaw nga ay kailangan lang sumunod sa mga batas—ngunit dito, lagi kaming nag-aalala sa kakainin namin. Araw-araw na pera pangbayad o may tubig pa ba kaming iinumin sa susunod na araw. Mas madali ang pagsunod, Adelaide.” Paliwanag niya. Tumango ako sakanya. “Nakikita ko naman ang iyong punto. Pero ayoko ng buhay sa palasyo at mas mahal ko dito sa labas. Marami akong gusto malaman at kung ano pa. Gusto ko magkaroon ng buhay na akin—at ayokong makasal!” Tawa ko sakanya. Siguro ay madali lang sakin na sabihing gusto ko ng buhay na akin dahil hindi ko naranasan ang tunay na hirap ng buhay. Nagising akong kukunin ko na lang lahat at hindi ko na kailangan pa kumilos. Ngunit kalayaan ang gusto ko. Gusto kong mamuhay na ginagawa ang bagay na gusto. Hindi lang basta prinsesa. Naniwala ako sa mga taong nakapaligid sakin. Kahit kailan ay hindi ako binigo ng mga tao kaya hindi ko lubos maintindihan ang sinasabi ng aking ama tungkol sa mga normal na tao. Nagising ako ng nasa harapan na ang guardia ng palasyo. Ito ang pinakamasakit na nangyari sakin. Nagtiwala ako kay Orya. Tinignan ko ito. “Anong ibig sabihin nito, Orya.” “Patawad, Adelaide, ngunit kailangan namin ng salapi. Isa pa, hindi mo alam ang pwede mangyari sayo. Delikado ang buhay sa labas.” Tinignan ko muli ang kaibigan—hindi ko mapigilang lumuha. Alam niya ang dahilan kung bakit ako aalis, pero nagawa niya pa rin ito. “Tama si ina, Adelaide. Hindi maganda ang binabalak mong pagtakas. Ikaw ay manatili na lang sa palasyo para sa katahimikan ng buhay mo. Hindi mo alam ang sinasabi mo patungkol sa pakikipagsapalaran at kalayaan. Pag nagugutom ka ay hindi kalayaan ang magpapakain sayo.” “Tayo na, mahal na prinsesa.” “Nag-alala ka ba bilang kaibigan ko o ginawa mo lang ito dahil sa pabuya?” Hindi ko mapigilang itanong sakanya. Bago pa siya makasagot ay nakita ko si Joseph sa harapan ko at iba pang kaibigan. “Huwag niyo tignan ang prinsesa at magbigay galang kayo.” “Bakit mo naman hindi sinabi na nakita mo na si Adelaide? Akala ko ba ay hati-hati tayo sa pabuya?” Nagkagulo sila dahil sa kapirasong ginto. Pinagpalit nila ang pinagsamahan namin dahil lang sa limang gintong haba. Hindi ako makapaniwala. “Ito lang ba ang halaga ng pinagsamahan nating lahat? Akala ko ay nakabuo ako ng pamilya kasama niyo…” Ina ni Orya ang sumagot sakin. “Hindi kami mapapakain ng pagsasama, mahal na prinsesa. Ngayon ay humayo ka na at huwag mag-rebelde sa iyong ama. Hindi maganda ang ginagawa mo.” Hindi pagrerebelde ang ginagawa ko. Gusto ko lang ng kalayaan. Hindi ito simpleng rebelde o kung ano lang! Ilang taon na ako tapos sasabihin na ako’y nagrerebelde? Hindi ganon! Ito pala ang sinasabi ng aking ama. Patungkol sa mga bagay na delikado ang tao at iba pa. Ito ang unang pagbasag ng aking puso dahil sa mga tao. Pinagkatiwalaan ko sila at tunay kong minahal. Ngunit nasilaw sila sa ginto at ang kaya nitong gawin kesa ang kapakanan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD