Chapter 15

2149 Words

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Parang panaginip na lumipas ang bawat oras kagabi matapos kong aminin sa kanya na gusto ko siya. Nakatulala ako ngayon sa bintana dito sa aking kwarto. Sumisikat na ang hilaw na araw at nasisinagan na ang malawak at asul na karagatan. May mga bata nang nagtatampisaw doon at isa na roon si Diana. Kitang kita ko naman si Nanay na nakaluhod sa basang buhangin ng dalampasigan upang mangalkal ng tulya. Pumikit ako nang mariin at humingang muli nang malalim. Totoo bang nagawa kong umamin kagabi? Kasi kung panaginip lang, sana ay binabalewala ko na ngayon. Nababaliw na ako kakaisip dahil wala akong mapagsabihan at dapat na hindi ito malaman ng iba kung ayaw kong mahusgahan! Ano na lang ang sasabibin ng iba? Batid na halos ng mga narito sa isla na nil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD