Nang sumapit ang tanghali, napagdesisyunan naming bumalik ng bahay upang kausapin sina Nanay. Sa buong oras na kasama ako ni Galileo ay naka-alalay lamang siya sa akin. He makes sure na hindi ako nalalayo sa kaniya dahil hirap na ako maglakad. Isang maluwag na bestida ang aking suot. Napapalamutian ito ng flowers at stripes at nakapusod ang medyo lagas kong buhok. Ang asawa ko naman ay simple sa suot na mint green v-neck shirt. Nagsusumigaw siya sa kagwapuhan habang focus lang sa pag-alalay sa akin. Ang isa niyang kamay ay nakahapit sa aking bewang at ang isa naman ay nakadaop sa aking palad. His manly scent is almost drowning me. Siya pa rin ang Galileo na nagustuhan ko mula una, tila walang nagbago. “Nay! Tay! Nandito na sila Ate!” sigaw ni Diana nang makita niya kami sa tarangkahan. D

