Maghapon akong nanood ng T.V. at walang ibang ginawa kundi ang magpahinga. Kumuha na rin si Galileo ng katulong upang gumawa ng mga gawain na hindi ko maaaring gawin. Noong una ay ipinagpilitan kong kakayanin ko namang gawin iyon pero wala rin akong nagawa. Puro mga cooking show ang pinanood ko. Kahit papano’y may natututunan naman ako. Hindi lang talaga ako sanay na may ibang kumikilos dito, dahilan kung bakit medyo nahihiya ako. “Asawa mo siya ma’am?” tanong ng katulong habang naglilinis ng bintana. Nakatingin siya sa wall picture ni Galileo kung saan makikitang suot nito ang scrubs. Tumango ako. “Ang swerte niyo naman pala,” dagdag niya. Nais ko sanang gatungan kung ano ang kaniyang sinabi ngunit inisip ko na lamang iyon sa loob-loob ko. Sinong hindi magiging swerte sa doktor na it

