Ilang beses kong sinabi sa sarili na wala lang iyon at mapapawi rin. Sa bilis ng t***k na iginawad ng puso ko sa nangyari, naging mahirap sa akin upang kalmahin ito at bahagya akong nahirapan sa paghinga. Buti na lang at nawala rin noong bumitaw na siya sa akin at makaupo na ako tuluyan sa unahan. Muli akong huminga nang malalim. Pinatong ko sa ibaba ang sandals. Pikit-mata ako at kumuha ng balabal na natupi malapit sa akin at saka itinalukbong sa sarili. Bukod sa masama sa akin ang mapasuray sa ilalim ng initan, magagamit ko rin ito upang maiwasan ang kanyang mga mata. Grabe, hanggang kailan kaya ako magtitiis sa ganito? Hanggang kailan ko pipigilin ang sarili at kalmahin kapag nawawala na sa huwisyo ang bawat pintig ko? "Ayos ka na Ada?" si Kuya nang makasakay na. Nasa kabil

