Ilang araw pa ang lumipas at unti-unti nang nawala ang galit ni Kuya at Tatay kay Galileo. Unti-unti nilang tinanggap dahil nangyari na, higit naman mahalaga sa lahat ay ang managot 'di ba? Besides, matapos lahat ng nangyari ay hindi naman ako tinakbuhan ni Dok. Heto nga at willing pa akong pakasalan, bagay na akala ko ay sa panaginip ko lang mararanasan. Madalas ang mga pantasya ko sa fairytales noong bata ako. Madalas ring sumasagi sa isip ko kung magkakaroon ba ako ng prince charming na sasambulat sa akin sa paggising. Iyong pakiramdam na nangangarap lamang dahil malayo sa kabihasnan ang aming isla at iniisip na taga-rito sa isla ang mapapangasawa. Pero hindi. Doon ko napatunayan na may sarili palang pluma ang tadhana. May mga bagay na hindi dapat pangunahan dahil isang araw, ma

