Chapter 16

2071 Words

Kinabukasan, nang mag-log-in ako sa aking Pazelite account, chat ni Mossa ang agad na bumungad. Iniimbita ako sa kanyang debut na gaganapin daw bukas. Subalit ni-reply ko sa kanya na hindi pa ako sigurado roon dahil sa Capgahan ang venue at wala akong bangkang masasakyan. Lumipat ako sa newsfeed nang matapos ang usapan namin ni Mossa. Nag-iisip kung pipilitin ko bang pumunta o hindi. Kasi kung iisipin, minsan lang sa buhay ang debut, espesyal na araw niya iyon at best friend pa niya ako kaya kailangan kong gumawa ng paraan upang makapunta roon. Habang hinahawi ang scroll sa newsfeed, lumitaw ang isang post na naka-tag kay Dok Gal. Mayroon itong apat na picture at ang bawat imahe ay halos iisa lamang ng setting. Makikita ang maraming bata na nakapalibot sa kanya, karamihan sa mga ito ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD