Kung nakamamatay lang ang pagiging praning, baka araw-araw na akong pinaglalamayan. Mahirap para sa akin ang bagay na 'to. Bawal ang anumang sobra. Pero paano nga naman kung hindi ko magawang kumontrol ng sarili kong damdamin? Sa tuwing lalapit siya ay bibilis na ang t***k ng puso ko. Kapag ngingiti siya, mahihirapan na akong huminga. Masasabi kong kahinaan ko na si Dok ngunit kailangan ko ring tanggapin na siya lang ang tanging malalapitan ko sa oras na nahihirapan na ako. Isang buwan na ang lumipas ngunit malinaw pa rin sa akin kung paano ko pinadusahan ang bawat araw. Nahihirapan ako sa tuwing sumasapit ang kanyang bisita. Makita ko pa lang siya ay nag-iiba na ako. Magbabago ng kondisyon ang tahip ng dibdib ko at kalaunan, mawawala kapag aalis na siya. Hindi pumapalya ang bisita ni

