Pagod kong iminulat ang aking mga mata. Marahan kong hinaplos ang aking mga braso at pinakiramdaman kung maayos pa ang aking paghinga. Tatlong hinga nang malalim, saka ako bumangon mula sa kinahihigaan. Tumingin ako sa orasan, nang makitang alas kwatro na ng hapon ay napatikhim ako. Apat na oras pala akong nakatulog. "Ada! Okay ka na ba anak?" tanong ni Nanay nang pumasok siya sa aking kwarto. Simple kong inangat ang aking mga labi at saka ngumiti. Nag-thumbs up ako. "Okay na po N-nay..." Lumapit siya sa akin at inalalayan niya akong tumayo. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at kumapit ako sa kanyang balikat. Inalalayan niya akong lumabas ng kwarto, dahan-dahan naming tinungo ang kusina nang nakakapit pa rin ako saka iginiya sa upuang inilaan para sa akin. Lugaw a

