Maganda ang imaheng inukit ni Trivo sa aking pamilya nang umalis siya sa amin. Masaya akong tanggap siya ng pamilya ko bilang manliligaw lalo't nakikinita nila ang saya ko ukol dito. Hinawi ko mula sa ihip ng hangin ang nagulo kong buhok. Iniwas ko mula sa pagtaas ang suot na circle skirt at dumeresto sa bakuran kung saan nagsisibak ng kahoy si Kuya. Dahan-dahan ang hakbang ko habang hawak ang cellphone na ibinigay sa akin ni Trivo. Hindi ko masasabing regalo ito sa akin dahil hindi ko naman espesyal na araw. Nakakatuwa dahil naisip pa niya akong bigyan ng ganito. Maiibsan na rin ang inip ko nito sa bahay kahit papano. Tuloy lang sa pagsisibak si Kuya kahit batid niyang nasa gilid niya lang ako. Malapit nang lumubog ang araw at tila gahibla na lang ang silahis ng araw na dumadapo sa lup

