Chapter 06

2124 Words
Binaba ni Nanay ang bitbit niyang banyera saka patakbo akong nilapitan at niyakap. Naluluha ko siyang hinagkan lalo na nang marinig ko ang kanyang hikbi.   Sa loob ng maraming araw, hindi ko alam kung paano ko nakayanang matulog at magising nang hindi sila nakikita. Nasanay ako noon mamalagi sa hospital nang kasama sila at may gabay nila. Hindi ko inasahan na ganito kabigat ang magiging buhos ng luha ko kahit hindi pa man ako nakakapasok sa aming tarangkahan.   “Ate!” sigaw ni Diana at humahangos na lumapit sa akin. Yumakap siya sa aking bewang at siya naman ang aking hinarap.   “Kamusta ka na,” nanginginig kong sabi matapos kumalas kay Nanay. Nagpunas siya ng luha samantalang ako ay umupo upang pantayan ang tangkad ni Diana.   Tulad ko ay umiiyak din siya. Na-miss ako masyado. Inuto-uto ko na lang na ayos naman ang pakiramdam ko at sinabi sa kanya na hindi na ako babalik pa roon. Nang mahimasmasan ay saka ako muling umahon at tumalikod upang bigyang pansin si Dok. Ngayon ay kausap na niya si Nanay.   “Naku dok! Maraming salamat sa tulong mo. Mabuti na lang at nariyan kayo para sa anak ko.” Kaharap ni Nanay ang mga plasic bags. Tumango lang si Dok Gal at ngumiti saka tinulungan si Nanay dalhin ang mga pinamili.   Todo kapit sa kamay ko si Diana habang naglalakad papasok sa bahay. Sa pagtapak ko sa pintuan ay bigla akong nabuhayan. Napunan ang pangungulila na matagal kong tiniis sa Capgahan. Sa dami ng mga oras na lumipas, ang pansamantala kong pamamalagi roon ay ubod ng bagal sa usad. Mabuti na lang at naka-recover na ako.   Inalok ni Nanay ng kape si Dok, bagay na hindi naman tinanggihan. Pumasok ako sa kwarto at iniwan silang nag-uusap. Si Diana naman ay hinayaan kong manood doon dahil masyado ang paghanga niya sa mga doctor. Ewan ko lang kung may matututunan siya sa usapan ng mga matatanda.   Tinungo ko kaagad ang aparador at inabot ang alkansya. Nang mapansing bumigat ito kumpara noon ay napangiti ako. Siguro may naglagay. Kung hindi si Tatay, baka si Kuya. Matanong ko na lang sa kanila sa oras umuwi na sila mula sa laot.   Pinasadahan ko ng haplos ang aking higaan. Maayos ang pagkakalatag ng bed sheet at kapansin-pansin ang pagiging organisado ng mga unan. Lumingon ako sa bukas na bintana at naglakad patungo roon. Maliwanag na sumalubong sa aking paningin ang matingkad na kulay ng dalampasigan.   Ang maganda sa pwesto namin ay malapit lamang ito sa baybayin. Madali lang matutunton ito sa oras na umuwi mula sa laot sila Tatay. Ngunit sa kabila nito, abot-abot ang takot namin kapag sumasapit ang bagyo. Lalo na kapag higante ang daluyong.   Binalik ko sa dating pwesto ang alkansya at lumabas. Ngayon ay naabutan ko na lamang si Diana at si Dok. Si Nanay naman ay nasa kusina, inaayos ang gatong ng sinaing.   “Gusto ko rin po maging doctor!” natutuwang sabi ni Diana. Napansin ko ang nakangiting tingin sa kanya ni Dok habang hawak ng isa niyang kamay ang tasa ng kape. Lumapit sa akin ang kapatid ko at inabot ang aking kamay.   “Ate, sabi ni Dok tutulungan niya raw akong mag-aral ng medisina kapag graduate na ako sa college,” baling niya sa akin. Simple kong tinapunan ng tingin ang doctor na ngayon ay naglaho na ang ngiti.   See? Kapag ako ang kaharap, nasusuplado na.   “Naku! Inuuto ka lang niyan,” singhal ko kaya binitawan niya ang aking kamay. Nagsalubong ang kilay ni Diana at padarag akong tinalikuran. Natawa ako.   “Ayaw mo ba kay Dok ate?”   Binaling ko muli ang tingin sa Doktor na seryosong sumisimsim ng kape. Ilang segundo pa ay pinatong niya sa lamesita ang tasa, malamig ang mga mata sa akin.   Hindi ko sinagot si Diana. Mahina lang akong tumawa at iniwan silang dalawa sa sala. Nagpaalam ako saglit kay Nanay sa kusina at lumabas upang magpahangin sa magandang panahon at dalampasigan.   Pinadausdos ko ang mga paa sa buhangin habang tinatahak ang paboritong spot sa ilalim ng niyog. Nang marating ay prente akong umupo sa malaking bato at pinagmasdan ang bahagyang pagkahel ng araw. Malapit na itong lumubog. Malapit na itong mamaalam.   Tumalikod ako nang maramdamang may nakasunod sa akin. Nanliit ang mga mata ko at masungit siyang tiningala.   “Anong ginagawa mo rito?”   Hilaw na ngisi ang ginawad niya sa akin. Umirap ako at bumaling muli sa dagat.   “Masama kung sumunod ako?” sagot niya. Lalo pa siyang umusad at umupo sa gilid ko. Nananadya yata talaga siya.   Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan kung paano nahahawi ang mga ulap. Pilit kong nililimot kung sino ang nasa tabi ko at hinahanap ang kapayapaan sa tahimik na lugar na ito.   Una pa lang, alam kong hindi na kami magkakasundo nito. Ibang iba siya sa mga kilala kong doctor. Iba at mabait naman ang pakikitungo niya sa iba pero pagdating sa akin, hindi ko alam, naiinis ako na nagmumukhang ewan. Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako. Bumibilis din nang paunti-unti ang pintig ng puso ko, hindi sa paraan na nasasaktan ako, kundi sa paraan na ang bawat t***k ay nalalapatan ng hindi maipaliwanag na kaba at takot.   Bakit nga ba ako kakabahan? Bakit nga ba ako matatakot?   “Huwag ka na maghanap ng trabaho,” basag niya sa katahimikan. Hindi na ako sumagot. “Anumang mabibigat na gawain ay hindi pwede sa’yo. I suggest, dito ka na lang sa inyo.”   Tikom lang bibig ko at hinayaang tunog lang mula sa mga naghahampasang alon ang sumagot sa mga sinasabi niya sa akin.   Tama siya. At hindi na ako maghahanap pa ng trabaho. Tama na ang minsang pagkakamali. Mahirap mamatay dahil sa katigasan ng ulo.   “May pag-asa pa ba akong gumaling?” tanong na lamang. Nahiya rin naman ako kung hindi ko siya papansinin. Ang gulo mo Ada!   Wala akong narinig sa kanya. Hinayaan kong lumipas ang isang minuto habang nakatitig sa baybayin ngunit dahil sa pagiging tahimik niya, hindi ko naiwasang mapatingin na muli sa kaniya.   “May pag-asa?” ulit ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin gamit ang mga mata na ngayon ay mayroong sinseridad   Nanlumo ko nang umiling siya. Parang pinunit ang puso ko at nanggilid nang bigla ang luha.   “Nasabi ko na ‘to noon sa magulang mo. Hindi nagagamot ang coronary heart disease.”   Habang buhay. Ibig sabihin, habang buhay ko itong dala. Ngunit hindi ko rin masisiguro dahil hindi ko na hawak ang buhay ko. Anong malay ko? Baka sa susunod babawian na ako. Hiram ko lang naman ito. Hindi ko ito pagmamay-ari.   Hindi ko na napigil pa at hindi ko rin napilit pang itago, hinawi ko ang mata kong basa na ngayon ng luha.   “Here,” sabi niya. Napatingin ako sa hawak niyang panyo. Nagpasalamat ako at kinuha iyon.   “Sanay ka na siguro talaga makakita ng pasyenteng umiiyak,” natatawa kong sabi at binato sa kanya pabalik ang panyo nang masigurong tuyo na ang gilid ng aking mga mata.   Binaba ko ang aking mga kamay at nilunod ang mga daliri sa buhangin. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.   “Wala kang balak ipakilala ang sarili mo? Kahit hindi na sakin, kahit manlang sa—” pinutol niya ang aking sinasabi.   “Anong gusto mong malaman sa’kin?”   “Like… birthday ganon.”   Tumawa siya. “October 30, ano pa?”   Nag-isip ako at umirap. “Saan ka nakatira?”   “Sta. Mesa.”   Kumunot ang noo ko. “Saan ‘yon?”   “Manila.”   Namangha ako nang marinig iyon. Manila. Gusto kong puntahan ang syudad na iyon. Ano kayang pakiramdam nang nakakakita ng maraming malls at matatas na buildings? Hanggang picture lang kasi ako at ang madalas kong makita ay napupuno ng mga sasakyan ang kalsada at napaliligiran ng mga magagarang establishments ang lugar.   “Ang swerte mo naman.” Ang tangi ko na lang nasabi at ngumiti. “Bukod sa syudad ka na lumaki, nakapagtapos ka pa.”   “This place is way better than Manila.”   Napatingala ako sa nasabi niya at nagtaka. Seryoso ba siya?   “Paano mo nasabi?”   Umigting ang panga niya at lumamig ang mga mata sa akin.   “Cities are hell disguised as heaven. Just an exhausting place to live in.”   Binato ko siya ng maliit na tangkay at simpleng dinuro.   “Grabe ka naman. Ang dami kayang nangangarap makaluwas doon—”   “Di hamak na mas maraming nangangarap na makapunta rito sa inyo.”   Natulala ako at hindi nakapagsalita. Sa paraan kasi ng pagkakasabi niya, alam kong sobra na niyang seryoso. Hindi ko naman masisisi dahil kanina ko pa pinahahalata ang pagdududa ko.   “This place is almost magical. Kahit papano, maswerte ang mga residente rito. Iba ang hirap ng mga naroon sa Manila kaysa sa hirap na mayroon dito.”   Hindi na ko nakipagtalo. Tama naman siya sa parteng maganda rito sa amin. Siguro ganoon nga talaga, walang lugar na perpekto. Walang lugar na hindi makikitaan ng kahirapan. Naroon ang progreso pero hindi maiiwasang makasaksi ng mga napag-iiwanan.   “Bibisitahin kita rito sa bawat dalawang araw para mabantyan ko ang puso mo,” aniya. Nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig iyon.   Nahimasmasan kaagad ako at nalunod sa hiya.   “G-gets. Ang sagwa kasi ng term mo.”   Suminghap siya at mas nilapit sa akin ang distansya ng upo. Hindi ko rin talaga maintindihan ang isang ‘to. Seryoso na suplado.   “Tss. Siguraduhin mong literal na sakit sa puso ang sakit na aagapan ko.”   Tumaas ang kilay ko at padarag siyang sinagot. “As if. Ni hindi ka nga yata nagka-girlfriend. O kung hindi man, baka ikaw pa ‘tong heartbreaker.”   Maging ako ay nagulat sa isinagot ko. Tumingala ako at kinurot ang sarili sa bewang. Bakit usapang girlfriend na naman?!   “Sineryoso ko ang pag-aaral ko kaya hindi ako nagka-girlfriend. At lalong hindi ako heartbreaker.” Huminto siya. “Depende kung gusto mong mabiktima.”   Nanlaki ang mga mata ko. Aba! Ang kapal?   “Talaga lang ha? Kung papabiktima man ako, ibig sabihin lang nun ay pumapatol ka sa bata!”   Tumawa siya. Sa puntong iyon ay nanlambot ako. Punyemas, bakit ang ganda ng tawa? Bakit nakapanghihina ng tuhod?   Lumunok ako at pinilit na ibalik ang sarili sa huwisyo. Ano bang nangyayari sa akin?   Mabuti na lang at narinig namin sa likod ang tawag sa amin ni Nanay, inanyaya na kami magmiryenda. Buti na lang at mapuputol na ang usapan dahil hindi ko na alam kung ano pang magiging reaksyon ko sa susunod. Mas ayos na ako naiinis pero ang manghina nang dahil sa kanyang tawa at ngiti? Geez, ayaw kong tanggapin!   Una siyang tumayo at nilahad ang isang kamay sa akin. Umirap ako at hindi na iyon tinanggap.   “Ang init ng ulo mo sa’kin,” sambit niya nang makatayo ako at pagpagan ang suot. Hinawi ko ang buhok ko at binalik sa tenga ang talikwas.   “Suplado ka kasi,” sagot ko at nauna nang maglakad sa buhangin.   Tumabi siya sa’kin at patuloy na nagsalita. “Dalawang taon tayong magkakasama at bibista ako rito paminsan-minsan. Can’t you be nice?”   Huminto ako at pinandilatan siya ng mata. “Nice naman ako. Huwag ka kasing suplado.”   “I can’t promise you that. Ganito na talaga ako.”   “Wow?” singhal ko at nagpatuloy. Bawat hakbang ay lumulubog sa buhangin ang suot kong tsinelas. Malalalim pa naman minsan ang tapak ko.   Sa ikalawang hakbang ay nadapa ako. Tinukod ko na lang ang mga braso ko sa buhangin at napamura.   “Don’t rush,” kalamadong sabi nitong doctor at yumuko upang alalayan ako sa pagtayo. Wala akong nagawa kundi abutin ang kanyang kamay upang makatayo nang maayos.   Hindi na ako nagsalita. Nagpatuloy kami sa paglalakad na para bang walang nangyari hanggang sa marating na namin ang bahay.   Ang mabangong aroma ng bagong lutong suman ang bumungad sa amin sa sala. Umupo sa bangko na nasa tapat ko ang doctor at nakitikim sa suman. “Salamat po.”   “Ay naku dok, kami nga ang dapat na magpasalamat sa’yo. Bukod sa libre na ang bill sa hospital, binili mo pa kami ng mga kakailanganin namin sa araw-araw. Pagpalain ka iho.” Mahinahon si Nanay at si Diana naman ay nakabusangot. Nagtatampo sa sinabi ko kanina.   Hay nako.   “Uy.” Sinundot ko ang tagiliran ni Diana. Tumingin siya sa akin nang salubong ang kilay. “Anong nangyari sa’yo?”   “Mag-sorry ka kay Dok, ang sama ng sinabi mo kanina,” matinis ngunit mariin niyang sabi. Napansin kong pinilig ni Nanay ang kanyang ulo at nagtaka sa sinabi ni Diana.   Binaling ko ang tingin kay Doc Gal na ngayon ay mukhang nag-aabang sa aking sasabihin. Isang beses na nagtaas-baba ang kanyang kilay, lihim na ngumisi sa akin.   Aba’t ano ‘to?!   “Bakit anak? Ano iyon?” tanong ni Nanay at umupo sa tabi ni Diana.    “Si ate kasi, bad kay Doktor.”   Sumulyap sa akin si Nanay. Saglit akong tumingala at humarap na lang nang maayos sa taong ito.   Bwisit.   “Sorry na Dok,” sabi ko. Lumipat ako kay Diana. “Oh ayan, okay na?”   Nagulat ako nang marahas na umiling ang bata at mas lalong nagulat nang marinig ang sumunod niyang sinabi.   “Hindi, dapat may shake hands!” sagot niya. Napa-awang ang bibig ko. Ano bang nangyayari sa batang ‘to at ganito kung mag-isip?   “Gawin mo na Ada at nang makalma ‘tong kapatid mo.” Nahihiyang ngumiti ang Nanay kay Dok. “Pasensya ka na sa dalawa...”   Wala akong nagawa. Huminga na lang ako nang malalim saka tumayo. Sa paglapit ko ay hindi ko inasahang manginginig ang tuhod ko. Leche, ano bang nangyayari sa akin?   Nilahad ko ang kamay ko at sinigurong makikita ito ng kapatid ko. Hindi ko na alam kung paano ang sumunod na nangyari dahil nang tanggapin niya ang kamay ko at maramdaman ang init ng palad niya sa palad ko, bumilis na naman ang pintig ng puso ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD