Maghapon akong nakatulala. Mariin ko pang ipinipilit sa sarili ko na parte lang ito ng masama kong panaginip. Ngunit bakit ang sakit-sakit? Habang tumatagal ako rito sa hospital, unti-unti rin akong nalilinawan sa kung ano ba talaga ang nangyari. Ang hirap tanggapin na sa isang iglap, parang bula na naglaho ang lahat. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang tingin sa palapulsuhan. Nakakabit pa rin doon ang dextrose at ni anuman ay wala akong nararamdaman. Tanging ingay lang mula sa makina ang umiiral sa paligid. Tunay na nakabibingi ang katahimikan, na kahit yata hinanakit ng puso ko ay maririnig na ng kung sino mang kasama ko rito. Hinanap ng mga mata ko si Galileo. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang mapansing bakante ang monoblock kung saan madalas ang pag-upo niya. Sigur

